___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, January 21, 2007

Thanks god for the Internet...!




KEYBOARD NI STEVIE WONDER




Hindi lang pala coffee ang greatest invention of man, pati nang internet din pala...! Kung ikaw ay isang mahilig magbabad sa harap ng computer mo sa buong magdamag ay daig mo pa pala si Michael J. Fox sa back to the future kapag past and present activities ang pag-uusapan...! Imagine, pwede kang pabalikbalik mula south pole to north pole na time zones and vice versa with a click of a button...! At kung ikaw ay kagaya kong ang palaging breakfast ay kape at ig-blog (early blog-birds) ay mapapasigaw ka ng, "YEAHEHES...! THANKS GOD FOR THE INTERNET...!!! Net! Net! Net! Net!!!" may echo effect pa yan na kasama ha....!
OPTICAL MOUSE



Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng tao ano... Sabi ko nga sa mga my plens ko na ang karunungan nating mga human beings ay isang hibla lang talaga ng buhok ang deperensya sa karunungan ng diyos kasi nilikha nya nga tayo na naaayon sa kanyang image at ang isang hiblang buhok na yan ay ang immortality na sa palagay ko ay ang life after death kung naniniwala kayo sa ganito mga my plens ko... At kaya maikli ang buhay ng tao ay sa kadahilanang kapag halimbawa hinayaan nya tayong mabuhay ng dadaan-daang taon sa palagay nyo kaya ay hindi magiging sapat ang dunong natin nun para tuluyang sirain itong mundo...? Kaya binigyan nya tayo ng kumbaga ay parang reset button na mag-uumpisa ulit sa reboot / double click internet explorer / at maglala-log in... Okay di ba...! Galing ko no...? Sabi na inyong nag-iisip din si pepe uy! Mautak ito...! (sabay turo sa pwet)





Hay...! The wonders of computer age...! Makaka-save ka rin ng oras dito kasi kung example ay may babayaran ka o kaya ay magta-transfer ng pera sa another account mo ay pwede ka nang mag-electronic banking at walang limits ang numbers of transactions at hindi ka na kailangan pumila mula luneta hanggang espanya dahil one click lang ay mission accomplish na...! Im really glad that were living in the computer era kasi pagkumparahin na lang natin ang buhay noon at ngayon, (no offense lang sa mga bagets dyan na i know ay enjoy din sa compu-era) di hamak naman na sobrang inam ng buhay ngayon, though almost 100% na nga lang ang role ng pera sa buhay ng mga tao ngayon...




Pero tingnan nyo naman ang span of knowledge, literacy, numeracy, skills, and dictions ng mga kabataan ngayon, talagang ibang-iba kesa noon... We are in the era of the geniuses (hindi GIN-niuses ha... lasenggo yun!) ngayon na ang mga sanggol ay nakasilip pa lamang sa mga key-holes ng mga nanay nila ay nagsi-say hello na at nakikipag hand shakes sa mga nurses and doctors...! Amazing-sing! Nabunot ang sing-sing ko! Kinuha ng baby ang sing-sing ng nurse, mandu na kaagad si baby a...! Mana sa kapitbahay siguro...



HARDWARES NI LOLA
Ngayon pati yata pag-order ng gatas ng kalabaw ay pinapadaan na sa emails...! Pero sa tutuo lang, parang nasasayang lang laway ko rito kasi mas-alam nyo pa yata ang mga bagay na pinagsasabi ko rito kaysa sa akin at mas expert pa yata kayo at ako naman ay medyo naalimpungatan lang siguro at ang pagka-amused sa internet kaagad ang napagtripan kong i-compose...! Yaman din lang na nandyan na rin kayong nagtityaga nitong boring kong topiko ay papayuhan ko na lang kayo na mahalin nyo at i-appreciate ang mga everydaily life nyo kasi mapalad kayong fractions lang ng kahirapan sa pang araw-araw na buhay ang nararanasan compared sa mga dinanas ng mga parents nyo noon...



Sabi nga ni makatang pepe ay, "treasure each and every single day of your life and you shall live in a world thats filled with amusements... Like the casino he-he... Plenty of amusements dun di ba... May mga nahihimatay pa nga minsan sa sobrang pagka-amused, natalo pala he-he...! Tama naman a, life is a gamble...! You and me, we are the gamblers of the country wooo-woooh...! Napakanta pa si loko...! Okay tama na daldal ko rito at nagugutom na ako...! Save for the next post naman ang ibang laway ko...! Bob is you...!



