___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Sunday, December 31, 2006

Movie-limadong pepe...




Hindi na ako nakapagpanood ng movies a...! Masyado na akong naiwanan ng trends of the industry...! Pano naman kasi e hindi ko naman feel ang mga cinemas dito kasi pwera na sa maliliit ang screen, wala pang double show...! Mas okay pang manood ako sa bahay at may double showing na, may triple, fourple, fifthple, at sixthple pa...! Kaya lang magmula nung lumipat ako ng trabaho, nawala na ang power ko na kumuha ng mga bagong movies for cheap price galing sa my plens ko doon na pirata har! har!... Nun kasi every week halos ay may mga bago akong movies na napapanood, old and new ones...





Minsan kasi may mga pelikula akong na miss pero gusto kung panoorin kayat sasabihin ko lang sa pirate plens ko doon at presto (with matching usok pa at mga stars na ala fairy tale) kinabukasan ay nasa harap ko na ang mga make a wish ko...!





Pinaka-last ko yatang napanood na movie ay yung the wild... Pero bago nun napanood ko rin ang spiderman 2 na talagang gustong-gusto ko dahil hindi nyo po naitanong, yun po ang mga immature side ni pepe... I'm proud to say na mahilig pa rin ako sa cartoons...! Pinag-aaksayahan ko pa rin ng oras ang Looney Tunes, The Simpsons, Mr. Bean, Lilo & Stitch...atb. Kailangan ko ding gumising ng maaga every sunday para lang subaybayan ang Dragon Booster na ewan ko kung pinapalabas sa pinas... Wala naman pong masama dun di ba? Kesa naman manood ako ng mga brutal at violenteng pelikula na wala ka namang napupulot na mga aral kundi kung paano mo saktan ang kapwa, dun na lang ako sa kwela at masaya...!





Hindi naman sa anti-action movies ako, katunayan ay paborito ko ang pelikulang Platoon na napanood ko na yata ng halos isang daang beses... Pero iba kasi ang pakiramdam after na manood ka ng violent movies... Kasi naki-carried away ka ng palabas kung kaya kung ano ang tema nito ay ganun din tayo di ba...? Hindi nyo ba napansin na pagkatapos nyong manood ng mga violent movies ay depressed kayo...? Ito kasi ang tinatawag na artificial memories na kung saan ay parang pandisal na isinawsaw sa kape ang utak natin dahil sa masyado tayong na tangay ng flow ng pelikula at ang dark foreground ng sinehan plus ang nakakabinging running sounds ay mas lalong nagtutulak ng paningin mo masyado papaloob ng palabas na para ka nang nakatingin mula sa sarili mong mga mata...



Kaya kung ano ang pinanood natin ay sya ding artificial mood na naiukit sa ating utak after ng palabas... Paano ba nai-brainwash ng mga Nazzi ang mga batang aliman para maging young generations nila? Hindi ba mula sa pagpapapanood sa kanila ng violenteng mga pelikula kung kaya hate ang umiiral sa puso at isip nila...


One time ay nakasabay ko sa isang bus stop dito ang isang kaibigan ko na nga ngayon... Napagkamalan ko lang kasi sya as somebody na na-met ko sa isang gathering noon... Nung una ay tumanggi sya kung kaya dun ko na realized na hindi pala sya yun pero sa kung anong kalukohan sa isip ko nun na talagang pinanindigan ko na at medyo matatagalan pa siguro ang bus at baka mawalan pa ako ng makakausap at mainip lang ako... In short ay talagang binanatan ko sya ng ala willie revillame na pangungumbinsi na sa palagay ko ay lalo lang nagpalito sa kanya na halfway ay medyo naniniwala din dahil baka sabi nya sa sarili ay tutuo nga mga sinasabi ko at naka-inom lang sya nun kaya hindi nya ako natandaan...



Nang magkita kami ulit sa shop ay sya pa ang unang pumansin sa akin na parang sampong taon na kaming magkaibigan...! Ako pa itong nakalimut kung saan ko sya nakilala...! Ganun ka powerful ang artificial memory...! Kayat tayo nang manood ng cartoons at mag-isip bata ha ha...!



Saturday, December 30, 2006

I'm back...!



Hay salamat nakapag-blog ulit ako...! Masyado lang kasi akong naging busy nitong mga nakaraang araw at ni hindi halos ako makalabaslabas ng apartment ko... Kung hindi pa ako naubusan ng pagkain, hindi ko pa sana nai-flush (parang familiar na word yun a!) palabas ang sarili ko papuntang shopping center...! Kung puwede nga lang sanang ngatngatin ang study table ay yun na lang muna sana ang pinagtyagaan ko...! Akala tuloy ng mga kapit-apartment ko ay natepok na si pepe sa loob ng apartment nya...! Nagulat pa nga ang isang naglakasloob na katukin ang pinto ko ng bigla akong bumulaga sa harap nya! (Bwahahaa! Gulat ka no!) Takot pala sa multo ang loko... Mangiyak-ngiyak nyang paglaladlad sa akin este paglalahad pala...



Sana naging octopus na lang ako para pwede kong gawin ang mga trabaho ko ng eight at a time ano...! Speaking of octopus, di ba pag opto ang ibig sabihin ay walo...? Tulad ng octagon na may eight corners and eight sides... Pero bakit ang month of october ay pang number ten sa line-ups ng mga buwan sa kalendaryo hmmm...! May kamalian din pala ang mga henyo ano...? Mabuti na lang nandito si pepe na mahilig magbasa ng mga fine-lines kung hindi ay bilib na bilib pa rin ang lolo mo sa iniidolo nyang mga genius din na kagaya nya kuno... At hindi lang po ang october ang nagkamali kundi pati na rin ang september na ang ibig sabihin ay seven, at ang dalawa pang months na sumunod sa october na ang ibig sabihin ay nine at ten...!



Speaking of months pala, alam nyo ba kung saan kinuha ang mga pangalan ng buwan sa common christian calendar natin...?


Pasalamat tayo sa alter-ego ko na si pepeng kulisap na magaling mag-research sa WWW at nahanap din ang source ng pangalan ng mga months sa calendar...! Ang sabi dun, only just a few names of the month were derived from Roman deities daw... Most simply came from the numbers of the months or in two cases, in honor of Roman emperors nila... Ganun lang pala yun...! Si mang Ramon lang pala ang nag imbento nun... Akala ko kasi si Bill Gates o di kaya si Spiderman kasi pareho silang workaholic kung kayat mas madami pa ang weekdays sa weekends...!


  • January - Roman god of beginnings and endings Janus (the month Januarius).

  • February - Italian god Februus from februa, signifying the festivals of purification celebrated in Rome during this month.

  • April - Aprilis, from aperire, "to open". Possible because it is the month in which the buds begin to open.

  • May - Maiesta, the Roman goddess of honor and reverence.

  • June - In honor of Juno. However, the name might also come from iuniores (young men; juniors) as opposed to maiores (grown men; majors) for May, the two months being dedicated to young and old men.

  • July - The month in which Julius Caesar was born, and named Julius in his honor in 44 BCE, the year of his assassination.

  • August - In honor of the first of the Roman emperors, Augustus (because several fortunate events of his life occurred during this month).

