Award from Mari....
Hallu all....! Nandito na naman po ulit si ako nanggugulo he-he....! Bago ko rin pala makalimutan, this award was from Mari, given to me a very long long time ago pero ngayon lang ulit ako nagka-chance na i-post to dito.... Baka sabihin tuloy ni Mari na kinalimutan ko na ang pag-post nito dito he-he....! As usual, busy pa rin po ako gaya ng dati.... Medyo nadagdagan kasi ang mga duties and commitments ko sa everydaily life ko ngayon.... My real world seem to have been falling on me like a ton of bricks lately, mostly in a good way naman but it was also almost demanding for my fullest attention too, pero hindi ko pa rin pwedeng iwanan tong blog-word kasi in a way ay natutuwa pa rin ako at nagpapasalamat na naging bahagi ako dito at nagkarun pa ng madaming mga amazing good friends....
It's been quite sometime since i've decided to start blogging, gaano na ba katagal yun....? Mga tatlong taon na yata di ba....? I've started as a sobrang malupit na magpupuyat para magsulat ng mga entries na kahit medyo nakakalimutan na ang kumain, matulog at gumamit ng toilet paminsanminsan ay matibay pa rin at malagkit ang pagkaupo sa harap ng computer para magpipipindot sa keyboard at tapusin ang mga walang kamatayang drama sa buhay ni Pepe at ng adbentyors nya sa downunder.... Pero ngayon, medyo kinakapos palagi sa oras kaya slowdown muna pansamantala si astig.... =D
Madaming mga nabago at naging pagbabago marahil dala na rin to ng mga malalakas na dampi ng hangin sa ating mga mukha o ba't ka nagtatakip ng ilong dyan....! Hindi yung hangin na yun ang ibig kong sabihin, 'kaw talaga....! Wat i mean po ay ang mga pagsubok na lahat naman yata tayo ay meron nito di ba, magkaibang level nga lang siguro ng difficulties for each and every individuals.... At kung wala ka namang problema sa buhay dyan ay siguradong hindi ka taga dito sa earth ano....! Check mo baka sakaling kamaganak mo pala si Superman from planet Krypton tsong ha-ha....! Oi, naalala ko tuloy one time nung pumasok ako minsan sa isang store ng Toys R Us sa sydney.... Nabasa ko dun sa isang Superman outfit na pambata na may nakasulat dun sa tag nya sa likod ng damit sabi dun, "WARNING: Wearing of This Garment Does Not Enable You to Fly".... Naisip ko lang, ano naman kaya ang nakasulat dun sa Little Mermaid outfit....? Baka ganito, "WARNING: Don't Wear This Garment in a Japanese Sushi Restaurant or You'll be Sorry" matingnan nga kung tama ang hinala ko next time ha-ha....!
Pero obviously, sa tinagaltagal ng pagbu-blogging ko rito ay iisa lang yata ang hindi nagbago, walang iba kundi itong walang kupas na layout ng blog ko na minsan kahit ako ay sawang-sawa na rin tingnan to....! =D Yun pa kasi isa kung problema, madali akong makuntento.... Example na lang, pagkumakain sa parties or any gatherings, kung yung iba ay halos tambakan ng tambakan ng pagkain at paghaluhaluin ang mga to sa plato nila na parang kaning baboy para lang matikman ang lahat ng putaheng nakahain sa table, ako naman ay kukuha at babalikbalik lang para sa dalawang o tatlong particular na dishes na kilala ko na ang lasa at yun kuntento na ako dun.... Pero ba't nga pala napunta sa kainan tong usapan natin....? Oo nga, ba't nga ba....? Nakalimutan ko na rin tuloy ang puto.... pwe! pwe! punto ko pala dito he-he....!
Ang gusto ko lang naman sanang ipaabot sa lahat hanggang sa kayang maabot nitong maikling drama ko na'to na kahit medyo hindi ako masyadong nakakasama nyo dito ng madalas ay nandito pa rin naman po ako pasilipsilip at pabasabasa lang sa mga messages nyo at wala pang balak na tumigil at kahit itakwil nyo man tong kaastigan kong to ngayon ay kakapit at kakapit pa rin ako ng mahigpit sa mga maskulado at mabalahibo nyong mga binti por gad seyk hab mirsi on mi hu-hu....! Tindi ng drama mo dyan Peng....! At sana po ay patuloy pa rin kayong magtatyagang bumisita dito kahit na naging medyo boring na ako lately he-he....! Promise ko naman na sasagutin mga iniwanan nyong mga pagbati at comments abutin man ako ng limang taon sa pagsagot sa lahat ng mga yun ay gagawin ko alang-alang sa ating ispesyal prensyeps doon.... And lastly, thank you ulit Mari for this very very nice award, wala na akong utang sa'yo ha, goodie weekend all....! Yun lang po he-he....! Okay na, pwede na naman akong maglakwacha ng isang linggo wooohooo....! Ingatz all....! =D
7 comments:
Peng, kaya may warning yung damit ni Superman, kasi, alam mo naman merong mga batang naniniwala na lumilipad nga si Superman. Di ba merong mga batang sumusuot sa chimney flue at ginagaya nila si Santa Claus? Ano? Ganoon din yun. LOL
O, sige, wala ka ng utang. Ako ang may utang sa iba diyan. Kaya dapat ilagay ko na rin yung mga bigay nilang award para meron akong update kunwari. LOL
Have a good weekend.
Oo nga Mari ano ha-ha....! Ako rin nung bata pa ako paborito kong manood nung green lantern, yung super-hero na may powers ang singsing.... Alam mo kapag walang nakatingin sa'kin nun, sinusubukan ko ring mag-concentrate sabay tutok ng singsing kong plastic na free ng mga candy at baka sakaling meron din akong nakatagong super powers he-he....! =D
aha, natawa ako sa comment mo kay mari pepz. hahaha. ina-imagine ko tuloy. mayo wala mo gintestingan tulon ang singsing. joke. delikado man bi, baw may naglukso na guro nga bata sa guimaras after makalantaw sang spiderman. mu na ina ang warning sa bayo ni superman.
baw sobra ka man, 5 years gid ya. make it 2.5 years lang. joke. kadlaw ko sa warning mo sa mermaid. lol.
thanks sa marathon comment. unfair ka, damu comment mo kag once iwik ka lang mag update. joke. dapat unahon ang pbra kay dira ta makakwarta. ti halong halong.
peng, kenkoy ka rin pala! lol kaya nakaka-engangyong bumisita sa 'yo dahil nakakatawa at nakakalibang ang mga sinasabi mo.
Ingats,
nance
Hi Red, makadlaw ka gid kun makahapit sa mga toy store kay kis-a kaladlawan ang ila mga safety signs.... Wala pa nakon maubos pambasa gani mabalik pa gid ko next time ha-ha....! =D
Nakakatsamba lang ako paminsan minsan ng mga nakakatawang line Nance, lalo na kapag wala pang sumpong he-he....! =D
Hi there! Visiting you from davao, RP! Hehe... :D
Congratulations! blog hoppin'...
btw, care to xlink?
http://innerphets.blogspot.com
Thank you! :D
---------------
ESET NOD32 Antivirus Free Download - http://innerphets.blogspot.com
Post a Comment