___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Tuesday, January 22, 2008

Pahinga muna ako....


Nanibago lang sa trabaho, buong araw ka ba namang nakayuko at nakatunganga sa mga gadgets and paperworks.... masakit ang ulo, batok, leeg, balikat, likod, left arm, at shoulder blades.... I probably need that snake-spa so badly right now....! Pass muna ako for a while kasi hindi kayang magtagal sa sitting position.... Pahigahiga na lang muna, sana may maimbento nang pc na nakadikit o nakasabit sa kesame para makapag-blog naman ako kahit na nakahiga ano....?


Ito yata ang tinatawag nila sa inglis na oksapyo pwe! pwe! occupational overuse syndrome pala.... Oi, magandang topic yan pagbalik blogging ko sa saturday a....! Makapag-file nga kaya ng compo report para makapag-claim ng cash he-he....! O pano, kitakitz na lang muna tayo sa weekend, bisita pa rin kayo dito syempre kasi babasahin ko pa rin mga messages nyo kahit na hindi ako muna magta-typing.... Babawi na lang ako sa weekend kung kaya ko nang mag-typings ulit.... Ingatz all, be back blogging on saturday....! =D

19 comments:

redlan said...

Take a rest pepz. Masakit talaga sa katawan ang trabaho natin kahit nakaupo lang.

see you on saturday

Pepe said...

Thanks Red, baw bisan sakit abaga ko gin sabat ko gid ning comment mo kay daw sa isahanon ka lang diri ha-ha....! =D

napunding alitaptap... said...

daan..di basa...

busy ka pa niyan? nakapagblog ka pa din.... ahaha..

sori, basa ko next time...

curfew...waaaaaaaaaaah!

ü

napunding alitaptap... said...

teka, bawal ang hindi naiintindihan na diyalekto..ahaha, tsismosa..ü

Ethyl Alcohol said...

naku! you really need a rest kuya! ako rin, kelangan ko na siguro dahil babad narin ako dito sa tapat ng pc. masakit na rin ang batok ko kakalaro. hekhekhek. XD

good luck sa snake spa!!! Haha

ladyracer said...

di ba kakatapos lang ng vacation mo?

ako feeling ko nga eh march na sa dami ng ginawa ko this jan :)

Bry said...

hello kuya pepe :)

ako rin eh gusto ko mag-rest pero kailangang mag pahit ng magpa hit eh... hehehehe

dibale daan daan ako dito everyday :P

HAVE A NICE BLOG BREAK! :)

Mari said...

Pepe, after a long vacation you suddenly are not used to working anymore. Talagang ganyan...nabigla ka lang. LOL

Finally, I got to visit your blog. Been cleaning my little room that I use as a studio and drafting room. Malapit ng matapos...sobrang dami ng basura kasi. :-(

napunding alitaptap... said...

huh? bakit wala ka, busy ka nga....

anyway, ni tag kita... wirdong walo yung title.... di ka compelled to do that.. pero kapag nakaluwag, hope you can post yours as well...

kung nakagawa ka na nung unang panahon, sabi mo nalang, send mo sakin code..ü

karmi said...

pahinga ka lang kuya! :D workaholic kasi eh.. ^_^

tc!

-- karmi

Pepe said...

Hello Kulay....! Wow curfew, siguro may ginawa ka na namang hindi legal ano ha-ha....! I mean something na against sa government ng erpops mo he-he....! =D

Pepe said...

Thanks Tin, oo nga ikaw rin dapat mag-rest.... Di ba katatapos lang ng exams mo....? Dapat ka nga talagang mag-rest nyan....! =D

Pepe said...

to Ladyracer

Oo, kababalik ko lang sa work pero yung unang blast ng busy days ay talagang nakamamatay talaga....! Nasanay pa naman ako dun sa pahilahilata lang sa harap ng tv nung christmas break....! Anyways, eto na ulit ako kahit medyo masakit pa rin ang balikat....! =D

Pepe said...

Thanks Bry, wala naman ako talagang balak na mag-break from blogging kaya lang hindi ko talaga kayang tumagal ng typing at kaka-upo pero okay na ako ngayon.... =D

Pepe said...

Tutuo yan Mari, nasanay kasing katawan natin sa walang ginagawa nung bakasyon kaya siguro ganun.... Oi, naglinis ka na pala ng studio, ibig sabihin nyan ay umpisa na ng paintings ulit....? =D

Pepe said...

Hello again Kulay, thanks sa tag.... Gagawin ko yan ASAP promise, teka hihintayin ko pala munang pwede nang mag-marathon typing tong left arm ko he-he....! =D

Pepe said...

Thanks Karmi, oo napasobra yata ang pa-impress ko dun sa boss ko kaya yun he-he....! Anyways, i think i'm okay now so balik blogging ulit at tuloy ang kasayahan....! =D

Tess said...

all work and no play makes Pepe a dull boy, hehe! Peng, ang pagsakit ng abaga minsan, tanda ng stress yan kaya naninigas minsan mga muscles natin so iwasan ang masyadong stress. Magshopping ka, hahahaha!

Pepe said...

Oi shopping, type ko yan Mrs.T kaya lang walang pera sa bulsa kasi kababalik lang sa work.... Tapos kailangan pa munang magpa-impress sa work the first day kaya yun, nagka-stress tuloy ako he-he....! =D