Hindi ko na kasi masyadong nasusubaybayan ang mga pilikulang pilipino dahil medyo mahirap itong mahagilap dito.... I would really love to sit in front of tv for the whole day one day and watch pinoy programs kung meron lang sana akong source ng mga to dito.... I also got terribly addicted to listening online filipino-fm stations lately, particularly the Kiss FM Lucena, maybe because of the sense of humor ng mga Dj's at ang tunog ng accent nila na talagang pinoy na pinoy, ala Dencio Padilla ang dating at parang nasa pinas lang ako ulit everytime na nakikinig ako, or maybe the 80's music that they often play, which i love to listen....
Since friday i was very busy putting on some colors in my apartment unit.... Sort of making things go against my dull mood this time, para naman maiba ng kunti.... Hindi naman kasi dahil medyo depressed ako ay dapat depressed din ang kulay ng paligid ko, kaya medyo nilagyan ko ng kunting buhay ang paligid at ni-rearrange ang ibang part ng bahay, nilinis ang mga fish tanks at dinagdagan ang mga tropical fish nito.... Kahapon, for the first time in many weeks ay lumabas ako ng balcony at inayos ang mga halaman dun.... There's a bird cage there in a corner that once belongs to my pet cockatiel, "Dexter"....
Sabi ko, siguro it's about time na para lagyan ko ng ibon ulit instead of it just sitting there and catching dust kaya pumunta ako sa pet shop kahapon to buy one but not necessarilly a cockatiel again kasi baka ma-frustrate lang ako kung hindi ito kasing obedient ni Dexter ko nun.... So i've finally made up my mind to get a pair of finches instead, because they are cheaper and easy to maintain birds.... Only eleven dollars each compared to a cockatiel's price that will instantly break my pocket.... And they can also breed in the cage when in pairs, all you need is just a nesting box or grass ball at presto, may baby ibon na sila....
Pero may kunting problema lang, dalawa na lang daw ang finches nila at parehong lalaki pa....! I thought, this is not right, hindi ako against sa gay couples but then they will deprive me the chance of being an uncle to my nephews and nieces (baby finch) in the future....! Nalito tuloy si astig.... Anyways, medyo nagustuhan ko naman ang kulay nila kaya binili ko na rin at nag-promise naman yung store keeper na next week ay may finches ulit sila na darating kaya bili na lang ako ulit ng mga t-birds naman next time, extra gastos nga lang he-he....!
Pagkauwi, nilinis ko ang hawla at nilagyan ng ibons (plural for ibon) at nilagyan ng left-over na bird seeds ni Dexter nun.... And i'm also proud to tell you about my latest genius idea.... Nag-iisip ako nun kung anong nest ang ilalagay ko dahil wala akong mahagilap na kahon.... When a bag of wood chippings na ginagamit kong pang mulch sa mga halaman ang nakatawag ng pansin ko.... Biglang umilaw na naman tuloy tong bumbilya sa utak ni astig....! Naalala nyo ba kung paano ginagawa ang fried chicken....? Nilalagay sa loob ng plastic bag ang pieces ng manok coated with beaten eggs with the flour and spices at kung ano pang sangkap, tapos pinapagpag, niyuyugyog, at inaalog-alog ito para dumikit sa pieces ng manok ang sangkap....?
Yun ang ginawa ko....! Kumuha ako sa cup-board nung take-away container na bilog na ginagamit sa fastfoods, nilagyan ng butas as pinto for the birds to get in it, tinakpan at pinahiran ang buong container ng napakakapal at masmakapal pa sa normal na pag-apply ng craft-glue (elmer's glue) at inilagay ito sa loob ng plastic bag na may wood chips sabay pagpag, apak, tadyak, yugyog, at alog-alog dito at hinayaang matuyo ng few minutes dun pa rin mismo sa loob nung bag and presto ulit, instant birds nest made of wood-chip ball....! Galing ko ano....?!
