___________PUYAT JUICE___________

___________PUYAT JUICE___________
_MANKIND'S GREATEST DISCOVERY!_
---- Java, Jamoke, Murk, A Shot, A Shot In The Arm, or plainly Joe.... However and whatever you might want to call it.... For me it will always stay as my Puyat Juice...!

Thursday, December 25, 2008

Merry Christmas all....


Merry Christmas all.... Pasensya na po sa katahimikan dito.... I was just going through some very tough times lately and until this moment, i'm still in the hot pursuit of my elusive usual energetic self that i really wanted back very badly.... Hopefully i'll be able to catch-up with it before things turns up more and more uglier next time....


Salamat din pala sa mga amazing friends na continuously at walang sawa pa ring dumadalaw sa'kin dito.... You know who yous are and i also wanted yous all to know that i really, really do APPRECIATE all your efforts, and all the messages and everything that yous all did ng walang kasawasawa.... Grabe kayo, wala talaga akong masabi....! I wish that someday i can also give back the same favors to yous guys.... =)


At kahit na hindi ko nasasagot ang mga messages nyo ay napapangiti pa rin syempre ako sa mga kakalugan at kakengkoyan nyo everytime na nababasa ko ang mga iniwanan nyo dito.... Though christmas songs and colours makes me lonely at this stage, i hope everyone's still happy and having a great time this christmas and take good care of yourselves.... God bless.... =)

Monday, October 20, 2008

Hello, happy birthday to you....!

Best plens sila ni tatay, kaibigan din sya ni nanay, kaibigan ni ate, at pati na rin ni kuya at kaibigan ko rin sya at ninyong lahat....! Mobile phone, Cellphone, Cell, Cellular, ano man ang nakasanayang tawag natin dito sa mahabang panahong nakasama natin sya sa mga araw-araw na mga paghahasik natin ng lagim at kung ano-ano pa nating mga raket sa buhay dyan, ang mobile phone po ay naging isang matapat na kaibigan nating lahat....


Sa ating mga pagpapalipad hangin, panliligaw, pambubola, pag-ibig, mga murahan at asaran, at pati na rin sa pag-organisa ng mga riots, protests, demonstrations, rallies, and strikes.... Hindi pa kasama ang kasalan, binyagan at kumpisal dyan kasi wala pa yata akong narinig na mga ganun na ginawa gamit ang mobile communication hanggang ngayon he-he....! Anyways, ang mobile o cellular po ang nagbigay ng hitech na demensyon sa lahat ng sa mga nasambit ko na yan at hindi lang yan, madami pang iba na pwede nating gawin gamit ang teknolohiyang ito.... Hindi na po ako magpapaliguyligoy pa, (lalim nun a) this month of october kasi is something special in the mobile phone world....


Mobile phones turned 25 years old this year....! Naalala ko pa nun na ang pinaka-una kong mobile phone unit pala was a Nokia 5110, tapos nasundan pa ng dalawang Motorola Startac na gustong-gusto ko dahil maliit lang sya at magaan, and so on and so forth, and until now na digitalized na halos lahat ang mga handsets ay nandito pa rin po ang mga yun dini-display ko pa rin sa aparador ko kasi nanghihinayang akong itapon.... I think worth keeping naman talaga ang mga yun at eto pa nga tayo ngayon na pinag-uusapan ang tungkol sa evolution nitong mobile phones di ba....?


And the first ever mobile phone to be launched pala was the enormously looking Motorola DynaTAC 8000X na kasing laki halos ng hollow block, at siguradong patay ang kuko mo kapag nabagsakan ka nito tsong....! It was in 1983, the year the first ever handheld mobile phone was out on the market, the name of this mobile phone was called the Motorola DynaTAC 8000X nga, kulit nyo naman e....! The price of one unit back then was a staggering $3,995, US yan ha.... Buti na lang pala at may tinatawag tayong competitions sa retail industry ano, kaya naging affordable na ang mga units ngayon sa kahit anong level ng society natin.... Kaya kahit naglalako ng buko ay pateks-teks na lang ngayon he-he....!