Saturday, January 20, 2007

Buhay nga naman...!



Whew...! Ang hirap palang mag-maintain ng blog ano...? Patak luha, pawis, laway at sipon ko rito...! Ang pinaka-objective kasi ng blog na to ay ang i-embrace ko ulit ang pinaka-origin ko which is pinoy, but there comes a time that you cant just please anyone that easily ika nga.... And i guess its all the time kasi mostly sa mga visitors ko rito ay ibang lahi (okay lang siguro na pag-usapan natin sila kasi hindi naman nila naintindihan usapan natin he-he... unfair nga lang sa side nila...) so merong magri-request dyan na kung pwede ko raw i-translate kaya kung nabasa nyo ang last post ko about baby octopus ay tinray ko na i-translate ito in english which didn't work well kasi parang double handling nga ito at mangangailangan ng extrang time ang every post ko...

Mga Emotionally Constipated Emoties
Pwede ko rin ngang isulat din ito in my city's dialect na bisaya pero in fairness naman of course sa mga pipol op di pinas ay isinulat ko ito in tagalog para mas maintindihan ng lahat di ba...? Minsan lang ay nagiging tunog matigas lang ang mga grammars ko kasi bisaya nga dodong kaya ganun... Pero sa awa ng diyos ay nakapag-communicate pa rin kahit papano...





Anyway, i'll do my best lang na maging at least average ang dating nito sa mga pinoy visitors first and foremost of course... At sa mga other nations naman ay siguro ay well equipt naman sila with translation softwares na kung talagang eager silang malaman ang ibig sabihin ng mga words dito ay pwede nilang subukang i-translate ang mga ito using those softwares... I've tried those translators once but they dont actually work that well with our pinoy slangs... Nevertheless, i still thank them for dropping by and maybe they can find pleasure too while staying here with lots of audio and visual features that i've installed in here...






Puro issues tong pinag-uusapan natin a...! Wala bang jokes dyan...? Okay jokes...? Nakuha ko lang to sa Pinoy Music Lounge dito sa downunder with Dj Gwaps, Giselle, and Kats some of the local filipino tv's hosts... word of wisdom by Dj Gwaps : The man who scratches his bum should not bite his fingernails... Whaa-ha...ha-ha...ha-ho...ho-ho-ho...hu-hu...bhu-hu-hu...! Hindi kasi nakakatawa kaya iiyak na lang ako huhu...!





Over-all opinion ko rin po ay wag lang sanang magtampo ang mga other visitors na hindi masyadong nakaka-follow comprehensively kasi ginagawa ko rin ang lahat ng efforts para ma-please sila in other ways... Also if you want me to talk about something, just any topics at all na gusto nyo with matching kasutilan as long as it complies with the safe public rating rules ay welcome po kayong mag-iwan ng request sa chatter ko and i'll see to it na mabigyan ko ito ng pansin at mai-feature dito with matching of course special mentioning to your name as a complement.... I'll just take this chance to make a few ad also he-he.... Patay hiya nang talaga ako nito...! May MSN din po ako at ang address ay : pepesblue@hotmail.com... Kung gusto nyong makipagkwentuhan tungkol sa love life nyo o sa love life ng lola nyo ay welcome po kayo as long as online ako syempre....





Kasi minsan ay nasa kusina lang naman ako at nagsasaing at hindi ko na tuloy naasikaso mga ka-chat ko kaya pinagmumura na pala ang ka-astigan ko...! I'll give you a chance to think about that offer while stock last...! Otherwise...! He-he joks only po, just take your time... Anyway see you again sa next posts ko... Enough said... Hanggang dito na lang po... Wag kayong magsawang bumalik ulit.... Exit muna si astig...!

Thursday, January 18, 2007

Back to work si pepe...!