For a while i was really enjoying doing the cleaning at the balcony and even forgotten about my dull mood kahit sandali.... I sometimes thought of leaving blogging because i can't think of anything to write in here anymore, talagang blanko utak ko ngayon.... Unless i will talk about myself like this again.... Wala talagang pumapasok na ideas sa utak ko para isulat.... Hindi katulad nun na halos bumabad na ako dito kaharap ng pc for days and nights para lang isulat ang lahat ng mga umaapaw na ideas sa isip na gusto kong i-share.... Maybe it's because of my hopelessness, maybe it's because of my frustrations in life, hindi ko alam....
Para akong palubog na bangka minsan, lahat ng mga pabigat ay dapat na itapon over-board just to keep the boat floating as long as possible.... Sa ngayon, palagay ko ay hindi naman pabigat tong blogging sa'kin, kaya lang ay hindi ko lang talaga kayang i-maintain to sa lahat ng oras.... So kahit medyo hindi ako nakakapaglagay ng bagong entries ay nandito pa rin naman akong pabisitabisita sa mga blogs nyo each weekend.... When i'll get through this dullness ay balik gana na naman ako sigurado yan, promise.... Kaya wag lang sanang magtampo kung medyo hindi ako masyadong active dito ngayon.... =D
12 comments:
i miss having my pets... sigh.. sa uK kasi im not allowed kasi i live in a flat, and nasa work kasi ako practically everyday kaya magiging unfair ako sa pet ko...
hi pepe,
gleng naman ng naisipan mong nest ng pets mo, espesyal yan para sa kanila. anong names ng mga bagong ibon mo? they look so cute! maganda talaga ang may pet, may kausap kahit one way conversation lang.
ingats lang ha? hayaan lang ang mga problema, magsasawa din 'yan at punta sa iba! :)
wow naman, napakagaling mo kuya pepe, if I were dexter, i'd be very very happy! hehehe
at may gay couple pa talagang ibon! hahahahaha
don't think of anything to write before you blog kuya pepe, just let your hands and mind talk to each other! and don't leave blogging! ayt
Pepz, hahaha. gintamad ko mag update kag mag blog although I read ur new post kahapon pa. Baw ti, productive imu weekend ba. Grabe, general cleaning gid ya tapos may bag-o ka na nga set sng pet. gay couple kung si bry pa. Ano name nila?
Amu na ang tamaran mag update nga lawig imu post. hehehe. Nag-enjoy gid ko basa.
Oo napatay na si daboy. Holiday gapon kay ginhalin ni pgma ang 12 nga holiday. Wala gid ko may gin obra nga mayo kahapon ah. Mayo ka pa.
THanks sa marathon comments again and again.
Halong!
By keeping yourself busy, you forgot all about your dull moments. See what happened? You get to clean your pad; you got yourself a couple of birds for company; and you invented something out of scraps. Hey, you should patent that. LOL
new url q, pls check & change, tnx!
Good weekend Kris, dito naman kasi sa australia okay lang basta nasa category ng unit friendly ang size ng pet kasi sa apartment flat din ako nakatira dito ngayon.... I have four aquariums and one bird cage pa.... =D
Thanks Nance, wala pa akong maisipang mga pangalan, magpa-contest kaya ako ha-ha....! Oo, sinusubukan ko ngang alisin sa isip ko kasi hindi naman nasu-solve sa pagmumukmok.... =D
Thanks Bry, sayang nga nawala si Dexter mga four years na siguro ngayon.... Sobrang stress lang siguro to, lilipas rin naman.... =D
Ako man gani Red, subong ko lang gani ni nasabtan comment mo di kay wala pa gid ko gana mag-blog subong.... Pero medyo okay na ko.... =D
Na-realise ko rin nga Mari he-he....! Okay pala kung stress ako, madaming nagagawa ha-ha....! =D
Halu Honey, bayaan mo ia-update ko link mo mamya.... =D
Post a Comment