  • October - Comes from octo, "eight"


Pero ang hindi lang mahanap-hanap nitong partner kong si pepeng kulisap ay kung talagang ang weekends nga ba ay para sa araw ng pahinga... Baka naman kasi nagkamali lang ang interpritasyon natin dito kasi ayun dun sa napanood ko na roman movie sa tv ay parang masmarami pa yata ang araw ng pagpahinga nila, paglalasing , at pagpakasaya sa buhay kesa trabaho nila kung kaya ang naging conclusion ko tuloy ay baliktad ang paggamit natin sa weekday and weekends natin...! Do you agree or disagree...? Spin - A - Win!

Monday, December 25, 2006

Noah's Zoo...


Nabasa nyo na ba o napag-aralan sa school ang istorya ng Noah's Ark? Kung hindi pa o kaya ay nakalimutan nyo na pabayaan nyong i-refresh ko ang memory nyo... Mga 300 taon bago pa ipinanganak si Jesus Christ ay may isang relihiyusong tao na ang pangalan ay Noah. Hindi si Mang Noah'ng magtataho ha? Lolo nya... Anyway, si Noah ay isang tapat na alagad ng diyos, at mabuting ama at asawa sa kanyang mga anak at asawa. Isang araw nagsalita ang diyos kay Noah na gumawa sya ng arko na na-aayon sa dikta ng diyos at ang tanging gagamitin ay nag-iisang punong kahoy lamang at si Noah ay sumunod sa utos ng diyos...



Nagsalita ulit ang diyos kay Noah na mag-ipon sya ng isang pares sa kada uri ng hayop at ilagay ang mga ito sa loob ng arko, at si Noah ay muling sumunod sa kabila ng tawanan at kantyaw ng mga tao sa akala ay kabaliwan nito... Muling inutusan ng diyos si Noah na ipunin ang kanyang pamilya at pumasok sa arko at paghandaan ang pagdating ng malaking baha na itinakdang lilipol sa lahat ng mga kasamaang nasa ibabaw ng mundo...At si Noah ay muling sumunod sa utos ng diyos... Ngunit sadyang si Noah ay maawain kung kayat sinubukan pa rin nyang kumbinsihin ang mga taong kumukutya sa kanya para pumasok at maging ligtas sa hatol ng diyos ngunit nabigo sya...


Sa madaling salita, nakaligtas si Noah sampo ng kanyang asawat mga anak at mga pamilya nila sa mapanalasang baha na kumitil sa bilyon-bilyong buhay sa mundo... Ang general notions at mga hypothetical explanations na nakabalot at nagsisilbing katibayan at pala-isipan sa katutuhanan ng istoryang ito ay walang ibang matatag na basihan kundi ang isang maliit na aklat ng karunungang spiritwal na tinatawag nating bibliya... Dito nagsimula at dito rin babalik ang mga kung sino man na nagtatangkang biyakin at paghiwalayin ang kathang-isip sa katutuhanan as a source of guidance nila...



However...! (inglis yun a) Ngunit, subalit, wala pong karapatan at lalo po ay walang plano si pepe na kalkalin ang ano mang katutuhanan ng istoryang ito at lalong-lalo nang wala akong balak na hanapin ito sa tuktok ng Mt. Ararat dahil takot po ako sa hight...! Ngayon nga lang sa sariling tangkad ko ay nalulula na ako, sa Mt. Ararat pa kaya...! Ang gusto ko lang pong tanungin at malaman mula sa inyo ayon sa mahaba at madugong kabanata ng istoryang isinalaysay ng inyong abang linkod na si pepe ay kung na-realized nyo rin ba na si Noah ang nagsimula ng pinaka-unang wildlife zoo sa buong mundo...?

Hindi ko din alam kung ano ang naging inspirasyon ng mga unang operators ng mga wildlife zoo,at wildlife santuaries sa ngayon pero duda akong hindi si Noah yun... Gayun pa man, (hindi na however ha) sila ang mga zoo, at wild santuary owners ang matatawag nating mga makabagong Noah ng panahon natin ngayon... Any questions...? Why is the carabao black? Very simple... Libag...!

My boring christmas...


Christmas day, kagigising lang ni pepe nagbukas ng fridge at naghanap ng pwedeng makakain. Boring talaga ang christmas sa downunder walang kakulay-kulay...! Hindi na rin ako nag-ayos ng apartment unit ko kasi kung maglalagay naman ako ng christmas decors ay magmumukhang oasis lang sa gitna ng disyerto ang unit ko na nag-iisang kumukutikutitap sa dilim dahil sa wala naman yatang naglagay ng kahit na isang christmas light man lang sa mga kapitbahay ko... Nakaka-miss tuloy ang pinas hayyy...! Last years christmas at new years-day was a bit okay kasi may kapit-apartment ako nun na mga pinoy so naghanda ako ng kunting BBQ party sa may balcony ko so medyo nag-inuman tapos may pagkain, music, videos, tawanan, at kwentuhan... Pero hindi nagtagal at lumipat sila sa mas malaking apartment kasi masyadong masikip daw silang tatlo sa apartment nila kung kayat nalungkot na naman si pepe...




This year plano ko sanang maghanda rin pero bad luck yata itong year na ito at nagpunta ng Gold Coast ang natititang nag-iisang neighbor ko na pinoy kayat (plok) nawala ang plano kong party... Nawalan na rin tuloy ako ng ganang maggala o magpunta sa shops man lang... Magmumukmok na lang ako siguro dito sa munting apartment ko buong christmas holiday na ito at mag-wish na sana hindi ako maubusan ng mga maliliit na activities at tuluyang ma-bored...




Paano na kaya ang pasko sa pinas ngayon...? Alam ko na medyo may kahirapan na ang buhay sa pinas ngayon marami ang kapos sa pera... Ang gobyerno naman kasi sa atin masyadong makasarili, mas-inuuna pa ang pansariling suliranin kesa mga responsibilidad na sinumpaan nilang tutuparin at gagampanan ng taos puso at walang halong pansariling interes... Paano kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi samantalang patuloy na naghihirap at nagugutom ang iba sa ating mga kapos na mga kababayan...?




Ngunit dahil pinoy ay wala halos ni kunting bakas man ng suliranin na nababanaag sa maliliwanag nating mga ngiti kayat bilib na bilib ako talaga sa pinoy...! Kung hindi lang sana ako kapos din at naubos na ang savings ko sa bakasyon ko last april ay sana sa pinas nalang ako nag-christmas at masaya pa sigurado ako ngayon... Nami-miss ko ang noche buena kasi noche hilik ang ginawa ko kagabi dahil wala namang happening gumising man ako ng hatinggabi, lalo lang akong malulungkot... Sinabayan ko nalang ng hilik ang halakhak ni Santa Clause, natakot tuloy sya at ni hindi man lang sumilip sa bintana ko dahil akala siguro ay may monster sa loob na ungol ng ungol...!



Pareho pa rin kaya ang pag-celebrate natin sa mga tradisyon, meron pa rin kayang simbang gabi? Ang last christmas ko sa pinas kasi ay nung year 2000 pa... Ang baluktot na advice pa nga nun ng mga my plens ko dito ay wag daw akong umuwi dahil baka ma-Y2K daw ako at hindi na makabalik dahil titigil daw ang lahat...! Ano yun? Statue dance na pagtumigil ang tugtog ay ala statue ka ring hindi gagalaw...? E ang eroplano mag ii-statue dance din sa himpapawid? Kayat ang sabi ko na lang sa kanila ay YIK (why i care) because i dont really care sabay taas ng isang kilay na ala Jinggoy Estrada...! Natawa pa ang mga loko sa sarili nilang katangekan ng bumalik ako in one piece at nadagdagan pa ang timbang...!




