___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Tuesday, August 26, 2008

Utak popcorn ka ba....?

Ikaw ba ay taong mahilig tumawag, sumagot at magpipipindot ng cellphone mo minuminuto araw-araw....? Palaging nalilipasan ng gutom, hindi makatulog, napapraning at naglalaba ng mga damit sa alas tres ng madaling araw dahil naubusan na ng oras para sa ibang bagay sa kapipindot at kati-text buong maghapon....? Kung na sa'yo ang lahat ng mga katangiang nabanggit dito ay sa palagay ko dapat ka ngang masindak ngayon to the bulate pagkatapos mong panoorin tong maikling short clip na to.... Tama ba yun, maikli na short clip pa....?


Isipin mo na lang na ang utak mo ngayon ay isang malaking supot na punong-puno ng popcorn kernels.... Okay, ngayon nai-imagine mo na ba kung paano magsisiputukan at magsitalunan ang mga popcorn sa loob ng kukote mo sa oras na sinagot mo ang tawag ng best frens mo doon sa maliit mong laruan na yan....? A close friend of mine sent this clip to me weeks ago, at hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako convinced sa katutuhanan ng stunts na to.... Kayo na lang po ang bahalang maghusga kung tutuo nga kaya to....?



Halimbawang tutuo nga talaga to, ay wala pa rin pala tayong ligtas dito dahil kahit tumigil o maging moderate man ang paggamit natin ng sarili nating cell phones ay sa dinamidami at bilyon-bilyon ba namang mga may cellulars sa buong mundo ay wala pa rin pala tayong ligtas sa harmful effects na kayang gawin nito sa katawan natin.... Dahil sa ayaw man o sa gusto natin ay considered as a passive-cell phone user pa rin pala tayo dahil sa napapaligiran pa rin tayo ng mga gumagamit ng kanikanilang mga cell phones na ibig sabihin ay nasasagap pa rin natin ang pinsalang dulot nito involuntarily ng wala tayong kaalam-alam....!


Sa weekend balak din naming subukan to sa work out of curiosity lang ha-ha....! Wag lang sana makalimutan nung magdadala ang supot ng popcorn kernels ha-ha....! Ang nagagawa nga naman ng technology ano po....?! Napaka-ironic lang isipin kasi technology is supposed to make our lives easier sana di ba, pero sa kabila pala nun ay ito rin ang dahandahang pumipinsala at pumapatay sa'tin ng walang kalabanlaban.... Pero teka lang break muna sandali, naisip ko lang kasi.... Ano kayang flavour ng popcorn tong utak ko ngayon....? Sana NACHO lang, takam....! Ikaw, anong flavour ba meron ang utak mo tsong....?! * toinks! * =D

12 comments:

RedLan said...

grabe pa no? tsakto ka basi daw pareho sang popcorn ang utok ta at sa ulihi galupok lupok na gle sa sulod. kahaladluk ba.

Mari said...

Totoo yan, Pepe. Ang mga imbensiyon ng tao ang siya rin ang pipinsala sa atin. Yeah, they were saying that using the cellphone will affect the brain. I guess, moderation is the key. Don't talk too much on the cellphone. Ano? Di ba? He he

MeL said...

Naku, sabihan mo ako kung ano nangyari sa experiment nyo ha? Na-curious din ako eh. Oo nga I agree. wala tayong ligtas dahil lahatng tao na yata sa mundo ay may cellphone. And we're both active and passive cellphone users nga. Hay ang mga epekto nganaman ng ating teknolohiya ano? Nakakatakot talaga!

Nance said...

naku masubukan nga, at masabihan ang mga bata na huwag masyadong gamitin ang mga cell nila... better yet, pakita ko sa kanila tong clip.

Pepe said...

Oi, sorry talaga everyone for my delayed responses palagi he-he....! Talagang busy kasy ako ngayon sa work.... Pero nandito pa rin naman tayo kahit pasilipsilip lang minsan....! =D

Pepe said...

Mayo lang da gani sa Pinas Red kay text lang ang uso.... Diri ya sa amon kay barato ang rate sang tawag sa mobile gani daldalan gid sa phone permi.... Mas dako gid chance namon di nga magka-utok popcorn....! =D

Pepe said...

Minsan okay din isipin na may mga new innovations di ba Mari....? Lalo na sa mga mahihilig sa mga new gadgets na kagaya ko, pero kung ganito lang naman ang magiging kapalit ng mga makabagong pamamaraan ay mabuti pa sigurong bumalik na lang tayo sa lampara at kandila di ba....? =D

Pepe said...

Oi, sigurado yan Mel kaya lang medyo natatakot akong malamang tutuo nga yung nasa video kasi ibig sabihin nun ay matitigil na ako sa kakagamit ng cell pnone ko ngayon he-he....!Hindi pa naman ako nakakatulog na wala to sa tabi ko....! =D

Pepe said...

Oo, ikaw na lang kaya sumubok nun Nance tapos balitaan mo na lang kami he-he....! =D

Roland said...

talagang ganun... lahat ng sobra masama... lahat may kabayaran.

Marites said...

hindi kataka-taka na may epek ang cellphone. imagine, it can get signal from anywhere in the world. eh di luto gaya ng popcorn utak natin hehehe! btw, my blog's URL is now www.pinaylighterside.com. have a good weekend.

oishimanjuju said...

it's FAKE see it here or here or here

(hehehe, dami no?)

it's just a promotion for Cardo Systems. Effective naman kase andaming madaling MALOKO. Lalo na yung mga PINOY mahilig maniwala sa sabi-sabi.

:)