Good weekend sa lahat...! Long time no blog a...! Back to work na naman si pepe kasi... As usual tinatamad pa pero kailangan nang talaga kasi sa-id na savings ko bhu-hu-hu...! Madaming bills na dapat bayaran at bitukang matagal-tagal ding hindi nasayaran ng masasarap na tsibog...! Ngunit, subalit stop ka muna dyan pepe...! Higpitan sinturon muna kasi kung alam nyo lang kasi kung gaano kataas ang ambisyon ko ay malulula kayo... He-he joke only po... Ang hindi ko lang talaga malaman ay kung kelan ko mapu-fulfill ang mga maliit na mga pangarap ko at panahon ang pinakamatinding kalaban ko rito...!

Motivation Motivation Motivation MOTIVATION Motivation Motivation

Bakit kaya kailangan pang tumanda tayo ano...? Minsan ay naiisip ko tuloy na kulang pang talaga ang isang lifetime para sa mga pangarap natin... Hindi ko tuloy maubos-ubos isipin kung ano kaya ang pakiramdam ng mga taong nangangarap din noon pero nabigong ma-achieve ang mga pangarap na ito sa huli...? Kasi sa ayaw ko man at sa gusto ay hindi malayong mangyari din ito sa akin kung magkamali lang ang mga moves na gagawin ko...




SCORPIO


Pero hindi yan ang topic ko ngayon.... Wala lang akong magawa at gusto ko lang i-share sa inyo ang first day of work ko for 2007....! WOOOHOOO...! Ang sabi kasi ng horoscope ko ay kunting tyaga lang daw muna at maging flexible daw ako at may darating na pagbabago.... Kauumpisa pa nga lang ng taon ay magtityaga na kaagad...! Ang aga naman nun...! Tapos maging flexible pa daw ako...! Ano yun acrobatic na kailangan maging flexible...! Tapos may darating pang pagbabago... E hindi ba naman mababago ang hugis ko nun kung panay nalang ang pleksi-pleksibol ko dyan....! Tiyak balibali buto sigurado labas ko...!



Anyway, as usual ganun pa rin sa trabaho wala pa ring pagbabago... Wala pa din over-time hanggang sa ngayon kasi hindi pa rin kami busy... Lalo tuloy akong tinamad buong maghapon at pabalik-balik pa ako sa lunch room at panay ang timpla ng kape... Sarap umuwi at matulog ulit...!



Matagal din akong nababad sa harap ng computer during ng christmas holiday kaya ko din nagawa ang blog na to sa sobrang pagkainip yata... Buti na lang pala may christmas holiday ako ano, kung wala pala ay hindi nyo rin nabasa ang mga korny kong mga posts...! Ang hindi ko lang nga alam ay kung nagustuhan din ba ng madlang pipol ang mga nababasa nila at parang wala namang nagkalakas loob pa na mag-comments sa mga post ko...!



Baka natakot lang sa kanto boy image dyan sa header ng blog ko.... Di nila alam si pepeng iyakin pala ito... Kung hindi pa ako naglagay ng visitors counter dyan ay hindi ko pa nakita na aba may mga napapadpad din pala sa isla na to...!



Dont get me wrong readers, hindi ako nagpaplanong itigil ang blog na ito at kauumpisa ko nga lamang... Ang gusto ko lang gawin ay ang mag-set ng mga objectives kung ano ang gusto kong gawing improvements pa as this year starts... Kasi kung nahahalata nyo ay wala halos akong idea ngayon kong paano ko uumpisahan ang post na to... Ang akala ko kasi ay kaya ko lang nagawang mag-blog ay dahil sa wala nga akong magawa habang nasa bakasyon at nainip kaya nag-start mag-blog....



Kaya sang katutak na motivating pictures sana ang ilalagay ko rito kung hindi lang ako nag-worry na baka sumobra na sa sikip itong post ko....Siguro pag naabot ko ang 100 posts tsaka na naman ako magdi-decide ulit kung ano ang susunod na kabanata nitong blog island na ito.... But at the moment ay stable pa ang utak ni pepe... The show must go on ika nga ni kuya Germs.... (not the germs youre thinking about) Have no fear, pepe's staying here...! Bwahahaha-haaaa....!

Monday, January 15, 2007

Ridiculously ironic...!

Isn't it ironic that most of the time, fishery strategy which involves conservational values goes well hand in hand with exploitations that can lead to destruction of some of our unprotected natural resources...!


