___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Friday, December 15, 2006

Anong meron ang BBQ...


Ang mga Australians ang pinakamatakaw na yata sa karne na na-encounter ko...
Kapag may mga handaan sila ang pina ka highlight nito ay ang BBQ... Mapa-picnic, birthday party, o kasalan man, wala na yatang tatalo pa sa walang kamatayang BBQ kung atensyon ang pag-usapan...

Sa dinami dami ba naman ng meat varieties nila paano sila magsasawa sa BBQ... Mula sa pinaka-common choices na: Pork, Beef, Lamb, Chicken, Duck, Goat, Turkey, hanggang sa mga exotic tulad ng: Kangaroo, Crocodile, Deer, Emu, Quail, Rabbit, at Possum... Maliban pa dyan, sila din ay isa sa pinaka malakas na seafood consuming country... Pinakasikat na dito ay ang sugpo at pugita. (Octopus) Ang BBQ Grill yata ang pinakatatak ng isang aussing tahanan... Ito ang pinaka-icon ng bawat backyard sa downunder. Pag wala kang grill hindi ka in, at mas makapal ang sebong dumidikit sa grill mo, mas matatag ang pagkamakabayan mo...
Minsan nag-ihaw ng tuyo sa backyard ang isang my plens ko dito, bigla ba namang nagsidatingan ang mga bombero dahil may nag-report na may nasusunog daw sa lugar na yun...! Nagalit tuloy ang my plens ko doon dahil sa napahiya sya dun sa mga firemen plus amoy na amoy pa nila ang nakakapanindig balahibong tuyo scent cologne nya...! Sabi din nga ng may other plens ko din doon, pre subukan mo kayang sunugin ang bahay mo tapos lagyan mo sa taas bubong ng kangaroo meat at siguradong walang makakapansin na nasusunog na pala bahay mo... Akala nila nagba-BBQ ka lang, baka makikikain pa nga...

Weekend na naman...!

Weekend na naman...! Makapagpahinga na naman ako nito wuhuu!... Hirap talaga pag masyadong busy kasi hindi mo na halos maasikaso ang sarili mo. Pag weekdays kasi, gigising ng maaga tapos maliligo, tapos magbibihis na, impake ng mga dadalhin sa trabaho, at bago aalis ng bahay ay magti-check muna kung may nakalimutang i-turn off gaya ng ilaw, susi, at lalo na ang stove at plantsa. Sa trabaho na rin ako magkakape nun...!

Hay naku... Talagang my life in downunder is very fast moving at wala na halos time na kumain... Kaya sa araw araw na yata ay naglu-look forward na ako sa next na holiday ko ng makapag-relax naman si pepe... Plano ko sa next holiday ko uuwi ulit ako sa pinas kasi mas enjoy ako dun kisa kung saan na destinasyon...


Iba kasi sa pinas... Meron ba silang, isaw, bopis, addidas, kamotecue, bananacue, karekare, lechon, lechon paksiw, crispy pata, nilagang baka, talangka, kilawin, kaldereta...etc? Puro pagkain lang ano? Matakaw kasi si ako...!
Kung pwede nga lang na dalawa lang ang weekdays at limang araw ang weekends, mas komportable si pepe sa bahay... Pa nood-nood lang ng tv, pakain-kain ng chips at pa gawa-gawa lang ng entry sa blog, talagang perpik yan! Sino naman kasing sira ang nag-imbento ng ng weekends at hindi na lang nya ginawang fifty-fifty ito with the weekdays... Kung sino man yun alam ko workaholic sya...


Hindi kaya si Bill Gates yun...? O kaya si Spiderman...? Magkapartner kasi ang dalawang yun kayat naging success ang internet... Si Bill Gates sa microsoft, at si Spiderman naman sa web-sites... Pareho din silang patriotic di ba...? Alam nyo atin atin lang ha, duda ako na si Bill Gates at saka si Spidy ay iisa lang....! Mmm...! Tsismis yan a...! Suot nya pa rin kaya salamin nya pg nakamaskara na sya...?

Thursday, December 14, 2006

Summer na naman...!



Summer na naman dito sa downunder, sobrang init at sobrang dami ng langaw...! Sa pinas kalabaw lang ang nilalangaw, dito tao naman ang inaatake ng sangkatutak na mga langaw...Siguro walang kalabaw dito kaya ganun... Ang nakakainis pa sa mga langaw dito kasi masyado silang tame, feeling nila aso sila...! Etong isa! Um! Pitik! Splat!... Ayan tuloy naging tatlo ka ngayon...!

Madami kasing pwedeng dapuan sa ilong ko pa naisipang dumapo... Ano ba meron sa ilong ko na wala sa iba at dyan mo naisipang dumapo ha...? Uhrm! O...! Close your mouth tatang hayaan nyo na lang ang langaw ang sumagot nun, alam ko naman kasi kung anong sasabihin nyo e... Atin atin na lang yan...! Ganito palang summer pag malapit ka sa disyerto sobra...!
Mababa din ang humidity level nila kayat wala halos kahit isang patak na pawis na tumatagaktak sa iyong katawan... Anong tawag nun sa tagalog? Feeling ko tuloy ay para akong binurong isda na kahit balot na balot ay hindi pinagpapawisan...
Hirap din sila sa tubig, nasabi ko lang yan kasi mula yata nung dumating ako rito ay palagi na lang may water restrictions kahit na tag-ulan all year round... Marami sa mga bagong subdivisions dito ang may sariling water recycling system para maiwasan ang problema sa tubig...
Mataas din ang UV o UltraViolet level dito kayat hinihikayat ng mga ahensya mediko dito na maging maingat ang mga madlang bayan sa mga downunder the sun activities nila...
At para naman sa matitigas ang ulo, Skin Cancer lang naman ang katumbas nyo... O lalaban kayo...?

