___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Tuesday, February 06, 2007

I Love Cafepress....!





Very happy si astig ngayon....! I've made myself a customised baseball shirt design from Cafepress.... It's fun and theres no limit in any kind of designs that you had in mind.... If youre interested to have a go with it just look for any cafepress banners down below to start customising your shirts, baseball caps, coffee mugs and more.... Just look around this site for a cafepress banner and access it to their home site....



In 10 days time i'll be wearing this fantastic shirt so i'll be carrying my blog site with me anywhere i go....! Isn't that great....? imagine the excitement of showing off to all your friends this personalised shirt with your blog site's logo on it....!



So i encourage you all to just have a look and 100% i assure you satisfaction in whatever it is that you might want to be printed on any accessories that you will pick from cafepress site....


Hay salamat at natapos ko rin ang ads ko sa inglis na yun....! Galing ko ano....? Kasi na-discover ko lang to kanina ng mag-login ako sa affiliation site ko sa cafepress.... Kasi nakalagay nga ang banners nila dito at sa ibang blog ko pero wala akong pakialam kung ano man ang mga inu-offer nila kaya kanina ko lang talaga nalaman ang lahat ng pakislapkislap nila dyan sa banners nila....!



Gusto ko pa ngang mag-design ng coffee mug kanina kaya lang ay may importante akong tawag mula sa pinas kaya next time naman siguro ang iba.... Pero sana ay subukan nyo rin ito para malaman nyo ang ibig kong sabihin.... Kaya after 10 days ay sikat na naman si pepe sa opisina nito ha-ha....! Biro nyo, kaya kong dalhin ang pangalan at logo ng blog ko kahit saan at ako lang ang may baseball shirt na ganito ang naka-print in the whole universe unless na ito rin ang i-print nyo sa shirts nyo....!



Anyways, kung naintriga man kayo sa discoveries ko na to ay pakihanap na lang dyan and banners ng cafepress at mag-ikot kayo sa site nila at sigurado kong matatagalan kayo sa loob na kagaya ko kanina.... Just enjoy yourselves okay....? Gara talaga ng baseball shirt ko....! Inggit kayo ano....!

Sunday, February 04, 2007

Astig pala si Bantay

Woooohoooo....! Okay na Flickr ko....! May kwento pala ako sa inyo.... Noon ko pa sana ito inilagay sa post ko pero nung time na yun ay hindi pa yata uso ang blog.... Ano nga palang year nag-umpisa ang blog sites....? Baka ako lang yata ang hindi pa alam na may blog na noon....! Ni hindi ko rin nga alam na may ganito pala hanggang sa ma-encounter ko nga ito through my inspiration.... Pero back to our topic proper muna tayo....

---------------------------------Pasakal

Ang Dingo pala ng downunder at ang Askal (asong kalye) natin sa pinas ay magpinsan lang....! I cant believe it....! Yan ang nadiskobre ko ng minsang napadpad ako sa isang malaking zoo dito noon.... Ang Dingo ay isang wild dog at ito ay may reputasyon bilang isang savage animal.... Kaya nitong pumatay ng isang hayop doble ng kanyang laki at kaya din nitong pumatay ng mga bata na napapadpad sa gubat dito....

Ang Dingo ay hindi native animal ng downunder....

Ang origin nito ay sa asia pero dun ko lang nalaman ng mabasa ko ang nakapaskil sa may kulungan nito sa zoo na sa Palawan pala ito galing.... Mga ilang taon lang ang nakakaraan ay ibinalita sa tv ang pagkamatay ng isang 8 years old na bata at malubhang kalagayan ng kapatid nito matapos atakehin sila ng mga asong ito habang naglalaro sa buhangin sa isang remote camping park dito....


--------------------------------Pusakal

May pagkapusakal pala ang mga asong ito kung kayat kinakatakutan dito.... Kung hindi nga lang bawal dito ang animal cruelty ay ako pa mismo ang lalapit sa mga ito at magdadala pa ako ng beer, patatas, paminta, at mga ka tropa kong may pagka-scientist at mga GINius din kuno para kumuha ng tissue samples nitong mga dingo na to for scientific ehrm....! Experiments.... Tsalap....!




