___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Friday, July 06, 2007

One on one with Mr. Bender....

PEPE-RAZZI

Good news soccer fans, soccer star David beckham is going-koalas wooohooo....! The english superstar will play a one-off game in Australia with his new club Los Angeles Galaxy in november....


FFA said Beckham's galaxy would play Australian A-League side Sydney FC at Sydney Olympic Stadium on november 27, in what will be the first appearance outside North America for US Major League Soccer's star signing.


So armed with my customized Pepe-razzi Microphone, designed to lure the monkeys este the celebrities pala ay binisita natin si idol....!


If we are lucky enough today, maybe we can get some words from the man himself.... And just as i've thought, he's heading this way teka lang ha....

Pepe - Mr. Bender ( taken from "bend it like Beckham" ) excuse is me sir, sir....! My name is Pepe from Oz po...!

Mr. Bender - Hey, how's things hanging there Pepe from Oz....?

Pepe - Hanging?.... Like the da-ing? And the saging?.... Let's talk about soccer muna bago pagkain okay lang po ba sa inyo idol sir?

Mr. Bender - Sure, ikaw bahala Pepe from Oz.... Kick that ball....!

Pepe - Nakuw! At maalam rin palang kayong managalog tapos pinaikot-ikot nyo pa mga mata ko dyan kanina....! Nagpuyat pa naman ako sa kapapraktis kagabi....!

Mr. Bender - Ikaw dyan, inunahan mo naman kasi ako e....! Alangan namang pa-aawat ako sa'yo e nananalaytay yata ang inglis na sabaw sa mga kasukasuan ko....!

Pepe - Anyways Mr.Bender, ano po ba'ng technique ang gamit nyo dun sa bend it like beckham nyo na tira? Galing nyo dun a....!

Mr. Bender - A yun ba? Hindi technique tawag dun, talagang naka-chamba lang ako dun kasi wala silang makuhang mahusay na bantay kaya kahit yung duling ay pinalaro pa nila....! Tuloy, kaliwa tira ko sa kanan naman ang dive nya he-he....!

Pepe - Ganun po ba? Pero talagang po'ng HERO kayo dun sa bansa nyo, katunayan nyan ay ipinangalan pa sa'yo yung malaking wall clock ba yun sa may likod bahay ni aling Queeny....! Ano nga tawag nila dun, ah...."Big Bend" pala he-he!

Mr. Bender - Oo nga ha-ha! Ang talas ng pang-amoy mo Pepe from Oz a! Pero muntik pa nga akong masingitan dun ni Rowan Atkinson (a.k.a Mr. Bean) kaya akala ko tuloy noon ay magiging "Big Bean" ang pangalan nun....!

Pepe - Maiba nga pala ako Mr. B, tungkol dun sa paiba-ibang hair style nyo, ano ba talaga kuya kent yu meyk-ap yur brain ba....?! Tsaka ano po bang parlor ang sponsor nyo at talagang seryoso kayong masyado dun sa mga hair style ads nyo a....? Pwede po ba naming malaman?

Mr. Bender - Yun ba? Wala yun, gusto ko lang talaga na maging unique and one and only hair style ko in town, kaya lang palagi na lang ginagaya ng mga fans style ng buhok ko kaya binabago ko palagi so ngayon wala na akong maisipang style kaya pinakalbo ko na lang muna.... Ang hindi ko pa talaga nasubukan ay yung hair style ni baby spice ng spice girls, minsan susubukan ko nga yun....!

Pepe - Alam nyo Mr. B, ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit pagkatapos na makagawa ng points ang mga players ng soccer ay itinatakip nila sa mukha ang t-shirts nila! Bakit nga ba ganun Mr. Bender sir?

Mr. Bender - Yun ang tinatawag naming sa soccer terms na B.O. check.... Normally kasi ay yayakapin ka ng ka-team mates mo after ng score so nakakahiya naman kung amoy kilikili ka during those moments di ba? Kaya check ka muna bago payakap.... Yun naman mga players na tuloy tuloy ang takbo pagkatapos ng B.O. check, yun ang mga amoy kilikili na players kaya ayaw payakap sa ka-team mates he-he!

Pepe - Ah yun pala yun....! Now i know why the carabao can't fly! Mabuti na yung clear di po ba? Para best plen tayo....!

Mr. Bender - Yung mga referees naman ay may tinatawag din na temperature check, kapag nag-foul ang isang player may pinapakita ang referee na red or yellow cards, na-noticed mo ba yun Pepe from Oz?

Pepe - Ah oo nakita ko yun madalas, ano nga pala yun Mr. B....!

Mr. Bender - Yung mga referees naglalagay ng temper meter cards o heat sensors sa kilikili at kung red and result ay ibig sabihin galit na galit sila so out ang player nyan, kung yellow naman ay medyo nagtatampo lang kaya pwede pa ulit maglaro until such time na makakuha pa sila ulit ng another yellow card which only means na double tampo na si ref kaya out side the kulambo na ang player....!

Pepe - Mr. Bender, gusto ko pa sana kayong tanungin kaya lang tinatawag yata kayo nung ale'ng Anorexic na nasa may likuran natin kanina pa....! Yun po ba si Mrs. Bender a.k.a. skinny spice este Posh Spice pala? Maspayat pala sya sa personal ano, aninag ko na skeletal system nya....! (ngatog!) Takot ako....!

Mr. Bender - Ha-ha....! A oo, medyo tumaba na nga sya ngayon.... Sabi ko kasi sa kanya magpataba sya ng kunti kasi takot ako sa butiki at sa bulate he-he....!

Pepe - Anyway Mr. B, puntahan nyo na ang beloved nyo at mukhang tagos hanggang buto na ang pangigigil sa sobrang galit sa inyo....! Good luck po sa karera ng kabayo este sa career nyo pala he-he....! Wala po bang free entry tickets dyan?

Mr. Bender - Oo nga ha-ha....! Thanks for having me in this blog-interview pala.... Can't wait to be there in sydney....! Bayaan mo padadalhan kita ng tickets kung hindi ko makalimutan he-he....! Catch you later Pepe from Oz....!

Pepe - Catch? Akala ko po ba ay soccer laro nyo, bakit bigla naging baseball na naman ngayon? Ang gulo nyo namang kausap Mr. B....! Tama na ngang tanong yan at hahaba na naman ang usapan natin mamya....! Anyways, balik na muna ako sa downunder para abangan ang laro ni Mr. Bender dun sa november....!



4 comments:

redlan said...

BAw Pepe from OZ. Thanks sa pag interview kay Mr. Bender. Natawa ako and am proud to be pinoy kasi napilitan siyang managalog. Keep it up! Pa B.O. chack naman dyan. hehehe

Pepe said...

Just playing safe lang kay basi mabasa ni Mr. Bender ning blog ko kag mag-react ha-ha....!

Bry said...

hahaha Ok si Mr. B, kuya peps ha! pati si Mrs. B napansin mo! hehehe...

well, idol ko rin si David Beckham! Pinantasya ko rin mna maging sing gwapo nya! nyahahahaha...

Pepe said...

Uy kumusta na Bry....? Wala lang akong maisipan na topics kaya puro kalokohan ang naisipang isulat ha-ha....! Okay ka na ba ngayon....? Take it easy lang at pagnakapag-adjust ka na sa bagong work ay mawawala na rin yang mga worries mo....! Do your best lang and things will be fine.... =D