Ni hindi man lang yata umutot ang eroplano sa himpapawid tapos naniwala kayo sa narinig nyo dun sa naniniwalang ang sinabi ng isang kapanipaniwalang kaibigan nya na naniniwala sa isang nagsabing kapitbahay na paniwalang-paniwala naman dun sa mapagpaniwalaing na met nya lang sa may bus stop na hindi naman nya kilala at hindi nya pinaniniwalaan dahil mukhang walang namang tiwala sa sariling paniniwalalaha pwe pwe! Naligaw pa tuloy ang usapan natin...! Ano ba talaga kuya?!
Pero kung ako lang sana ang masusunod ay mas gusto ko sa pinas kesa dito sa downunder hindi lang sa pasko kung hindi sa habang panahon... Pero madaming bagay pa ang dapat kong ayusin at kusidirahin bago ko matupad ang pangarap ko na iyan, pero ramdan kong malapit lang ang katuparan ng lahat ng yan... For the mean time, tyaga lang muna pepe...

Saturday, December 23, 2006

Neps lover...

Familiar ba kayo sa Nepenthes. (Pitcher Plant) Ito ay isang klase ng mga halamang tinatawag nating Carnivorous Species. Sa lahat halos ng mga milyon-milyong varieties ng mga halaman sa buong mundo dito yata ako na inlove sa kakaibang halaman na ito, pangalawa na lang ang Cacti o Cactus sa common na pagkakilala natin... Ang vessel ng halamang ito na parang pitcher ang appearance kung kayat tinawag syang Pitcher Plant, ay hindi bulaklak kundi extension lamang ng dahon nito... Ang vessel o pitcher ng halamang ito ay may taglay na digestive chemicals na kayang mag-digest o tumunaw ng mga insekto at maliliit na hayop na aksidenteng nahulog dito bilang secondary food source ng halaman...



Ang nabubulok na tissue ng mga insekto at maliliit na hayop ay mayaman sa nitrogen na syang ina-absorb at dagdag na nurishment dito...



Isa pa sa mga kakaibang katangian ng halaman na lalong nagpalalim pa sa interest ko dito ay ang nakakatuwang solusyon sa natural na problema nito... Hindi nyo ba napansin na masyadong malaki ang vessels nito... Ang isang halaman lang ay puwedeng magkaroon ng dalawa hanggang sampong vessels ng sabaysabay... Ang mga vessels na ito ay kadalasang may maliliit lang na takip, bunga nito ay palaging napupuno ng tubig ang vessels sanhi ng pagdilig dito at sa pagpatak ng ulan... Kung inyong napapansin sa mga picture sa ibaba, ang tangkay o stem na humahawak sa mga vessels nito ay hindi nakakabit sa itaas kung hindi ito ay nakasapo sa may ibabang bahagi ng vessel... Ibig sabihin na kung halimbawa man na mapuno ng tubig ang mga pitchers nito, hindi ito magiging sanhi ng pagkasira ng vessels nito o ng buong halaman man... Kusa lang itong yuyuko sanhi ng bigat at kusang tatapon at mababawasan ang lamang tubig ng mga vessels nito... Genius talaga ang nature hindi po ba...?


At kung napansin nyo rin kung paano nakatupi ang pinakabunganga nito, ito ay para siguradong tubig lang ang matatapon at hindi ang pagkain sa loob nito...






Ang Nepenthes ay kasama sa mga endangered varieties ng mga halaman na ibig sabihin ay hindi madali ang magkaroon nito... May mga bansang mahigpit ang pinataw na mga regulasyon bago makapag-alaga nito, pero hindi ko lang alam kung kasama ang pinas sa mga bansa na to... Maaring kakailanganin ang special permits at kung ano pang kasulatan para mapagkalooban ng karapatang mag-alaga nito... Ang natural habitat ng halamang ito ay sa mga high and remote regions lang hindi dahil sa yun lang ang may tamang klema para dito, kung hindi dahil sa yun lang sa palagay ko ang hindi pa na-aabot ng sibilisasyon at pang-aabuso ng tao...


Ang Nepenthes ay nangangailangan ng mga bagong generasyon ng passionate collectors para ipagpatuloy at panatilihing buhay, makulay, at maganda ang future para dito...



Sa pinas matatagpuan ang ilang varieties ng halaman na ito sa halos buong bahagi ng bansa... Ang pinaka sikat na mga distinasyon sa paghahanap nito sa natural state nila ay ang highlands ng Sibuyan, Banaue, Mindoro, and Mindanao.



Hindi ko pa nasubukang mag-alaga nito pero patuloy akong nagri-research tungkol dito just incase na dumating ang time na magkaron ako nito... Dito sa downunder ay medyo mahirap dahil sa wala akong space na pwedeng paglagyan nito at masyadong extreme at paiba-iba ang weather conditions, pero balak kong mag-settledown sa pinas so baka dun na lang ako mag-uumpisang mag-collect in the future... May tawag ako dito sa Nepenthes: I call it the Nature's Cocktail... Nakikita nyo ba ang similarity...? Cheers...!!

Friday, December 22, 2006

Diwa ng pasko...


Naalala ko nung kabataan ko ang nakakatuwang tanawin kinabukasan after ng christmas eve... Lahat ng mga bata sa neighborhood namin noon ay naka-upo sa may hagdanan ng bahay nila hawak ang kung ano mang regalo na natanggap nila mula kay Santa Clause, at kahit hindi pa halos naghihilamos ay masisilaw mo na ang kakaibang saya sa kanikanilang mga mukha... Ang kabataan natin, talagang nakaka-miss...! Palagi ko nun pinagmamasdan ang mga kalaro ko at tinatanong ang sarili ko kung ano kaya ang iniisip nila pagnakatawa sila, umiiyak, o kaya nagagalit? Katulad din kaya ito ng iniisip ko?



Nag-iisip din kaya sila bago matulog, ano ang mga iniisip nila...? Alam kaya nila kung ano magiging sila sa future nila...? Kasi mga 12 yo. yata ako ng magsimulang mag-wonder tungkol sa future at kung paano ko pwedeng i-control ito... Hindi sa takot ako tumanda, ang gusto ko lang ay ang mailagay sa tuwid ang pag-usad ng buhay ko kumbaga ideal na future ang bini-visualized ko... Kung ang ibang bata noon iniisip lang kung anong mangyayari sa darating na linggo, at kung ano ang ulam mamyang gabi, ako iniisip ko kung ano ako as 20yo., 30yo., 40yo., as a tatay, as a lolo, kung ilan kaya magiging apo ko, at kung hindi kaya mabantot ang tunog ng pangalan ko kapag dinugtong sa salitang lolo...!