The Motorola DynaTAC 8000X first received its approval from the U.S. Federal Communications Commission and become the world’s first commercial handheld mobile phone (Cell Phone to the Americans). March 6th 1983 was the date it was made available for purchase, and the demand for these handsets were so immense.... The Motorola DynaTAC 8000X featured specs that included Total Area Coverage’ let you talk for 30 minutes, 10 hours to recharge, eight hours of standby time, LED display, memory to store thirty “dialing locations and a cool size of 13 x 1.75 x 3.5 inches.... So to you kaibigang mobile phone, happy 25th Birthday....! O sino raw ba ang interesadong umorder dyan, may natitira pa daw silang sampong units nyang hollow blocks he-he....! =D



Sunday, October 12, 2008

5 ton of TLC....

This is a blogsite-espionage ha-ha....! Wala dapat akong oras na mag-blogging ngayong araw na to kaya lang may ikinompose pala akong pang entry dito last week kaya ipu-post ko na, nadaan na rin lang ako dito.... Last time naalala nyong nag-post ako about the artist elephant....? Well, here's another one about the elephant ulit, antalino pala ng animal na to ano daming alam gawin.... Marunong kayang magluto champurado to....? Napulot ko lang ulit sa Utube, nakakatuwa medyo bizarre kaya gusto kong i-share sa lahat.... Sana magustuhan nyo.... =D


Hoy mamang kano, dun nyo na lang kaya dalhin sa iraq yang tapang nyo at baka napilitan lang kayong magyabang dahil madaming chicks....! Buhay nyo na nakatihaya este nakataya dyan ano....! Dyan nyo pa naisipang magpakamatay sa marami kayong audience, daming makakapanood ng pagluwa ng mga mata at paglawit ng dila nyo dyan mamaya....!


Panoorin nyo to.... Would you trust this gentle giant to give you the most ultimate walastik massage experience you've ever tried in your entire life with those massive tree trunk-like legs....? Ito na yata ang tinatawag nilang bone shattering massage, e talaga namang shattered nga lahat ng kasukasuan at himahimaymay ng mga buto mo sa bigat ba naman nito ano....! Ewan ko lang sa inyo basta ako ayoko pang magkadurogdurog ang mga buto at matigokok ng wala sa panahon he-he....! Pano kung matapilok sya at ma-out of balance tapos buong limang toneladang bigat nya ang babagsak at dadagan dito sa very sensitive (makunat kamo) kung katawan nakuw....! Sakit nun ha....! Sa pangalan pa lang na elephant ay tunog mabigat na, ang madaganan pa kaya, pisa lahat ng mga alaga kong bulate dyan sigurado ha-ha....! =D

Monday, October 06, 2008

Peter Pan syndrome....


Nandito po ulit si ako woohooo....! Pasensya na po ulit sa pagiging tahimik ng blog ko nitong mga nakaraang linggo, tulad ng dati wala pa rin palaging oras para maga-update pero paminsan minsan pa rin namang sumisilip at nagbabasa ng mga iniwanan ninyong mga mensahe at comments.... Babawi na lang ulit ako one of these days pagsinuwerteng magkarun ulit ng break.... And just to make-up for those absences ay naghanda po ako nitong very interesting topic na to para naman kahit paano ay magkabuhay ng kunti tong naghihingalo ko nang blog-site ha-ha....!


Last week as i was browsing through the web, medyo na-bored kaya naisipan kong maghanaphanap at magmasidmasid muna ng mga topics hanggang sa mapako ako sa isang topiko tungkol sa ibat-ibang klasing syndromes.... Meron palang mga ganung tawag dun, hindi ko ini-expect at medyo nalibang tuloy ako ng pagbabasa at natawa na rin sa mga paminsanminsan ay kakaibang tawag sa iilang paticular na mga syndromes like:

TAKAYASU'S SYNDROME - Tunog hapon sya di ba....? Kapag meron ka raw nito ay wala kang pulso sa wrist (Arteritis of the Aortic Arch)....
CHINESE RESTAURANT SYNDROME: Allergic sa AJI-NOMOTO (bad body reactions to MSG in foods)....
YELLOW-NAIL SYNDROME: Extinct, tigukok, kaput na kuko (Stop growth of nails)....

