___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Wednesday, June 18, 2008

The Bomb fell on Sydney....!



Medyo may gana akong magpipipindot ngayon kaya sinamantala ko na ang pagkakataon he-he....! Oi, nakalimutan ko palang i-post dito last weekend to, si David Batista pala nandito sa downunder nung weekend woooohoooo....! Pero hindi ko pala sya kilala kaya fake lang ang excitement kong yun he-he....! Sa tagal ko ba namang nawala dyan sa pinas, at wala ako ni isang channel man lang na pinoy tv dito sa ostralya ngayon kaya hindi ko tuloy nasusubaybayan kung sino-sino na ba ang mga iniidolo ng mga tao dyan ngayon....!


May nagsabi sa'kin na may dugong pinoy daw yang si Batista, pero ayaw ko pa sana nun maniwala kasi ang laki nya pala para sa isang pinoy....! Waistline ko na yata yung biceps nya....! At ang sampung kilong kamao nya na halos kasing laki na rin yata halos nitong ulo ko ha-ha....! May height din naman ako pero sa palagay ko pagpinagtabi kaming dalawa nitong si Batista ay siguradong para kaming David Beckham and Goliath tingnan sa sobrang laki palang talaga ng taong to....! Ha, wala na bang Beckham yung David? Ops sowi, David and Goliath lang daw pala yun he-he....!


Yun na nga po, nakipagbakbakan sya dun sa iba pang naglalakihan rin na mga wrestlers galing tate at ginanap ang bakbakan dun sa Acer Arena sa dating Olympic Stadium, Homebush Bay nung linggo at nanalo naman daw sya ayun rin dun sa result nung scripted na labanan nila ha-ha....! Halata namang dramahan lang naman yung wrestling di ba....? I been watching wrestling since i was little, at alam kong drama lang ang lahat ng buntalan, tadyakan, at bugbogan dun pwera lang syempre kung magkainitan at biglang maging tutuhanan na at madugo ang labanan nung mga players....


Balak ko pa naman sanang manood nun dahil hindi nyo naitatanong, may reliable source ako dito ng half-price tickets sa Acer Arena ha-ha....! Yung isang ka-opisina ko kasi ay manager ng Acer Computer Factory na may-ari rin nung Acer Arena ang husbandry nya kaya magsabi lang daw ako kung gusto kong manood ng mga shows and concerts basta daw dun lang ang venue sa AA ay walang problema ang pagkupit nya nung mga tickets sa bulsa ng darling nya, o di ba....! Bad timing naman na nagkarun ako ng problema last weekend dahil nawalan ako ng hot water dito sa apartment ko ng buong weekend kaya hindi natuloy ang plano kong manood.... Isa pa, ang bahubaho ko rin nun kasi tatlong araw ba naman akong walang ligo at patabo-tabo lang ako at papunaspunas ng maligamgam na tubig sa lababu....! Wala na nga akong hot water ay saktong kalagitnaan pa ng winter dito ngayon at super-napakalamig pa ng panahon.... Tilamsik pa lang yata nung tubig sa shower ay naninigas na buong katawan ko sa sobrang lamig brrrr....!


Sinubukan ko rin tumawag ng plumbing service kaya lang off-duty daw sila kapag-weekend kaya walang nagawa at napilitan na lang maghintay si astig hanggang monday, buti na lang at may annual leave pa pala akong natitira kaya ginamit ko na.... Fast forward, matapos ang mabaho este nakakainip na paghihintay ay naayos din at last tong hot-water system ko at nakigamit pa ng palikuran yung mamang tubero....! Naunahan pa ako ng loko na maunang gumamit dun sa bagong water heater ko ha-ha....! =D


Anyways, bago mapahaba na naman ulit tong kwentuhan natin ay heto na si Batista para dun sa mga die hard fans nya dyan sa pinas and wherever you are right now.... Pakipindot na lang po ng hugis triagle na yan sa may bandang ilong ni Batista okey....! Enjoy your viewing....! Babayu....! =D

7 comments:

Nance said...

preho tayo, pepe, di ko na rin kilala ang mga popular sa atin. ang laking tao pala ni Batista 'no? nong maliit pa mga anak ko, hilig din nilang manood ng wrestling. ngayon iba na ang gusto nila.

tc,
nance

RedLan said...

mayo okay na ang tubo mo sa tubig.

si barista nakakadto na di sa pilipinas. indi ko lang matandaan kung last year or first qtr this year.

Anonymous said...

naka naman DAVID BECKHAM and Goliath! hehehehehe...

idol ko rin yang si Batista at marunong syang umarte! nag-guest sya sa isang episode ng Smallville. Sayang nga lang kasi nung nag-wrestling sila ni Clark Kent syempre nanalo si Clark...

hahahha

x said...

cool! i used to watch wrestling with my younger sibs who imitate what they do on tv (lol!) and batista is cool. he has pinoy blood too, diba?

Mari said...

Winter pala diyan ngayon. Dito naman ay opisyaly summer bukas, 21st, at sobrang init na ngayon. Sa lilim ay 100 F degrees, at hapon na yan. Ay sus, tagak-tak ang pawis ko.

Si mister ay di na mahilig manood ng wrestling ngayon. Wala na siyang kilalang wrestler.

teacher Honey's ESL said...

may dugong pinoy nga si batista at talagang malaki sobrang tao xa di rin aq makapaniwala na may dugon pinoy xa at 6'9 na height... griego and pinoy ata lahi niya. anyway, im into wwf smackdown and raw kasi heehee

Pepe said...

Oi, pasensya na talaga sa lahat, medyo hindi kasi ako nakapag-blogging nung mga nakaraang araw because of a unexpected events na hindi ko pwedeng hindi bigyan ng pansin.... Anyways, nandito na naman ako muli with you guys....! Thanks Nance, Redlan, Bry, Acey, Mari, and Honey for all your comments.... I'll make it up to yous next time.... =D