CHATTER-BOX NI PEPE

Sa mga my plens ko dyan, ang chatter na ito ay para sa lahat... Ngunit, Subalit, Datapwat, Sana-manawari po lang ay wag nyong gawing Taekwondo o Boxing ring ang chatroom na ito... Ingatan din po sana natin ang mga nilalagay na mga salita, wala lang po sanang murahan... Pambata po tayo e... Pakiusap lang po galing kay pareng Pong Pagong at pareng Kiko Matsing... Salamat po...

Wednesday, December 13, 2006

Pagi-phobic na ang aussie...

Unpredictable din pala ang akala ko ay gentle creatures na pagi o stingray... Katunayan nito ay ang aksidenting pagkamatay ng isang sikat na australianong wildlife warrior na si Steve Irwin ang tinaguriang ng buong mundo na The Crocodile Hunter mga dalawang buwan na ang nakakaraan.


Naisipan ko lang isulat ang topic na to kasi balak kong pumunta sa beach sa christmas holiday na ito...


Ang buntot ng stingray ay may nakausling Barb, ito ay isang butong hugis spearhead na may habang 5 - 6 inches na syang nagsisilbing armas ng mga stingray laban sa mga natural enemies nila tulad ng pating at buwayang dagat.


Tambayan ng mga stingray ang shallow body of water katulad na katulad ng mga lasenggo sa kanto, laging tambayan ang malapit sa shallow body of water sa loob ng bote lalo nat may dog food for pulutan... Nakuw!... May anestisya na, may dog food pa sarap!...


Ayun sa mga sayantipiko, bihira lang daw ang reaksyon na ito mula sa isang stingray... Sa katunayan ay umabot sa mga lima ka tao lang ang namatay bunga ng pagka-barbed ng stingrays, kasama na dyan si croc hunter... Hindi pa malaman kung ano ang naging sanhi ng pagka agresibo ng hayop dagat ng mga oras na yun... Takot ako sa shallow water...! Pero masarap ang stingray...! Yum-yum...! Kaya mga my prens, pagnagpunta daw ng beach magdala kayo ng maraming niyog and go swimming with niyog. Takot daw kasi ang stingray sa gata... Stingray na may gata, mmm... sarap nun...!

Crickey...!


Nakakita na ba kayo ng buwaya sa wild na state nila. Dito kasi sa downunder, very common ang buwaya sa bush bastat may tubig, kaya nagtalaga ang gobyerno ng mga agencies na ang tanging gawain lang sa buhay ay ang matulog este alagaan pala ang wildlife at ilayo sila sa mapanganib na mundo ng mga tao. Mapanganib pa tayo ngayon, wat did wi do ba waa-haa-haat! (Nagdrama ka pa... patingin nga ng sapatos mo balat buwaya ba yan?)


Takot pa nga ako nun na baka habang natutulog ako sa gabi ay biglang lunukin ako ng crocs mula sa toilet bowl. (Patay kang bata!) Tapos kinabukasan pagising ko ay nasa bituka na pala ako ng croc... Pero hindi naman ganon ang mga crocs, ngunguyain ka naman muna syempre mula paa. Kung halimbawa naka survive ka man at nakatakas sa mga crocs, at least solve ang matagal mo nang problema sa alipunga forever and ever...! Okay di ba?

Tuesday, December 12, 2006

Palaging huli na lang...


Ang layo pala ng downunder, kahit bagong pilikula hirap dumating on time...! Di katulad sa atin na palaging on time... Last april kasi umuwi ako ng pinas tapos one day nagkayayaan na manood ng movie, nakakatawa pa nga kasi ang napagkasunduan naming panoorin ay yung The Wild. Natawa talaga ako dun ng husto, may sawang kumakahol na parang aso, at saka kalapating ala... Maharaja ng india ha-ha.(Tama kaya spelling ko?)

Napadami tuloy ang kain ko, nilantakan ko yata hanggang sa naubos ang isang bucket na KFC. Pagdating sa selections ng mga movies na pinapalabas thumbs-up pa rin ako sa pinas. Sa downunder kasi kalimitang huli ang mga palabas... Mga three months pa yata matapos akong makabalik galing holiday sa pinas bago nagpalabas ng movie traillers ng The Wild dito... Tuloy balak pa lang manood ng mga my new prens ko dito ay alam na agad nila ang ending... Kasalanan ko he-he soli my prens...

Hindi ko talaga maintindihan ang country na to, lahat na halos ng mga important events mapa sports man, beauty pageant o celebrity awards night ay dumadaan muna sa pay tv bago ang madlang bayan...!

Pero hindi ko sila masisisi dyan, kalbo kasi prime minister nila... O bat ka natawa? kalbo ka rin ano? pero medyo seryoso to tol!... Ayun sa FACT ni nanay, (Hindi ba bastos na word yun?) ang mga kalbo daw o kung tawagin sa spanish-class namin nung araw na nag-absent ako ay Espejo, in english Mirror. (Naloko kita dun a he-he) Saan na ba tayo? balik tayo sa mirror este sa kalbo pala... Yun nga daw mga kalbo magaling mag manage ng pera kaya mga fellow aussie hindi rip-off ang gobyerno natin, cash management lang yan...

Ang FACT ko naman, teka muna itong word na to kanina ko pa napapansin. Hwag na wag nyong gamitan ng dilang pinoy ha, nagiging bastos kasi ang tunog. Basta sa akin dalawa lang ibig sabihin ng kalbo, maraming pera o nawalan ng pera... Agree?