Samantalang ang galisin at maamong Askal naman nating si bantay ay mukhang hindi man lang nagmana sa kaastigan ng mga pinsan nya....! Very in demand din si pobreng bantay sa kanto....! Dahil sa da best meat in tawn nga ito....! At very popular sa mga astig na tulad ko.... Lalo na kapag may anestisya nakuw....! Patak pawis, luha, at sipon ni tatang dyan....! Harmless din si bantay kasi pati yata 2 years old na bata ay kayang pagda-jab jabin ito at buong amo nitong tatanggap ang ano pa kundi jab kayo talaga oo....! Sa makatuwid pala ay hindi mga first settlers maliban sa native na aborigini ang nauna rito sa downunder kundi mga pinoy....! Pinoy dogs nga lang...!




Kaya sa mga Dingo, pag sa pinas kayo ay dinikdik lang na paminta ang katapat nyo....! Tiyak tulo ang laway ng mga kanto boys sa story ko na to....! Kung bakit ko pa kasi naalala ang nabasa ko sa Taronga Zoo....! Tulo din tuloy laway ko whaaaa....! Slurp! Slurp! Dyan na nga kayo...!

Sunday afternoon chaos

Kung napapansin nyo ang Flickr Badge ko dyan sa ibaba na medyo wala sa kondisyon ay wag kayong mag-panic at hindi ko napapabayaan tong blog site ko.... Nag-panic din nga ako kanina kasi bigla na lang nag-flicker tong Flickr ko na hindi ko naman malaman kung sa anong kadahilanan....! Buti na lang at naisipan kong bisitahin ang web site nila kaya medyo naliwanagan na si pepe ngayon....



Hay naku....! Hirap talagang mag maintain ng dot com....! Palagi na lang sinusubukan ang kaastigan nitong alter ego ko na makikita nyo naman dyan sa ID photo ko na talagang astig na astig ang dating he-he.... Big job din ang experiment ko na SINADYA SA PLAZA and just incase na hindi nyo naintindihan ang ibig sabihin ng "Sinadya", yan ay salitang bisaya na ang ibig sabihin ay kasayahan o celebrations....



Ang site ko kasi na yan ay tambakan ko lang noon ng mga kung ano-anong napupulot ko na mga tools dito sa www na parang ala bodega ba.... Dyan ko sinusubukan muna ang mga programs at mga java script, and urls before ko ia-apply rito sa home page ko for safety reasons.... Pero since na dun ko rin nilalagay ang ibang mga affiliation banners ko ay hindi ko pwedeng i-disable ito basta kaya binuksan ko na....



Isa pa ay na-realise ko rin ang potential nito ng maalala ko na may Dinagyang Festival pala sa city namin sa Iloilo last month at nagsimula akong maghanap ng mga photos ng festival sa net.... So in my own way ay kinunvert ko ang basura site ko na to at nagsimula ng parang isang tourist magnet drive site na kahit nandidito ako sa downunder ay pwede ko pa rin tulungan ang tourism ng bansa natin in my own little way di ba.... Ang tanging tool ko lang talaga na gamit dyan ay ang pagkapinoy ko....



Paningin ko nga sa site na yan ngayon ay parang isang malaking garapon na pinupuno ko ng mga kung ano-anong bagay mula sa memories ko ng pinas at sana makatulong ang mga ito.... Sana naman ay mag-work para masulit din naman ang efforts ko.... Kasi isipin nyo na lang ang profits na ihahatid ng mga tourists sa bansa natin plus pa ang pyramid effect nito oras na maganda ang naging experiences nila sa pinas at makabalik na sila sa bansa nila para magkwento ng mga experiences na ito.... Malaking hatak talaga ng tourism for pinas di ba....?



Sabi nga ng isang my plen ko dito ay kulang na lang daw ay maglagay ako ng demo video kung paano ang tamang pagsuot ng life jacket at tamang pagkabit ng seatbelts kasi ang layout daw ng site ko ay parang nasa loob ka ng Philippine Airlines ha-ha....! Siguro nga ay magkapareho ang principles namin ng kung sino man ang nagsimula nyang PAL na gawing feeling at home ang mga visitors.... Baka may mag-request ng drinks wala ako nun....!



