___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Saturday, January 26, 2008

Ang pagbabalik ng astig....!


I'm back wooohooo....! Masakit pa rin ang balikat at leeg pero pwede nang mag-type ng pagong speed lang....! Baka akala nyo hindi ko alam na may mga comments and messages kayong lahat dito ha, i was just right in the background reading and laughing nakikiramdam sa mga kakalugan at kakulitan nyo all along....! =D


Last time i was really feeling so bad on my upper body at hindi talaga kayang mag-typing, naranasan nyo na bang magpapasta ng ipin, ganun ang feeling ko last time na parang may on going na road constructions sa loob ng shoulder ko....! Nature kasi ng work ko, naka-upo buong maghapon, nakasubsob ang mukha sa ginagawa at nakatunganga sa mga folders ng mga schematic diagrams, paperworks, electronic gadgets, electronic components at kung ano-ano pang connected sa electronics na pang mina ng coals sa ilalim ng lupa.... Kaya pala madami kaming stock ng pain-killer sa luchroom dahil dun, ngayon ko lang na-figure-out....! Pero mas okay na lang tong job kesa dun sa mga minero mismo, at least wala akong putik sa katawan, paupo-upo lang buong araw, naka-aircon pag-summer, naka-heater naman pag-winter, at nakakapag-blog pa on our office pc uha....! Yun nga lang ang down side nya, sakit sa ulo at batok but not always....! =D


How's everyone by the way....? Salamat sa lahat ng mga walang sawa at walang tulog na bumibisita dito naks ha-ha....! Oi, matulog naman kayo, wala na bang tulog-tulog dyan sa phils ngayon at kahit bandang 4 'o clock ng umaga ay may natatanggap pa akong mga messages....?! Bakit mo naman alam Peng, hindi ka rin siguro natutulog ano....? Dun sa mga nag-iwan ng mga messages nila at comments at sa mga bumibisita para magbasa, makiki-iyak at nakikitawa sa mga kadramahan at kalokohan sa blog na'to, thank you talaga sa lahat.... Alam ko yan kasi bumi-build up din ang visit records dun sa hit-counter ko araw-araw kahit na kalahati pala nun ay sa'kin....! Aba, big fan din yata ako ng blog ko, conceited....! =D


Palagay ko hindi ko na kailanggan pang i-mention ang mga pangalan nyo dito dahil baka lalong mas na sumikat pa kayo kesa sa akin nyan, kapal....! Hindi, alam ko naman at alam nyo na rin kung sino-sino kayong mga espesyal na mga nilalang sa balat ng lupa at palaging nagbibigay buhay sa munting mundo ko, wag nyong sabihing hindi nyo pa alam kung sino-sino kayo dyan dahil ibang kaso na yan....! I just wanted to tell you all that you'are the most important part of my blogs and i really do whole heartedly appreciates everyone's support.... (hikbi!) (singot!) (lulon!) (singot pa ulit!) (isinga mo na nga yan, kakadiri you naman!)


Anyways, nandito na ulit ang astig at handa na ulit sumabak sa bakbakan, hindi bakabakan ng pandesal na may kuko to kundi bakbakan ng stick bread na may kuko lang....! Ano raw sabi, paki-ulit mo nga Peng....? Nalito yata ako dun a, paki ulit nga ng mga sandosenang beses pa plis....! Happy lang ako na sa wakas pwede na ulit akong mag-react sa mga iniiwan nyo mensahe, hirap nung hanggang basa lang ako talaga kasi parang tortured pala ang pakiramdam nun, sa'kin nga ang site pero ni kalabit man lang sa mga pyesa ng keyboad ay di ko kayang gawin....! Kamot nga ng ilong hindi ko kayang gawin, kalabit pa kaya sa keyboard....!


kinabahan pa nga ako kahapon dahil naalala ko na si David Bowie pala nun nung nagpa-opera sya dahil nangangalay daw balikat nya everytime na tumutugtog ng gitara, yun pala sobrang barado na ng cholesterol ang isang artery ng puso nya kaya medyo nag-worry din si Pepe dahil parang pareho yung case a at medyo napalakas din ang kain ko ng fried french ba yun nung happy new years day, sarap nun para syang strips ng pritong patatas na lasang chicken joy pagpumikit ka....! Ha, french fries ba tawag dun, kala ko kasi fried french ay baliktad....! Buti na lang hindi naman pala ganun kalala at talagang muscle pain lang sya'ng talaga....