Pero hindi ang pagiging lolo ko at dami ng magiging apo ko in the future ang topic natin ngayon, kaya erase muna ha... Ang todays topic natin ay tungkol sa kapaskohan... Ang diwa ng kapaskohan daw ay nasa mga kabataan, hindi lang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo rin... Nagdadala ito ng kulay, pansamantalang kaligayahan, pero kalimitan ay kalungkutan dahil sa kakapusan ng kakayahang tugunan ang mga pangangailangan nila sa buhay... Ngunit ano kaya ang tunay na halaga ng pasko sa mata ng mga kabataan...? Nasubukan na ba nating tanungin sila kung ano nga ba talaga ang pasko para sa kanila...? Para sa akin kasi, ang buong idea at motivations ng paghahanda at pag-celebrate natin ng pasko ay lahat nakasandal sa pagiging bata ulit di ba...? Chocolates, candies, mansanas, ubas, nuts, cakes, regalo, christmas songs, exchange gifts, christmas parties, caroling, christmas tree, santa clause, reindeers...etc, lahat ay simbulo ng kabataan di po ba...? Naniniwala din ako na ang buhay ay pwedeng maikompara natin sa isang bagong notebook na habang sinusulatan ay nakukumpleto rin isa-isa ang mga pahina nito... Ang bawat pahina ay ang kung ano tayo ngayon. Pahina sa pahina naisusulat natin ang ating mga nakaraang, experiences, kaligayahan, kalungkutan, galit, kabutihan, kasamaan, at kung ano-ano pa... Ang lahat ng mga yan ang tinatawag nating personalidad mula sa mga pahina ng nag-iisang notebook ng buhay natin.
Ang lahat ng mga nakasulat sa mga pahina ng notebook na ito ay hindi kayang burahin ng panahon, itoy nadadaganan lang ng mga nabuong bagong dagdag na mga pahina sa ibabaw nito... At dahil sa kung ano mang dahilan na ang kapaskohan yata ang may pinaka-unang kasiyahan na naisulat natin sa notebook na ito, ang dahan-dahang pag-usad ng mga araw papalapit sa kapaskohan ay parang na ring ang dahan-dahan din nating pagbuklat, pag-alala, at pagbaliktanaw na muli sa mga pahina ng notebook na ito pabalik sa malungkot man o masaya nating kabataan... Maligayang pasko po sa lahat...!

Wednesday, December 20, 2006

Christmas Party

Office christmas party namin last monday, busog na naman si pepe...! Magha-harbour-jetboat riding sila pero hindi ako sumama kasi hindi ako marunong lumangoy hu-hu! Joke only he-he...


Nag-ikot pa ang secretarya sa production floor the day before at pinapiperma ang lahat daw ng gustong sumama dun sa boatriding ng insurance form, just incase that you die daw sabay halakhak na parang nang-aasar pa...! (Akala nya cute sya) Ayaw ko lang kasi ang feeling na mababasa ako ng tubig dagat early in the morning tapos may lunch pa after that so magiging malagkit ako buong araw...!


May plano pa naman akong humabhab ng husto...! Nilista ko pa nga kong ano-ano ang mga o-orderin ko kasi ganyan ang x-mas party namin palagi may kunting kagalantehan at sky is the limit pa daw...


Tiningnan ko ang menu book... King crab ang balak kong lantakan, di ko pa kasi nasubukan kung ano lasa nun... Gulat pa nga ako sa presyo kasi mahal pala...! Pero hindi ko nakalimutan ang sabi nilang sky is the limit kaya pikitmata kong itinuro sa waiter sabay dasal na sana wag lumingon ang boss ko o kaya wag i-recite ng waiter ang order ko...


Alam nyo bang isang King crab lang ay kayang busogin ang mga sampo ka tao? Ang mature na King crab ay may bigat na 12-20 lbs. o 6-10 kilos, at pwedeng lumaki pa...! Ang sipit ng crab na ito kapag-fully grown ay mas malaki pa sa palad ng adult na tao... Medyo na-guilty pa nga ako nun ng kunti kasi aabot daw ng mga 15 years ayun dun sa waiters bago lumaki ng ganon ang King crab na ito... Nakakapanghinayang ano...?



At nagbalik pa ang waiter hawakhawak ang isang plastic-bag na may lamang crab na pinsan pa yata ni godzilla na maladambuhala rin sa laki at parang nagmamakaawang nakatingin pa yata sa akin...! Itinaas pa ni loko ang plastic-bag na ala Andres Bonifacio ng katipunan...! Lalo tuloy akong na-guilty at butas din ang bulsa ng ngayon ay napatingin ding boss ko... Hu-hu-hu...! Buti na lang hindi nya sinabing, " You're fired king-kong!" Patay malisya muna si pepe... Hindi ako ang nag-order nyan huh...! Pero sa sobrang gutom ko yata ay nakalimutan ko na ang mga realizations na yon... Nagpakabusog na lang si pepe...



P.S... Nakita ko ang price ng King crab, AUD$ 700.00! Bagsak ang panga ni pepe...! Isang buwang suweldo na ni Mayor Alfredo Lim ang binanatan ko sa loob lang ng kalahating oras...! Kaya pala naglasing ng husto ang boss ko... Lalo pa at napagaya rin ang iba naming katrabaho...! umorder din ng dambuhala ang mga loko! Hu-hu-hu! Makatingin nga sa job_search.com mamaya... Patay si pepe nito...! Mag-apply kaya akong waiter dito...!



Pero nung umaga na yun bago ang lunch, habang nagpapakasawa sila sa pag-enjoy dun sa boatride nila ako naman ay nanunuod lang ng tv kasi mga 1 o' clock pa raw yong lunch, gutom na gutom pa naman ako kasi hindi ako masyadong nag dinner the night before tapos wala din akong breakfast... Talagang pinaghandaan ang pagkikipaglaban sa King crab...! Mga bandang 12:30 ng tanghali eto na si pepe kasama ang isang officemate na takot din sa boatriding, naglalakad sa may chinatown sa city... Masyado palang malaki ang lugar na yun at ilang beses yata kaming naligaw... 401, 400, 399... San kaya ang restaurant na yun...?


Ewan ko ba pero, everytime na naglalakad ako dun sa chinatown ay parang at home ako... Puro itim ang buhok ng mga naglalakad at puro asyano, kaya naman pakiramdam ko ay na-belong ba ako sa lugar at walang sino mang pipintas sa kulay ko at lahi... At last nakita ko na rin ang restaurant... Naka-ilang kilometro kaya kami galing train station...?

Hindi nga ako nagkamali kasi puro basa silang lahat pati na ang mga boss at may-ari ng kompanya... Bah, maykasama pa silang salbabida a...! (Ang pay master namin na ubod ng taba pero mabait sya...)





Ayos tsibugan na...! Prepare your listahan bata...! Ganun pala ang tamang table setting ng mga chinese... Kung sa western countries ay maraming kutsara, tinidor, knives at wine-glasses, sa chinese naman ay parang nasa tea party ka sa alice in wonderland dahil sa dami ng mula sa pinakamaliliit na bowls hanggang sa pinakamalaki... At wag na wag kang umorder ng kape dahil isang oras yata bago dumating ang order ko na kape at sa labas pa yata ng chinatown naghanap ang kusenero nila...!

Halata ding nasindak ang waiter ng marinig ang order ko na kape... Sabi pa nya, "coffee?!" Ang sabi ko naman ulit, "yes coffee!" Sabay tapon ng mala-Piolong ngiti. Bahagya pang tumunog ang hawakhawak na mga platot kobyertos dahil nanginig yata ang mga kamay ni loko sa sindak...! Bakit kaya ayaw na ayaw ng mga chinese sa kape...? Tuloy parang mukha silang inaantok at hindi halos maidilat ng mabuti ang mga mata nila.. Jok onli ha baka makarate ako ni Bruce Lee...!