This years christmas holiday ay uuwi ako sa pinas so maybe next year ay makapag-feature rin ako ng mga pictures na sariling kuha ko rito incase na hindi ko makalimutan na naman ulit ang snap-shot camera tulad sa last uwi ko na tanging video cam lang talaga ang naalala kong dalhin.... This time baka ang tripod lang ang madadala ko na naman sa sobrang pagmamadali.... Si pepe kasi ay medyo may attitude na kung kelan last minute na ay saka pa lang magpi-prepare kaya palaging nagpa-panic tuloy....!



Anyways, sana ay bisitahin nyo rin ang SINADYA SA PLAZA ko at i-rate nyo kung pwede na ba si pepe at kung may K na ba akong maging Little Mister Ambassador For Philippine Tourism 2007 title ha-ha....! Hindi nyo ba alam na, "from little things big things grow....!" Anyways again, masyado ko nang inaksaya oras nyo at laway ko kaya until next post na naman ulit....! At ako naman ay kakain lang....

Thursday, February 01, 2007

Pre-taglamig issue... (ang suman bow!)

Two months na lang taglamig na naman dito sa downunder.... Itu-turn on ko na naman ang suman mode ko in preperation for winter season at ilalabas ko na rin ang mga nakatago kong mga balat suman na sobrang pagkakakapal...! Buti pa kayo dyan sa pinas malayong malayo sa pasmo bunga ng paiba-ibang timpla ng seasons....
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .TAG-ARAW Mode



Mag-aaway na naman ang mga kasamahan ko nito sa trabaho dahil ang isa ay ayaw sa sobrang heater tapos ang iba naman ang gusto ay maligamgam na 24 degrees lang daw.... Sobrang arte naman ng mga to na kung nagsuman mode na lang sana sila na tulad ko e di solve na kaagad ang mga problems nila....! Paano naman kasi kahit winter na winter ay nakapang-aloha, pearly shell, tiny bubbles Hawiian clothings pa sila kahit manhid na halos ang mga tuhod nila sa sobrang lamig ay puro fashion pa rin ang laman ng mga kukote nila....! Kulang na lang ay magtatampisaw sila sa beach in full nude sa kalagitnaan ng taglamig....! Kunyari mga astig din sila na tulad ko ano...?



May suman din pala na may palamang bukayong niyog sa loob, anong tawag dun...? Buti na lang pala wala akong balahibo sa dibdib, kung nagkataon pala ay baka nagmukha akong suman na may palamang bukayong niyog sa loob...!




Ang ayaw na ayaw ko lang naman sa taglamig ay ang doble-doblengtambak ng labada ko sa weekend dahil sa malasuman nga ang dating ng labing limang underwears na mas bullet proof pa yata sa suot pang-ibaba ni superman sa sobrang kapal nito, sampong t-shirts, anim na pantalon, at tatlong makapal na jacket na suot suot ko sa everydaily winter life ko dito....! Joks only he-he....! Pagnaniwala kayo dun sa mga exaggerations ko ay mas malaki pa ang kamote nyo sa kukote kesa sa akin....! Pero may mga magagandang benefits din naman syempre ang taglamig.... Sa winter kasi masarap matulog my favorito..... Masarap kumain, another my favorite....! At napakalamig brrrrr....! Kaya tipid din sa ligo kaya tipid din sa water he-he.... Lamig kasi.... Brrrrr ulit....!
. . . . . . . . . . . . . . .. . ... . . --. ------TAG-LAMIG Mode


Marami ring mga latenight shoppings at naka-sales pa ang mga super fantastic na mga summer items na medyo may presyo during summer time kung kaya bulsa mo lang talaga ang susuko sa varities ng mga prospected buys mo.... Hindi rin importante ang kulay ng kasuotan sa winter dahil ang pinaka-favorite color ng mga aussie pagtaglamig ay black lang naman for heat generating purposes so kahit paulit-ulit lang ang ilang piraso mong dark na damit ay oks na oks na....!




Pero mas gusto ko syempre ang pa t-shirt t-shirt lang na kagaya sa atin dyan sa pinas.... Masmagaan na sa katawan, magaan pa sa Mr.Clean bars (meron pa ba nun ngayon....?) at hindi ka pa nagmumukhang suman sa latik na...! Alam nyo ngayon ko lang napansin, na ang kilay pala ni Mr.Clean ay kulay puti ha-ha....! Hindi ko yan napansin nung nasa pinas pa ako a....! Grabe naman ang pagkatali ng mga suman dyan sa naka-inset na suman photo ko....! Siguro galit sa byenan nya ang may gawa nyan at ibinuntong na lang sa suman ang sama ng loob....! Kawawang suman....! Anyways mga my plens i'll be posting again in a few days so kitakita na lang tayo ulit....! Ako naman ay pupunta muna sa fridge ko para mag-check kung may natira pa akong frozen suman.... Pepe exit....!