Napanood ko kasi sa tv kanina ang tungkol sa Baby Octopus Fishing dito sa downunder at natatawa lang ako sa mga interviews nila sa mga mangingisda at mga opisyal rin ng department of fisheries and aquatic resources.... Alam ko kasi as nag-iisip na viewing public na may mali kasi nakikita ko na ang volume ng harvest nila ay bumababa pero pilit pa rin nilang kinu-convince ang mga madlang tao na walang anuman daw iyon and everything will be just fine...! They knew a lot better than we do the consumers so they should also know when to slowdown for a while and let this creatures thrive back to commercial level na naman...! Kung sa bagay kahit tayo dyan sa pinas ay ganun na rin ang nangyayari... Napakalungkot lang kasing isipin na kung sino pa ang tagapangalaga nito dahil ito lang ang only source of livelihood nila ay sya pang walang pakundangan at walang pakialam kung ano man ang mangyari dito sa future...!
Ang downunder kasi ay isa sa pinakamalaking consumer ng seafood particularly ang Baby Octopus na syang pinaka-popular favorite in any kind of gatherings...

Very ironic lang kasi kung bumababa ang harvest, ibig sabihin nyan tataas ang presyo di ba...? Ang pagtaas naman ng price nya ay magi-encourage pa ng excessive harvesting o over fishing dahil ibig sabihin ay big income nga ito na lalong namang magpapalala sa problema conservationwise...! Of course there will be a downside to that... Pwede nilang taasan ang presyo nito na posible din mag-discourage sa mga consumers na bumili pa nito... Pero hindi naman pwedeng basta na lang titigil ang mga consumers nito di ba...? Lalo na at ito ay popular choice nga...Options ay bibili pa rin sila in less quantity lang muna hanggang sa mag-roll back ulit ang presyo nito... Kelan ba naman naging unaffordable ang unaffordables...! Hanggang sa salita lang yata...!


Natikman ko na rin itong Baby Octopus many times na at masarap sya kumpara sa pusit dahil hindi sya makunat... Madali din syang i-prepare kahit stir-fried lang with garlic, calamansi, and sweet chilli sauce lang ay okay na.... Kaya wala akong comments sa consuming side nito dahil masarap sya.... At naging convert pa ako hu hu...! Nakakalungkot lang talaga ang consequences ng demand for consumption kasi in both ways consumers and producers feed each other pero nababaliwala at napapabayaan ang main source of interest... We satisfy ourselves to the extent of almost destroying the very source of this satisfaction...!


Isang obvious example ay ang excessive commercial whaling ng japan na bukong-buko na pero nagbubulagbulagan pa rin ang mga world officials tungkol dito...! Hindi naman naisip ng mga hapon na sarili nilang kultura ang winawasak din nila kasi kasama sa food culture nila ang whale-meat diet na ito... Paano na lang ang future generation nila na hindi na makakatikim nito dahil sa selfishness ng present generations nila...! Tingnan nyo lang ang naka-inset na photo dyan... Very ridiculous di po ba...? Ano ba ang akala nila sa ibang bansa mga bobo na hindi naintindihan ang mga pinaggagawa nila...! Lokohin nila ang lelong nilang panot... Kailangan bang kumatay ng daan-daang balyena para sa tissue sample na yan...? Isasalang ba nila ang mga ito ng buo sa ilalim ng mga microscopes nila o isasalang nila ang mga ito sa parella...? Hindi ba pwedeng ma-achieve ang experiments nila sa isang pirasong laman lang ng balyena...?


Alam nyo bang ang gestation period o pagbubuntis ng mga balyena ay umaabot ng 4 years...? Ibig sabihin kung kakatay ang japan ng mga isang daan sa isang taon, mahirap nang maka-recover ang whale population ng mundo...! Kaya gustong-gusto kong panoorin sa tv ang pangha-harass ng mga Greenpeace movers sa mga commercial whalers na ito... Pilit nilang pinaglalaban ang kalikasan hanggang sa abot ng kanilang kakayahan mapa-political man o mapa-physical....Kasi kung wala sila palagay nyo ay sino kaya sa mga leaders natin na mga makasarili din ang titingin sa problemang ito...? Ang mga leaders natin ay inilagay natin sa pwesto para lang i-practice ang mga personal interests nila.... Bakit hindi ba kayo naniniwala na tinatapos lang ni angkel georgy nyo ang sinimulan ng tatay nya...? Papa's Boy kasi...!