at iba pa kasama na rin dun ang syndrome na specially made yata para kay Mr. Beat it na si you know who, sino pa kundi si Michael Jackson syempre.... Kaya naisipan kong ilagay dito he-he....! Wala lang, mga kamote sa kukote lang na nais kong i-share.... =D


Oi, nakarinig na ba kayo ng tinatawag na Peter Pan Syndrom (PPS) bago din sa pandinig ko kasi.... Meron palang ganun.... Peter Pan syndrome is a deep-seated belief daw that one will never, and must never ever, grow up. It is named after sa legendary childlike character ng napakalayong lugar ng panaginip na kung tawagin ay ang Neverland, sigurado ako alam nyo to kasi parepareho yata tayong dumaan ng grade one to six lahat ano pwera na lang kung nagbubulakbol ka nun ha-ha....! Okey, ayun sa story, isang place raw to where kids are immune to aging, kaya nga tinawag na Neverland di ba....? O ngayon naalala mo na ba....? Lahat ng mga bagay at pangyayari na may kinalaman sa paglaki ay never-never na nangyayari sa lugar na to.... Ibig sabihin, isa syang kakaibang mundo ng mga bonjing he-he....! Tama ba....? =D


Ah, so this is what they call Peter Pan Syndrome pala, ngayon alam ko na.... At tulad ni MJ, (short for Michael Jackson) hindi yung bata ni Spiderman na hindi maintindihan at mukhang may sayad yata ang character nya dun sa movie, lahat daw ng meron ng disorder na to ay takot pag-usapan ang tungkol sa edad, or aids este age pala sa salitang inglis.... Kaya sila walang sawang nagpapapalit at magparetoke ng ibat-ibang pyesa sa katawan manatili lang na bata por-iber en iber.... Ilong, mata, buhok, balat, kilay, buto, ngipin, gilagid, dila, nunal na pula, nunal na itim, patay na kuko, buntot, pilikmata, sungay at kung ano-ano pa....*hingal*, parang jigsaw puzzle ka na huh....! Yun ay kung kaya ng bulsa nila like MJ di ba....?


Anyways, sa palagay ko naman kapag wala tayo kahit na kakaunti nitong syndrome na to, we are still missing something vital in order to live our lives which is the inner child in us.... The happy thoughts within na lahat naman yata halos tayo ay meron in a safer level nga lang di ba....? Depende na siguro sa'yo kung hanggang sa ilang taon ka gusto mo maging di ba....? After all, as Peter Pan always said, "Fairies only exist if you believe in them".... Kaya hindi naman siguro masamang magpi-piko at magcha-chinese garter si lola paminsanminsan dyan just to keep her inner child alive he-he....!


What causes Peter Pan syndrome? Hindi ko po alam, tanungin nyo na lang si dok Aga he-he....! Seriously, they said it's a fear of failure when interacting with others that he perceived to be more capable and in control than he was. Peter Pan syndrome means an overwhelming fear of failure interacting with those perceived to be more adequate which is defended against thru avoidance.... Ano raw sabi, ken yu plis refit nga....?! A....e kayo na rin po siguro ang bahalang mag-translate nyan at medyo madugo na ang lalim ng inglis kasi di ko na kayang i-enhale yan tsong he-he....! Balitaan nyo na lang ako.... Babu....! =D

Sunday, September 14, 2008

Award from Mari....


Hallu all....! Nandito na naman po ulit si ako nanggugulo he-he....! Bago ko rin pala makalimutan, this award was from Mari, given to me a very long long time ago pero ngayon lang ulit ako nagka-chance na i-post to dito.... Baka sabihin tuloy ni Mari na kinalimutan ko na ang pag-post nito dito he-he....! As usual, busy pa rin po ako gaya ng dati.... Medyo nadagdagan kasi ang mga duties and commitments ko sa everydaily life ko ngayon.... My real world seem to have been falling on me like a ton of bricks lately, mostly in a good way naman but it was also almost demanding for my fullest attention too, pero hindi ko pa rin pwedeng iwanan tong blog-word kasi in a way ay natutuwa pa rin ako at nagpapasalamat na naging bahagi ako dito at nagkarun pa ng madaming mga amazing good friends....