Wednesday, January 31, 2007

Pepe Blog-happy...


As promised ko po ang da return of the come back ni pepe...! Medyo naging busy lang po tayo kasi back to work na ako ngayon after ng mahabang christmas holiday ko kaya nag-adjust muna ako kasi nung christmas holidays lang ako nag-start na mag-blog kaya hindi pa ako adjusted dito at medyo isinisingit ko lang ito sa mga schedules ko ngayon pero okay pa rin kasi enjoy naman ako rito gaya ninyo at nilang lahat he-he...!



As usual ay marami pa ring ideas ang kukote ko at ala-tsunami pa nga ang volume ng mga gusto kong i-post dito pero hinay-hinay lang kasi kapag naubusan na naman tayo ay maiinip na naman kayo sa kahihintay...



Sya nga pala, ano-ano ba ang naging activities nyo during christmas holiday...? Ito ba ay mga positive activities gaya ng mga resolutions, and plans for the up coming years...? Ito ba ay productive as in marami kang naitanim na kamote, at talong habang walang maisipang gawin at nainip sa pasko at pwede mo nang anihin ang mga ito sa mayo kaya productive ka....? O di kaya ay destructive like, "oh no! ang ten little indians ko naging six and a half little indians na lang hu-hu-whaaaa...!" Putok! Putok! Putok!



Kung ako naman ang tatanungin nyo ay halos lahat ng nandyan sa the above ay meron rin ako.... May positive din ako kasi by accident ay napa-stumble ako sa isang blog site na hindi ko ma-mey ay mention ang pangalan dito at baka i-check nyo ang kudego ko at mabuko nyong nangungopya pala ako he-he.... And thats where i started to think of composing this blog taken of course from the same blog provider as my inspiration buddy na still remaining as secret pa rin ni pepe ang tunay na blog identity.... Naintriga kayo ano....? Pairalin nyo na lang imaginations nyo at wag nyo nang ambisyunin pa na tanungin ako at kasalukuyan ko nang tinatahi itong mga labi ko...
. . . . IMAGINATION. . . .IMAGINATION

Naging productive din ako kasi after the inspiration ay ang marathon posting na akala mo ay may taning ang buhay at kailangang makarami kaagad bago dumating ang tigokok day nya...! At least ay narito na ako ngayon sa napakalaki at napaka-interesting na www family di ba at enjoy tayong lahat sa akin...! (kapal moks mo peng....!)



Pero medyo destructive kasi natapos lang yata ang holiday season na wala akong ibang ginawa kundi ang mag-blog ng mag-blog umaga, tanghali, hapon, at gabi whaaaa....! Naging maskulado rin tuloy pati ang mga daliri ko na daig pa yata sina Mills&Bons sa dami ng letrang pinagpipindot sa keyboard...! Pero in the long run naman ay na buo ko rin ang isang blog site na mmmmedyo okay na rin.... Ano sa palagay nyo...?



This year i promise na aalagaan ko ang site na to at susubukan kong abutin ang next year ulit.... Ang hindi ko lang kayang i-control ay ang schedules ko sa trabaho so maaring lilitaw at lulubog ang mga post ko rito na parang buntot ng kalabaw pero sisikapin ko pa rin syempre na maging available to the max post as always ako.... Anyways, best of luck for all you fellow bloggers out there for the 2007 (parang James Bond 007, tanggalin mo lang ang 2) and be blog-happy like pepe...!

Monday, January 29, 2007

Medyo busy pa si ako...


Air Blog from pepe... Hello...! Sobrang tahimik yata dito ngayon...! Natagalan yata ako a....! I'll be back in two days, medyo busy lang po ako ngayon sa mga kung ano-anong mga walang kakwenta-kwentang bagay he-he....! Wag lang sana kayong maiinip sa kahihintay ng next posts ko na napakatagal... Maraming salamat po... See you in two days time....!

Sunday, January 21, 2007

Thanks god for the Internet...!