Pero okay naman ang services nila at binigyan pa nga kami ng advice na hindi good for two ang King crab kundi good for ten... Napahiya tuloy ang mga matatakaw sa pagkain...! Tsarap!... Thanks Bert! (Pangalan ng company owner)







I have a good recipe for any kind of crabs. Kakailanganin lang ang mga sangkap tulad ng:









  • Large or medium size crabs


  • 1pirasong Itlog


  • 1 tangkay na pechay


  • 2-3 pirasong mushrooms


  • 2 pirasong talong


  • Bawang


  • Luya


  • Sibuyas


  • 1/2 tasang maliliit na hiwa ng dahong sibuyas (shalott)


  • 1 kutsarang soy sauce


  • 1 kutsaritang asukal (sugar)


  • 1 kutsara cornstarch


  • 1 cup arina (flour)


  • Paminta (black pepper)



Paraan ng pagluto:









  1. Hugasang mabuti ang mga crabs.


  2. Patuyuin ito ng panandalian.


  3. Tanggaling ang mga paa at sipit (claws) nito.


  4. Paghatihatiin ang crab sa maliliit na piraso.


  5. Hatiin sa dalawa ang bawat sipit nito at basagin para madaling himayin.


  6. Ihanda ang frying-pan na may mainit na mantika.


  7. Isa-isang isawsaw sa itlog ang bawat piraso ng crab at pagulungin sa arina bago i-fry ng panandalian para dumikit at magsettle ang arina.


  8. Maghiwa ng bawang, sibuyas, at luya at igisa ang mga ito sa mantikang pinagprituhan sa crab.


  9. Isama ang pritong crab sa ginisa at haluhaluin bago lagyan ng dalawang tasang tubig.


  10. Timplahin ang niluluto ayun sa inyong panlasa at maglagay ng katamtamang amount ng paminta. (black pepper)


  11. Maglagay din ng isang kutsarang soy sauce at isang kutsaritang asukal.


  12. Hugasan ang mga talong at hatiin sa apat kada isa nito ng medyo pahaba.


  13. Hugasang mabuti ang pechay at pagpirapirasuhin ng buo ang mga dahon bago ilagay kasama ng ibang sangkap. Pwede ring i-fry muna ng mga 5 na sigundo ang pechay at talong para manatili ang lutong ng mga ito.


  14. Linisin ang mushrooms sa pagpunas lang dito at huwag na hwag nyong huhugasan para hindi mag-absorb ng tubig at mawala ang lasa nito. Ang mushroom ay kayang mag-absorb ng tubig hanggang sa 70% ng laki nito.


  15. Hiwain ng malalaki ang mga mushrooms at idagdag sa niluluto.


  16. Magtunaw ng isang kutsarang cornstarch sa kalahating tasa ng malamig na tubig at ihalo ito sa niluluto para lumapot ang sabaw.


  17. Budburan ng hiniwang shallot o dahong sibuyas at pwede nang i-serve ang inyong crab.


  18. Pwedeng magdagdag ng sili kung gusto mong maanghang ito.



Ayan, luto na ang inyong crab na hindi ko alam ang pangalan pero sigurado akong magugustuhan nyo lalo na pag may mainit-init na kanin nakuw! Pwede siguro natin tawagin itong, Crab Ala Pepe-A okay ba... Takam! Bonappetito tita...!

Sunday, December 17, 2006

Mga nakatagong private...


Adik daw ako sa 80's and 90's sabi ng mga my plens ko doon... Nakita kasi nila ang VERY VERY HUGE collections ko ng favorite songs na umabot na yata ng dalawang daang cd's...! At puro selections pa ang lahat ng yan... Mapa-opm man o english favorites of the 1980's-90's ay 8 out of 10 chances meron sa collections ko... At wala ni isa man dyan na hindi ko gusto, every next song pagpinatugtug ko ay nanginginig at nagku-collapse ako kaya tuloy puro bukol na ang ulo ko sa kaka-collapse everytime...
Tanong nga ng mga my plens din dito sa downunder, saan ko daw nabili ang mga collections ko na ngayon lang daw nila narinig... Ano nga ba naman ang madadampot mo kung nasa downunder kundi yun lang nabitawan ng mga taga up-over...! Yun nga puruntong ni Dolpy hindi pa yata naging uso dito kahit kelan...
Pero hindi lang basta pag-collect and kailangan ng mga music cd's natin para tumagal ang buhay nito...
Kailangan din ang kunting sacrifice sa paglinis at tamang pag-alaga ng mga ito... Wag nyong gayahin ang stocking method dyan sa naka-inset na picture. Yan ang tinatawag na DEVALUATION METHOD o pagtanggal ng kalidad ng inyong mga cd's... Isipin nyo na lang kung papano nyo inumpisahan ito mula sa isa lang at kung magkano na ang nagastos nyo sa mga ito...



Para sa akin kasi ang 1980-1990 ang may pinakatutuong mellodies at pinakasarap to the bones (Naks! Parang mak-do a!) na lyrics compared sa music ngayon... Sino ba naman ang hindi magku-collapse sa mga bandang katulad ng: Air Supply, Starlight Express, Modern Talking, REO Speedwagon, Survivors, England Dan & John Ford Coley, Atlantic Starr, Klymaxx... at marami pa. At mga artist na tulad nila: Barry Manilow, Rex Smith, Kenny Rankin, David Gates, El Debarge, Kenny Loggins... at iba pa...


Kung tawagin ko nga ang mga collections ko ay mga emortals ko kasi parang walang kamatayan at walang kasawasawa ko itong pinakikinggan... Malayong malayo sa mga tugtugin ngayon na isang linggo mo palang napakinggan ay sawa ka na kaagad...! Sino ba naman ang hindi magsasawa sa, yow! yow!da da driga dya ha haaa!#$%*$# HOUSE! yes! yo! da dra ! $#@ #%$$ ba ba DOGS!... Ano raw!!... umpisa at saka dulo lang yata ang naintindihan ko dun a! Panay mura pa ng mura...! Kung yun ang gamitin mo sa pagharana sa iniirog mo noon, hindi lang isang balde na ihi ang matitikman mo, may matching isang platong ebak pa...!


Nayanig yata ang buong nayon sa nilantakan mong RAP music, bagsakan lahat ng bunga ng niyog mula sa puno... Buti nalang walang casualties...!

Saturday, December 16, 2006

Online Lottery FRAUDS!

Mag-ingat mga my plens ko dyan... Marami ngayon ang nanloloko at mga naloko na ng Free Lotteries programs na ito... Ang scams na ito ay masyadong organized at mahirap ma-detect dahil sa masyadong convincing ang dating ng mga notice forms nila... Hindi nyo naitanong pero ako rin ay muntik nang mabiktima nito nitong linggo lang na ito... Sino ba naman ang makapagsabing fraud pala ang notice forms nila e talagang daig pa yata si Miriam S. dun sa mga binanatang inglis!


Pati rin ang mga opisyal na naka perma at mga naka-link daw sa kanilang mga ahensya at bangko ay wala talagang lamat na pwedeng mapagdudahan... Susubukan kang ikumbinsi ng mga ito na ito ay genuine at kinakailangan mong makipagkontak sa isang taong kunyari ay manager ng bangko sa englatera para sa karagdagang instructions kung paano mo mai-wire ang winning money mo papasok sa private bank account mo, so kailanganin ang personal info at bank account numbers mo dyan...


Minsan naman ang style nila ay sisingilin ka muna ng katako takot na maliliit na transaction fees, at dahil nga huh mayaman na ako ngayon...! Galante ako, chicken feed na lang ang mga yan so babayaran mo ngayon.