P.S. Ayon pa sa japan, ang susunod na kakainin nila pag-ubos na ang mga balyena ay ang mga dolphins na naman daw...! Kawawa naman si Flipper...

Sunday, January 14, 2007

Coffee everyone...?

Coffee time...! Actually my coffee time is anytime he he...! Halfway to eleven pm na, (sydney time) pero i just felt a bit game ulit to start blogging so balik face to face with the computer na naman si pepsi este pepe pala... Nandito naman ako all the time at hindi nawala... I was just so busy improving my site pero parang sa sobrang improve ko yata ay mas lalo lang naging worse at lalong pang sumikip...! Pakiramdam ko tuloy ay para akong pilot ng eroplano na may gadget sa kaliwa, kanan, harap, at likuran...! Parang na over decorated yata blog ko a...! Nagmukha tuloy christmas tree that i never had ito...! Ano sa tingin nyo...? Am i wrong or am i wrong...?



Anyways my plens, i've added some more feature that makes it a bit squashy in here but i hope they will keep my visiting my plens coming and staying alot more longer this time... Wag nyo din kalimutang bisitahin ang mga 1980's Hits ko sa righthand side ng main page na to ay may link ako na inilagay dyan... Paki-click na lang nyo... I'm not sure kung mahilig kayo sa 80's' ako kasi ay adik dyan at kung nabasa nyo ang post ko about 80's and 90's music, may malaki akong collections nyan both english and OPMs... I've just uploaded a few familiar favorites noon as a taster kunyari... You will like them i know... I call some of those as the " EXPLOSIVE " ones for some reasons that you are yet to find out...



Then i installed a visitors counter monitor also because i know that eventhough visually akala natin ay wala tayong bisita pero those tags that we stick on our posts keep the site ticking-over with guest of all ages, shapes and sizes... I felt a little awkward sticking my nose into other peoples business but in a way it made me felt glad just to be able to see through the walls too... Parang peeping tom box ito ha ha...!



I've been running around , walking, and crawling around the blog sites too and found some fantastic new friends...! Mmm, the absence went quite well...! Marami pala ang mga pinoy bloggers dito sa WWW at nahilo ako ng kaka-link from site to site... Kasi pagpasok ko sa isang pinoy site ay check kaagad ako sa mga naka-link na friends nya tapos kung may pinoy click ulit ako kaya kulang ang isang buong araw at talagang mawiwili ka...! Eventually ay mapapagod ka at babalik ulit sa blog mo pero magandang experience syempre...! May mga site na talagang magaganda ang layout at talagang maha-humbled kang katulad ko... Anyway, uubusin ko muna tong kape ko at frozen na pala kanina pa...! Enjoy my squashy site...!

Thursday, January 11, 2007

YEAR 2029, DOOMSDAY...!

Mga my plens kung nabasa nyo ang balita sa newspaper ngayong umaga ay tiyak akong mangingilabot kayo at baka mabugahan nyo pa ng kape ang kung sino mang kaharap nyo sa pag-aalmusal ngayon... Mga bandandang 4:36 AM daw, araw ng biernes, a trese ng abril, taong 2029 ay ang katapusan daw ng mundo ayon sa prediktsyon ng mga sayantipiko.... Ayon sa mga ito 22 taon mula ngayon, isang napakalaking Asteroid ang nagbabantang sumalpok sa ating mundo... Ito ay may bigat na 25-milyong tonelada, at lapad na 820 ka talampakan.... Ang pangalan ng Asteroid na ito ay Apophis na kinuha sa pangalan ng isang Egyptian god of darkness and destruction.... Ngunit ano nga ba itong tinatawag na Asteroid...? Ayun sa mga eksperto, itong mga Asteroids ay mga mini planeta rin.... (planetoids)



These are rocky bodies, the vast majority of which orbit the Sun between Mars and Jupiter. It is thought that there must be around 100,000 in all. The largest asteroid is Ceres which has a diameter of 579 miles. The smallest detected asteroids have diameters of several hundred feet. Together with comets and meteoroids, asteroids make up the minor bodies of the solar system. They are considered to be left over planetesimals from the formation of our solar system....