KEYBOARD NI STEVIE WONDER




Hindi lang pala coffee ang greatest invention of man, pati nang internet din pala...! Kung ikaw ay isang mahilig magbabad sa harap ng computer mo sa buong magdamag ay daig mo pa pala si Michael J. Fox sa back to the future kapag past and present activities ang pag-uusapan...! Imagine, pwede kang pabalikbalik mula south pole to north pole na time zones and vice versa with a click of a button...! At kung ikaw ay kagaya kong ang palaging breakfast ay kape at ig-blog (early blog-birds) ay mapapasigaw ka ng, "YEAHEHES...! THANKS GOD FOR THE INTERNET...!!! Net! Net! Net! Net!!!" may echo effect pa yan na kasama ha....!
OPTICAL MOUSE



Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng tao ano... Sabi ko nga sa mga my plens ko na ang karunungan nating mga human beings ay isang hibla lang talaga ng buhok ang deperensya sa karunungan ng diyos kasi nilikha nya nga tayo na naaayon sa kanyang image at ang isang hiblang buhok na yan ay ang immortality na sa palagay ko ay ang life after death kung naniniwala kayo sa ganito mga my plens ko... At kaya maikli ang buhay ng tao ay sa kadahilanang kapag halimbawa hinayaan nya tayong mabuhay ng dadaan-daang taon sa palagay nyo kaya ay hindi magiging sapat ang dunong natin nun para tuluyang sirain itong mundo...? Kaya binigyan nya tayo ng kumbaga ay parang reset button na mag-uumpisa ulit sa reboot / double click internet explorer / at maglala-log in... Okay di ba...! Galing ko no...? Sabi na inyong nag-iisip din si pepe uy! Mautak ito...! (sabay turo sa pwet)





Hay...! The wonders of computer age...! Makaka-save ka rin ng oras dito kasi kung example ay may babayaran ka o kaya ay magta-transfer ng pera sa another account mo ay pwede ka nang mag-electronic banking at walang limits ang numbers of transactions at hindi ka na kailangan pumila mula luneta hanggang espanya dahil one click lang ay mission accomplish na...! Im really glad that were living in the computer era kasi pagkumparahin na lang natin ang buhay noon at ngayon, (no offense lang sa mga bagets dyan na i know ay enjoy din sa compu-era) di hamak naman na sobrang inam ng buhay ngayon, though almost 100% na nga lang ang role ng pera sa buhay ng mga tao ngayon...




Pero tingnan nyo naman ang span of knowledge, literacy, numeracy, skills, and dictions ng mga kabataan ngayon, talagang ibang-iba kesa noon... We are in the era of the geniuses (hindi GIN-niuses ha... lasenggo yun!) ngayon na ang mga sanggol ay nakasilip pa lamang sa mga key-holes ng mga nanay nila ay nagsi-say hello na at nakikipag hand shakes sa mga nurses and doctors...! Amazing-sing! Nabunot ang sing-sing ko! Kinuha ng baby ang sing-sing ng nurse, mandu na kaagad si baby a...! Mana sa kapitbahay siguro...



HARDWARES NI LOLA
Ngayon pati yata pag-order ng gatas ng kalabaw ay pinapadaan na sa emails...! Pero sa tutuo lang, parang nasasayang lang laway ko rito kasi mas-alam nyo pa yata ang mga bagay na pinagsasabi ko rito kaysa sa akin at mas expert pa yata kayo at ako naman ay medyo naalimpungatan lang siguro at ang pagka-amused sa internet kaagad ang napagtripan kong i-compose...! Yaman din lang na nandyan na rin kayong nagtityaga nitong boring kong topiko ay papayuhan ko na lang kayo na mahalin nyo at i-appreciate ang mga everydaily life nyo kasi mapalad kayong fractions lang ng kahirapan sa pang araw-araw na buhay ang nararanasan compared sa mga dinanas ng mga parents nyo noon...



Sabi nga ni makatang pepe ay, "treasure each and every single day of your life and you shall live in a world thats filled with amusements... Like the casino he-he... Plenty of amusements dun di ba... May mga nahihimatay pa nga minsan sa sobrang pagka-amused, natalo pala he-he...! Tama naman a, life is a gamble...! You and me, we are the gamblers of the country wooo-woooh...! Napakanta pa si loko...! Okay tama na daldal ko rito at nagugutom na ako...! Save for the next post naman ang ibang laway ko...! Bob is you...!