Pagkatapos na makuha na nila ang kailangan nilang cash ay biglang, plok! plok! (Parang yung tunog na nangaling dun sa toilet kanina nung nandun si tatang a)


Pagnagka-bread na sila sa tulong ng generousity mo (In other words, katangahan) disapir-exit na sila na parang masamang panaginip dahil sa binanatan mo ang dalawang bandihadong kanin at napadami tuloy ang kain mo kagabi... Adios bentesingko sentimos...!


Sa mga ganitong fraud daw kalimitang mapapansin ang maling grammar at maling spelling (Parang ako) na hindi na halos mapansin dahil sa naghalong pawis, laway, luha at sipon ng nakatanggap bunga ng sobrang katuwaan. Ay wan! Ay wan! Ay Waaaa-haaa-haaan-nanay ko poooo! (Iwan ko ba sayo, kanina ka pa talon ng talon dyan hampasin kaya kita nitong dyaryong binabasa ko ng matigil ka na)


Ikaw ba naman ang padalhan ng sulat na nanalo ka ng isang milyong euro o kaya pounds, di ka kaya magtatatalon buong maghapon...! Magkano na sa piso natin yun, teka ha matikmatik muna ako 1,000,000 * 12345 - 6789 / 9876 + 54321 = P 96,279,991.41... O di ba galing-galing ko no? 96 million pesos! Nakuw! Kahit mamatay na ang masungit kong neighbor pagkatapos...!


Biro nyo yan madlang people, kahit wag na kayong magtrabaho at pakapekape na lang ay di nyo na kayang ubusin ito... Pati na din ang second at third generations nyo ay allowed ng maging tamad ngayon. Matikmatik uli ako ha, 96,279,991.41 / 365 = P 263,780.80... Ayan galing ko talaga...! Yan ang dapat nyong gastahin araw-araw sa loob ng isang taon para lang maubos nyo ito. Pwede kayong bumili ng tsekot araw-araw, may sukli pa kayong pang tsekolet at pang karaoke...!


Halimbawang may mga 10yrs. na lang ang itatagal nyo sa balat ng lupang hinirang na ito bago kayo matigokok... urhm!.. Tatang naman wag kayong sumimangot muna dyan at lalo kayong pumapanget... Iksampel lang ito kayo naman masyadong balat luya este sibuyas pala...!


Kung halimbawa10yrs. na lang ang nalalabi sa holiday nyo, kailangan nyo pa ring magwaldas ng P 26,378.07 pesos sa everyday battery nyo... Sarap naman...! Ano kayang pwedeng bilhin ng halaga na yan...? Ah alam ko na...! 26,378 na text messages! (Sabay pitik pa ng kamay sa ere) Galing ko talaga! Ay wan! Ay wan! He-he-he (Tuwang-tuwa pa si tangek)

Friday, December 15, 2006

Anong meron ang BBQ...


Ang mga Australians ang pinakamatakaw na yata sa karne na na-encounter ko...
Kapag may mga handaan sila ang pina ka highlight nito ay ang BBQ... Mapa-picnic, birthday party, o kasalan man, wala na yatang tatalo pa sa walang kamatayang BBQ kung atensyon ang pag-usapan...

Sa dinami dami ba naman ng meat varieties nila paano sila magsasawa sa BBQ... Mula sa pinaka-common choices na: Pork, Beef, Lamb, Chicken, Duck, Goat, Turkey, hanggang sa mga exotic tulad ng: Kangaroo, Crocodile, Deer, Emu, Quail, Rabbit, at Possum... Maliban pa dyan, sila din ay isa sa pinaka malakas na seafood consuming country... Pinakasikat na dito ay ang sugpo at pugita. (Octopus) Ang BBQ Grill yata ang pinakatatak ng isang aussing tahanan... Ito ang pinaka-icon ng bawat backyard sa downunder. Pag wala kang grill hindi ka in, at mas makapal ang sebong dumidikit sa grill mo, mas matatag ang pagkamakabayan mo...
Minsan nag-ihaw ng tuyo sa backyard ang isang my plens ko dito, bigla ba namang nagsidatingan ang mga bombero dahil may nag-report na may nasusunog daw sa lugar na yun...! Nagalit tuloy ang my plens ko doon dahil sa napahiya sya dun sa mga firemen plus amoy na amoy pa nila ang nakakapanindig balahibong tuyo scent cologne nya...! Sabi din nga ng may other plens ko din doon, pre subukan mo kayang sunugin ang bahay mo tapos lagyan mo sa taas bubong ng kangaroo meat at siguradong walang makakapansin na nasusunog na pala bahay mo... Akala nila nagba-BBQ ka lang, baka makikikain pa nga...

Weekend na naman...!

Weekend na naman...! Makapagpahinga na naman ako nito wuhuu!... Hirap talaga pag masyadong busy kasi hindi mo na halos maasikaso ang sarili mo. Pag weekdays kasi, gigising ng maaga tapos maliligo, tapos magbibihis na, impake ng mga dadalhin sa trabaho, at bago aalis ng bahay ay magti-check muna kung may nakalimutang i-turn off gaya ng ilaw, susi, at lalo na ang stove at plantsa. Sa trabaho na rin ako magkakape nun...!

Hay naku... Talagang my life in downunder is very fast moving at wala na halos time na kumain... Kaya sa araw araw na yata ay naglu-look forward na ako sa next na holiday ko ng makapag-relax naman si pepe... Plano ko sa next holiday ko uuwi ulit ako sa pinas kasi mas enjoy ako dun kisa kung saan na destinasyon...


Iba kasi sa pinas... Meron ba silang, isaw, bopis, addidas, kamotecue, bananacue, karekare, lechon, lechon paksiw, crispy pata, nilagang baka, talangka, kilawin, kaldereta...etc? Puro pagkain lang ano? Matakaw kasi si ako...!
Kung pwede nga lang na dalawa lang ang weekdays at limang araw ang weekends, mas komportable si pepe sa bahay... Pa nood-nood lang ng tv, pakain-kain ng chips at pa gawa-gawa lang ng entry sa blog, talagang perpik yan! Sino naman kasing sira ang nag-imbento ng ng weekends at hindi na lang nya ginawang fifty-fifty ito with the weekdays... Kung sino man yun alam ko workaholic sya...


Hindi kaya si Bill Gates yun...? O kaya si Spiderman...? Magkapartner kasi ang dalawang yun kayat naging success ang internet... Si Bill Gates sa microsoft, at si Spiderman naman sa web-sites... Pareho din silang patriotic di ba...? Alam nyo atin atin lang ha, duda ako na si Bill Gates at saka si Spidy ay iisa lang....! Mmm...! Tsismis yan a...! Suot nya pa rin kaya salamin nya pg nakamaskara na sya...?

Thursday, December 14, 2006

Summer na naman...!



Summer na naman dito sa downunder, sobrang init at sobrang dami ng langaw...! Sa pinas kalabaw lang ang nilalangaw, dito tao naman ang inaatake ng sangkatutak na mga langaw...Siguro walang kalabaw dito kaya ganun... Ang nakakainis pa sa mga langaw dito kasi masyado silang tame, feeling nila aso sila...! Etong isa! Um! Pitik! Splat!... Ayan tuloy naging tatlo ka ngayon...!