Ang maitim nga palang body ng ating solar system na sobrang dilim pagtumingin ka sa kalawakan kung gabi ay hindi talaga ang kadiliman kundi isang parang jelly like body na animoy gulaman ang structure at syang humahawak sa buong solar system at mga planeta para wag itong gumalaw pahiwalay sa kanikanilang mga orbits at pwesto... Ito ay ang tinatawag nilang black matter... Nalaman ito ng mga sayatipiko makailan lang ng magpakawala sila ng isang high frequency na radiowaves patawid sa solar system at namalas nila mula sa makabagong kagamitan at monitors kung paano nagpatalbogtalbog at nagpaliko-liko ito sa kawalan na parang may kung anong solid substance itong nababangga at ang pattern ng pagtalbog at pagliko nito ay parang pumapasok ito sa maraming networks ng butas at kweba na present lang sa isang solid formation...




Ang Apophis na nagta-travel sa direksyon ng ating mundo sa bilis na 28,000 mph at ito ay mga two-thirds ng Devils Tower sa Wyoming ang laki...! Nakakatakot ano...? Ito raw ay 65,000 time more powerful than the Hiroshima bombs at kayang bumura ng isang maliit na bansa sa mapa ng mundo...! Kaya din daw nitong gumawa ng isang napakalaking Tsunami na may 800 talampakan ang taas...!

Devils Tower...

Pero kung kayo man ay may balak nang maglipat ng planeta ay wag daw muna kasi una baka makidnap lang kayo ng mga aliens doon, at pangalaway wala naman kayong pwedeng mapagsakyan hanggang dun kasi wala pa namang franchise ang mga jeepney at bus na mars to pinas and vice versa...! Kaya manahimik na lang muna kayo sa isang tabi at kumain ng maraming pakwan at siguradong sa dami ng tubig na maiipon sa katawan nyo ay hindi kayo basta masusunog kaagad ano...!



Ang mga scientists naman ay 99.7 porsyentong sigurado na ito ay lalagpas lang sa mundo at hindi tatama... Dadaan ito sa distansyang 18,800 to 20,800 miles na medyo malapit pa rin sa atin kasi ang distance na ito ay parang isang round trip lang mula New York to Melbourne, Australia...! Maaaring makikita din ito ng malapitan at maiapalabas pa ng close-up view sa mga telebisyon dahil ang distansyang ito ay nasa loob na mismo ng orbit ng ating mga satellites dito sa earth...

Kaya mga my plens kung ang mga lola nyo ay nangangatog na sa mga oras na to sa sobrang takot dahil sa balitang ito ay damputin nyo muna ang remote ng tv nyo at i-pause muna sya, ingay kasi ng up and down dentures nya nakakangilo...!

Ayun naman sa mga eksperto kung sakali mang magmintis ang kalkulasyon nila at tumama man ang Asteroid na ito ay dapat daw na magbalot-balot na kayo ng mga nappies nyo dahil talagang napakalakas daw ng epekto nito na mahirap na daw tantiyahin may makakaligtas pa na mga nilalang kung nasa loob ka ng destructive range nito... Posibleng maapektuhan daw nito ang mga nasa 30 mile-wide swath ( malapad at mahabang guhit o marka) stretching across Russia, the Pacific Ocean, Central America and on into the Atlantic. Managua, Nicaragua; San José, Costa Rica; and Caracas, Venezuela... Lahat ng mga lugar na ito ay nasa linya ng direktang tatamaan ng Asteroid na ito... Sa kasalukuyan ang pinaka-bulls eye ng pagtama nito ay ang teretoryo ng West Coast kung saan ito ay gagawa ng limang milyang lapad, at 9000 talampakang lalim na hukay bunga ng malakas na impact nito... Ang pwersa ng impact nito ay sapat para magpataas ng level ng tubig sa dagat at mag-transform as isang napakalaking 50 ka talampakang Tsunami na tatama at tuluyang wawasak sa syudad ng California... Whats gonna happen to Arnie...?

Anyway naman kung ito ay sadyang kagustuhan na ng maykapal ay wala tayong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang siguro ay mga kaparusahang hatol nya sa makasalana nating sanlibutan...



Kung sya naman ay nag-aambisyong lang na maging kasing galing ni kuya Efren Bata, sana ay magmintis sya at wag sanang sa atin ang Apophis ay tumama...!




Wednesday, January 10, 2007

Anti-Noah Version...