At the moment ay medyo okay na ako pero may paminsanminsan pang pagsakit ng balikat at shoulder-blade kapagnapahataw ako ng forehands and backhands ko.... Napasobra kasi panunuod ko ng Australian Open Tennis Game lately kaya yun medyo naki-carried away minsan lang naman he-he....!


Anyways, i'm back and my first plan is to visit your blogs later on kasi madami na yata akong na miss sa mga tsismis ng mga buhay nyo....! Talaga yatang mapapasabak ako ng typing nitong araw na to....! Dapat kasing mag-comment din ako sa mga entries nyo mamaya na hindi ko pa alam kung ano ang mga topics.... Baka kasi sabihin nyo na loko naman tong si astig, binibisita ko blog nya nun at nag-iiwan pa ako ng greet and smiles tapos wala man lang nailagay sa blog ko kahit na dash and dots lang nung nagbalik, mabatokan nga kaya kita, etong dapat sa'yo um....! *toinks*....! Jokes only lang ha-ha....! Wala lang magagalit....! O sige, kitakits na lang tayo mamaya.... Wag nyo lang akong hintayin at baka gabihin si Pepe ng punta he-he....! Ibi-breaking ko muna tong balikat ko para maisabak ng husto sa typing....! Wawoooo....! =D

10 comments:

redlan said...

"(hikbi!) (singot!) (lulon!) (singot pa ulit!) (isinga mo na nga yan, kakadiri you naman!)"- nagpaparinig ka ba Pepz? 'Yan kasi ang condition ko ngayon. hehehe. Tinamaan naman ako. Joke.

Ipa-xray mo nga yang balikat mo at baka may nakabara na french fries dyan. Hindi na tunaw ba. Joke lang.

At least okay ka na at maging buhay naman ang blog mo at ang comment box ko. Thanks sa comment. Tama ang iniisip mo. Minsan kahit nagpapansin ang tao, bumibisita sa blog pero hindi naman ini-entertain , nakakatamad magbisita at magcomment ulit. I remember u told me, "Ikaw pa nga ang nagi-effort, hindi naman ina-appreciate. Hindi yun dapat ang treatment sau o u dont deserved to have that treatment." Basta yun na yun. I learned it from you. Nakz!

O siya, ang entry mo ang huli kong binasa. Napakahaba kasi. Till then. Manood pa ako ng fireworks sa sm city. Hanggang bukas muli. TC

Bry said...

at talaga namang ASTIG ka kuya pepe ha?! hehehehe...

pero bakit mga nakabenda na yang likod at braso mo? hehehehe...

ayan ang epekto ng nagbakasyon, pagbalik maraming pending visits. :)

ako sa rest day na lang din ako bawi

ingatz

Pepe said...

Oi, maysakit din ba Red....? Don't worry just take it easy lang.... I just find it hard to let go of the blog and my blogging friend kaya nagsikap na gumaling at makabalik ng maaga as much as possible.... Sorry sa mahabang entry, and thanks for looking after my blog by always dropping by while i was not here he-he....! Goodie weekend to you Red....! =D

Pepe said...

Oi, sorry Bry hindi sa akin yan, napulot ko lang dun sa web kanina he-he....! At saka kaliwa yung sa'kin hindi kanan....! Nandito lang naman ako nung off ako sa blogging, nagbabasa pa rin naman kaya lang hindi makapag-type dahil masakit ang balikat pero nabasa ko lahat ng mga comments dito....! =D

ladyracer said...

what happened???

hope you get better soon po :)

Ethyl Alcohol said...

Mukang malala yang nararamdaman niyo kuya ah at ni type man lang e nahihirapan kayo pero buti naman at nakakapag type ka na ulit. Hehe.

Dakilang Tambay said...

welcome back!

Pepe said...

to Ladyracer,

Okay na naman ako ngayon, kababalik blogging lang.... Just a minor muscle pain lang on my left upper body, siguro nanibago sa balik trabaho, i'm feeling more better now.... =D

Pepe said...

Kulang lang to sa trabaho Tin kaya this year i'm gonna work more, much more than i did last year he-he....! Joke only, hindi ako nagpapakamatay ha....! Nanibago lang to from katamaran sa christmas break to being busy again, masasanay din ako sa mga changes tapos mawawala na lang to later on.... =D

Pepe said...

Thanks Mia....! Buti naman at natagpuan mo tong blog ko, lalo tuloy tayong dumadami at lalong sumasaya....! =D