Madami kasing pwedeng dapuan sa ilong ko pa naisipang dumapo... Ano ba meron sa ilong ko na wala sa iba at dyan mo naisipang dumapo ha...? Uhrm! O...! Close your mouth tatang hayaan nyo na lang ang langaw ang sumagot nun, alam ko naman kasi kung anong sasabihin nyo e... Atin atin na lang yan...! Ganito palang summer pag malapit ka sa disyerto sobra...!
Mababa din ang humidity level nila kayat wala halos kahit isang patak na pawis na tumatagaktak sa iyong katawan... Anong tawag nun sa tagalog? Feeling ko tuloy ay para akong binurong isda na kahit balot na balot ay hindi pinagpapawisan...
Hirap din sila sa tubig, nasabi ko lang yan kasi mula yata nung dumating ako rito ay palagi na lang may water restrictions kahit na tag-ulan all year round... Marami sa mga bagong subdivisions dito ang may sariling water recycling system para maiwasan ang problema sa tubig...
Mataas din ang UV o UltraViolet level dito kayat hinihikayat ng mga ahensya mediko dito na maging maingat ang mga madlang bayan sa mga downunder the sun activities nila...
At para naman sa matitigas ang ulo, Skin Cancer lang naman ang katumbas nyo... O lalaban kayo...?

CHATTER-BOX NI PEPE

Sa mga my plens ko dyan, ang chatter na ito ay para sa lahat... Ngunit, Subalit, Datapwat, Sana-manawari po lang ay wag nyong gawing Taekwondo o Boxing ring ang chatroom na ito... Ingatan din po sana natin ang mga nilalagay na mga salita, wala lang po sanang murahan... Pambata po tayo e... Pakiusap lang po galing kay pareng Pong Pagong at pareng Kiko Matsing... Salamat po...

Wednesday, December 13, 2006

Pagi-phobic na ang aussie...

Unpredictable din pala ang akala ko ay gentle creatures na pagi o stingray... Katunayan nito ay ang aksidenting pagkamatay ng isang sikat na australianong wildlife warrior na si Steve Irwin ang tinaguriang ng buong mundo na The Crocodile Hunter mga dalawang buwan na ang nakakaraan.


Naisipan ko lang isulat ang topic na to kasi balak kong pumunta sa beach sa christmas holiday na ito...


Ang buntot ng stingray ay may nakausling Barb, ito ay isang butong hugis spearhead na may habang 5 - 6 inches na syang nagsisilbing armas ng mga stingray laban sa mga natural enemies nila tulad ng pating at buwayang dagat.


Tambayan ng mga stingray ang shallow body of water katulad na katulad ng mga lasenggo sa kanto, laging tambayan ang malapit sa shallow body of water sa loob ng bote lalo nat may dog food for pulutan... Nakuw!... May anestisya na, may dog food pa sarap!...


Ayun sa mga sayantipiko, bihira lang daw ang reaksyon na ito mula sa isang stingray... Sa katunayan ay umabot sa mga lima ka tao lang ang namatay bunga ng pagka-barbed ng stingrays, kasama na dyan si croc hunter... Hindi pa malaman kung ano ang naging sanhi ng pagka agresibo ng hayop dagat ng mga oras na yun... Takot ako sa shallow water...! Pero masarap ang stingray...! Yum-yum...! Kaya mga my prens, pagnagpunta daw ng beach magdala kayo ng maraming niyog and go swimming with niyog. Takot daw kasi ang stingray sa gata... Stingray na may gata, mmm... sarap nun...!

Crickey...!


Nakakita na ba kayo ng buwaya sa wild na state nila. Dito kasi sa downunder, very common ang buwaya sa bush bastat may tubig, kaya nagtalaga ang gobyerno ng mga agencies na ang tanging gawain lang sa buhay ay ang matulog este alagaan pala ang wildlife at ilayo sila sa mapanganib na mundo ng mga tao. Mapanganib pa tayo ngayon, wat did wi do ba waa-haa-haat! (Nagdrama ka pa... patingin nga ng sapatos mo balat buwaya ba yan?)


Takot pa nga ako nun na baka habang natutulog ako sa gabi ay biglang lunukin ako ng crocs mula sa toilet bowl. (Patay kang bata!) Tapos kinabukasan pagising ko ay nasa bituka na pala ako ng croc... Pero hindi naman ganon ang mga crocs, ngunguyain ka naman muna syempre mula paa. Kung halimbawa naka survive ka man at nakatakas sa mga crocs, at least solve ang matagal mo nang problema sa alipunga forever and ever...! Okay di ba?

Tuesday, December 12, 2006

Palaging huli na lang...


Ang layo pala ng downunder, kahit bagong pilikula hirap dumating on time...! Di katulad sa atin na palaging on time... Last april kasi umuwi ako ng pinas tapos one day nagkayayaan na manood ng movie, nakakatawa pa nga kasi ang napagkasunduan naming panoorin ay yung The Wild. Natawa talaga ako dun ng husto, may sawang kumakahol na parang aso, at saka kalapating ala... Maharaja ng india ha-ha.(Tama kaya spelling ko?)

Napadami tuloy ang kain ko, nilantakan ko yata hanggang sa naubos ang isang bucket na KFC. Pagdating sa selections ng mga movies na pinapalabas thumbs-up pa rin ako sa pinas. Sa downunder kasi kalimitang huli ang mga palabas... Mga three months pa yata matapos akong makabalik galing holiday sa pinas bago nagpalabas ng movie traillers ng The Wild dito... Tuloy balak pa lang manood ng mga my new prens ko dito ay alam na agad nila ang ending... Kasalanan ko he-he soli my prens...

Hindi ko talaga maintindihan ang country na to, lahat na halos ng mga important events mapa sports man, beauty pageant o celebrity awards night ay dumadaan muna sa pay tv bago ang madlang bayan...!

Pero hindi ko sila masisisi dyan, kalbo kasi prime minister nila... O bat ka natawa? kalbo ka rin ano? pero medyo seryoso to tol!... Ayun sa FACT ni nanay, (Hindi ba bastos na word yun?) ang mga kalbo daw o kung tawagin sa spanish-class namin nung araw na nag-absent ako ay Espejo, in english Mirror. (Naloko kita dun a he-he) Saan na ba tayo? balik tayo sa mirror este sa kalbo pala... Yun nga daw mga kalbo magaling mag manage ng pera kaya mga fellow aussie hindi rip-off ang gobyerno natin, cash management lang yan...

Ang FACT ko naman, teka muna itong word na to kanina ko pa napapansin. Hwag na wag nyong gamitan ng dilang pinoy ha, nagiging bastos kasi ang tunog. Basta sa akin dalawa lang ibig sabihin ng kalbo, maraming pera o nawalan ng pera... Agree?

Downunder? Ano yun?...