Kung nabasa nyo ang post ko tungkol sa Noah's Ark, ito naman ay ang anti-Noah's Ark na version nun...Gusto ko lang hatiin ang mga theories and speculations tungkol dito sa maliliit na portions kung talaga bang may mga basihan at karapatan ang pagsang-ayon o kaya ang mga pag-oppose dito... Kung paiiralin ko ang aking mga sceptical perspective tungkol dito ay ito ang opinion ko... Kung ang Noah's Ark ay malaki, gaano kaya ito kalaki...? Ito ba ay kasing laki ng Titanic o kasing laki ng barko sa teleseryang Love Boat sa tv...? Paano nya na-accommodate ang may 1,294 na species ng amphibians, 380 species na mammals, at 78 species ng mga ibon, hindi pa kasama dyan ang mga lamok, ipis, langaw, at iba pang insekto sa mundo....! Times two pa yan kasi two of each kind daw ang isinakay nya nun which means,2,588 na amphibians, 760 na mammals, 156 na ibon all in different shapes and sizes plus ang hindi mo naman pwedeng bilangin sa dalawa dalawahan na mga insects kaya maaring isang tbsp. ng langgam, isang tasang langaw, isang paketing tutubi, isang dakot na ipis, isang pitchel na lamok (liquid kasi dugo) so on and so forth...!


Kung ang Noah's Ark ay kasing laki ng Titanic ito ay may habang 882.75 talampakan, may lapad na 92.5 talampakan, at bigat na 46,328 tonelada...! Change ko muna ang topic sandali ha? Alam nyo ba na sa 705 ka taong nakaligtas sa trahedya ng Titanic mula sa kabuo-ang 2,340 ka taong sakay nito, ay nag-iisa lang ang may pangalang Rose na nakasama sa mga nakaligtas at siyang pangalan din ng pangunahing female role sa pelikulang Titanic...! Sya ay si Rosa Abbott (Rosa - in english means rose, also means red) na hindi ko alam kung anong idad at kung anong lahi dahil karamihan yata dun sa mga nakasakay ay mga italyano... Ibig bang sabihin nito na ang character na rose sa movie na Titanic at hindi kathang-isip lang at buhay in reality...? Anyway, balik na tayo ulit sa Noah's Ark...
Ang baha ay tumagal ng 40 days pero ang tubig sa lupa ay tuluyang natuyo after 150 days pa...
Kung mayroon kang dalawang elepante na kayang mag ebak ng mga 30 kilos o limang balde bawat isa sa isang araw, multiplied by two may 60 kilos ka na elephant ebak sa isang araw X 40 days = 2,400 kilos ebak ang maiipon mo...! Paano naman ang iba pang mga hayop, ibon, amphibians, at insekto kasama na rin dyan (hindi as insekto, sa dumi count lang) syempre ang mga tao...! In 40 day ay mataas pa sa smokey mountain ang collected ebak nila...! Plus pa ang ng Arko na 46,328 tons...! Hindi kaya ang summit ng Mt. Ararat ay hindi talaga natural kundi ang ebak na lumabas mula sa Noah's Ark ng mag-decay na ang lumber materials nito...? At kung ang malaking baha ay nagmula sa dagat, sigurado akong ang lakas nito dahil sa malaking volume nya at kung ilang doble ng lakas ng Tsunami na tumama sa Indonesia noon... At kaya nitong durugin ang Ark in just first moment of contact...! Kung ang tubig naman ay sumingaw lang mula sa ilalim ng lupa, ang bubble effect nito ay sapat na para tumanggal sa buoyancy o kakayahang lumutang nito na posibling nangyari sa mga sasakyang dagat na bigla na lang naglaho sa karagatan ng Bermuda noon dahil sa ang ocean-bed daw rito ay may malaking Methane deposits na paminsanminsang nagri-release ng maraming bula sa surface ng dagat... Hmmm, isang malaking pala-isipan...! Teka (ting!) meron akong idea, mag-beer na lang muna tayo he-he...! Ayaw ko nang pag-isipan pa kasi sa pananaw ng isang ordinaryong taong tulad ko ay napakaimposibling mangyari ito pero dahil god knows best kaya siguro in good faith at nagtagumpay si Noah...
Magkape na lang muna tayo... Tama nang pag-iisip at lalo ka lang makakalbo...!