Unang bakasyon ko nun sa pinas tinanong ako ng mga kaibigan ko, pre ano ba yung downunder? Kamuntik ko na yatang nalulon ang isang boteng beer, malamig pa naman magkaka-brain freeze ako. Sa dinamidami ba naman ng pwedeng itanong , yung wala akong alam yun pa ang itinanong sa kin ng loko... Buti my prens ko sya doon kung hindi di lang beer ang lululunin nya , pati isang platitong mani pa. Buti pa sila may napagtanungan ako nga noon wala. Kaya tuloy buong akala ko talaga ay katulad yun nitong suot ko sa ibaba...kasi yun ang palaging suot ng mga aboriginals, downunder wear...
Akala ko kasi nung tinanong sila nun ng mga first settlers kung anong pangalan ng lugar na ito sabay tingin sa baba kasi naka bahag nga lang sila, ang akala nung aboriginal tinatanong sya kung anong yang suot nya na mula pa yata nung bagong panganak sya ay suot nya na. (Gets nyo ba? Lampin! Kayo naman oo, very slow motion sickness panadol) Kaya sagot nya naman ay, (sabay turo din sa baba) "ah this one, downunder." Kaya nga naman downunder... Ikaw talaga...Nag mukha pa tayo tuloy tangengot sa harap ng naka-diaper na mama...! Very amusing ...Nakuw!... (Sabay tapik ng kamay sa nuo)
Malay ko ba naman doon sa pangalang yun, baka nga mas masagwa pa ang naging pangalan ng lugar na ito kung nakasama ako nun sa mga fist settlers, baka iba pa tuloy ang naitanong ko. Baka Hangonthere pa tawag dito ngayon...Bakit nga kaya downunder? Maliban kasi sa downunder ang pinakamataas naman na napuntahan ko nun ay sa baguio lang. Ano naman kaya ang tawag ng mga settlers dun kung sakaling imbis na sa downunder ay sa pinas sila napadpad....coldupthere?
Pero ang lugar na ito daw ang pinakapatag na kontenente sa buong mundo. Halos mahigit sa kalahati nito ay disyerto... Kasukat din daw halos nito ang buong kontenente ng amerika... o bilib ka no...? Masyadong rugged daw ang lugar na ito at pinaniwalaang halos sumuko daw ang mga settlers noon dahil sa unhabitablu... pweh! un-ha-bi-ta-ble... okay na... unhabitable daw masyado ang kontenente na to. Buti na lang na realise ng mga settlers na pwede pala tirhan ito kasi madaming malahiganteng mga daga.(kumakain daw kasi ng daga ang europeans)
Wala sana sa blog nya si pepe ngayon di ba?

Monday, December 11, 2006

Not Konserbatib Kuno


Dito sa downunder nawawala na sa pinoy ang pagiging magalang sa mas nakakatanda at mga tumandang binata, (Ops ang tamaan wag magalit. Isport lang pre...) lalo na ang mga bagong generasyon ngayon. Bihira mo nang marinig ang po at opo maging sa mismong mag-ama o mag-ina.

Minsan nakakalungkot isipin ang ganitong mga pangyayari lalo n'at walang tamang explinasyon kung saan ba talaga nagkulang ng paghubog ang kanilang mga magulang...Maaaring gawa ng mga out of the parents control na influences gaya ng friends, TV adds, o kaya natural adoptation dahil kung dito sila lumaki buo din ang sense of belonging nila... in other words, 100% feeling aussie din sila.

And aussies doesnt even respect there inlaws specially the wife's parent like we do. Na kahit sampong taon na ang tanda mo sa mga byenan mo ay tatay at nanay pa rin ang tawag mo...Buti na lang hindi lolo and first word ng anak mo sayo...(sumobra pa ang galang ng anak)

Pero pwede din sigurong lokohin ang mga aussie para kunyari magalang ang aussie hubby mo... aussie hubby: honey whats your fathers name? pinay wife: love, his name is tatay. How about your lolas name? O buking ka ano?...

Marami pa tayong kaugalian na parang masyadong exaggerated ang dating lalo n'at ibang lahi ang kapitbahay mo kaya nagmukhang unique ka tuloy. Isa na dun ang walang kupas na kurtina. Lahat na yata ng kumot mo sa bahay ay na-promote mo na sa heneral na ranggo. Meron ka pa bang gustong isabit dyan? Nagmukha ka na rin tuloy kurtina dahil kakulay ng pambahay mo yung kurtina sa banyo mo...

Isa pang nakaka-confuse na ugali natin ay ang over na pagkamalinisin.

One time na-imbitahan ako sa isang pinoy na party so pumunta naman ako kahit medyo malayo... Pagbukas pa lang na pagbukas ng pinto ay nakabungad na sa nabigla kong mga kilay ang parang maliliit na highway ng plastic mats sa carpet!... Naalala ko tuloy ang 3 little pigs, this little pig went to the market, this little pig stayed at home, this little pig said weee-weee-weee... pre saan ba pwedeng umihi dini? wir is da wey ba dito ito ba o ito...? Pre wag dyan papuntang market yan...! Nalito pa tuloy ako...

Pero may kaugalian naman tayo nakakapagpapalaki ng puso at bilbil. Limang taon mo na yatang binibigyan ng ulam ang kapitbahay mong bombay hindi ka naman mahilig sa curry medyo kasi stinky-winky kaya excuse me muna syang wag magbigay sayo ngayon... Thank you neighbor your food is very nice, taste like chinese take-away. (Pinaglihi ka kasi kay Olive Oil, kaya napagkamalan ka tuloy na intsik)

Aba syempre naman neighbor bicolana yata si ako!...

May Malaking Daga...



Ang Kangaroo pala ay mukhang malaking daga... Mahaba ang mga buntot nila at patalon talon sa bush. (hindi si pareng George wala nun dito) First time ko kasi nakita ang mga ito ng personal dito nung unang sakay ko palang sa tren. Dumaan kasi ang tren sa isang ma-bush na suburb, parang yung mga municipalities sa atin. Nakita ko madami talaga malalaking daga...
Buti hindi ako napasigaw ng daga daga apakan nyo apakan nyo!...Baka sila pa apakan nun... sa laki ba naman na yun ng kangaroo... Oopps...! titigil pa yata ang lokong train driver sa may station na yun nag-alala tuloy ako na baka pagnagbukas ang pinto ng tren papasok ang mga kangaroo. No...its not what you're thinking hindi ako takot sa daga girls and gays lang ang takot sa mga daga macho ito... Nag-worry lang talaga ako dahil sa mga PUSA... Gaano kaya kalaki ang mga yun...
Meron din silang malaking pouch sa harap kung saan tinatago lila ang mga babies nila...Babies? Opo babies kasi mga tatlong joey (Tawag sa baby kangaroo, hindi si Joey Marquez masyadong malaki yun.) ang nasa loob ng pouch mula maliit na parang butiki kalaki hanggang sa malaki na nakakalabas na at nakakatalon at hindi kambal ang mga ito. Sunod sunod na separate birth sila...
Ikaw ba naman ang may bulsang taguan ng mga anak na kagaya ng sa kangaroo, kahit sampo na ang panganay mo siguro mukha ka pa ring dalaga tingnan... Di ba misis kangaroo?...

Oh wat a playt...


Nasa international airport pa lang ako ng pinas nun pero parang confused na agad ako.Lalo na ng makilala ko ang isang pasahero na akala ko ay pinoy lang at malaki lang ng kunti ang katawan sa akin pero ang sabi nya ay Samoan daw sya...Ano yun? Minatamis sa bao ng niyog? Maasim ba yun o maanghang? Tao pala yun sabi n'ya he-he.


Nang na sa airplane seat na ako, may nakatabi na naman akong aussie na panay ang tanong mula paglipad, pagliko, pagpreno, (wala pala nun ang eroplano he-he) at hangang sa paglanding tanong pa rin ng tanong... Sagot naman ako ng sagot, hindi ko na rin tuloy maintindihanan mga sinasabi ko inglis kasi gets mo my pren?... Ihi lang yata at kain ang pahinga ko.


Hindi yata napansin ng loko na mukha nang twisties ang dila ko sa subrang pamimilipit sa kai-inglis kalabaw pero ayaw pa rin ako tantanan. Wa-epek din ang tango at iling... Buti na lang naalala ng piloto na maglalanding na pala kami kaya nakaiwas pusoy tuloy ako... Oh wat a playt talaga... Layk no adir...