It's been quite sometime since i've decided to start blogging, gaano na ba katagal yun....? Mga tatlong taon na yata di ba....? I've started as a sobrang malupit na magpupuyat para magsulat ng mga entries na kahit medyo nakakalimutan na ang kumain, matulog at gumamit ng toilet paminsanminsan ay matibay pa rin at malagkit ang pagkaupo sa harap ng computer para magpipipindot sa keyboard at tapusin ang mga walang kamatayang drama sa buhay ni Pepe at ng adbentyors nya sa downunder.... Pero ngayon, medyo kinakapos palagi sa oras kaya slowdown muna pansamantala si astig.... =D


Madaming mga nabago at naging pagbabago marahil dala na rin to ng mga malalakas na dampi ng hangin sa ating mga mukha o ba't ka nagtatakip ng ilong dyan....! Hindi yung hangin na yun ang ibig kong sabihin, 'kaw talaga....! Wat i mean po ay ang mga pagsubok na lahat naman yata tayo ay meron nito di ba, magkaibang level nga lang siguro ng difficulties for each and every individuals.... At kung wala ka namang problema sa buhay dyan ay siguradong hindi ka taga dito sa earth ano....! Check mo baka sakaling kamaganak mo pala si Superman from planet Krypton tsong ha-ha....! Oi, naalala ko tuloy one time nung pumasok ako minsan sa isang store ng Toys R Us sa sydney.... Nabasa ko dun sa isang Superman outfit na pambata na may nakasulat dun sa tag nya sa likod ng damit sabi dun, "WARNING: Wearing of This Garment Does Not Enable You to Fly".... Naisip ko lang, ano naman kaya ang nakasulat dun sa Little Mermaid outfit....? Baka ganito, "WARNING: Don't Wear This Garment in a Japanese Sushi Restaurant or You'll be Sorry" matingnan nga kung tama ang hinala ko next time ha-ha....!


Pero obviously, sa tinagaltagal ng pagbu-blogging ko rito ay iisa lang yata ang hindi nagbago, walang iba kundi itong walang kupas na layout ng blog ko na minsan kahit ako ay sawang-sawa na rin tingnan to....! =D Yun pa kasi isa kung problema, madali akong makuntento.... Example na lang, pagkumakain sa parties or any gatherings, kung yung iba ay halos tambakan ng tambakan ng pagkain at paghaluhaluin ang mga to sa plato nila na parang kaning baboy para lang matikman ang lahat ng putaheng nakahain sa table, ako naman ay kukuha at babalikbalik lang para sa dalawang o tatlong particular na dishes na kilala ko na ang lasa at yun kuntento na ako dun.... Pero ba't nga pala napunta sa kainan tong usapan natin....? Oo nga, ba't nga ba....? Nakalimutan ko na rin tuloy ang puto.... pwe! pwe! punto ko pala dito he-he....!


Ang gusto ko lang naman sanang ipaabot sa lahat hanggang sa kayang maabot nitong maikling drama ko na'to na kahit medyo hindi ako masyadong nakakasama nyo dito ng madalas ay nandito pa rin naman po ako pasilipsilip at pabasabasa lang sa mga messages nyo at wala pang balak na tumigil at kahit itakwil nyo man tong kaastigan kong to ngayon ay kakapit at kakapit pa rin ako ng mahigpit sa mga maskulado at mabalahibo nyong mga binti por gad seyk hab mirsi on mi hu-hu....! Tindi ng drama mo dyan Peng....! At sana po ay patuloy pa rin kayong magtatyagang bumisita dito kahit na naging medyo boring na ako lately he-he....! Promise ko naman na sasagutin mga iniwanan nyong mga pagbati at comments abutin man ako ng limang taon sa pagsagot sa lahat ng mga yun ay gagawin ko alang-alang sa ating ispesyal prensyeps doon.... And lastly, thank you ulit Mari for this very very nice award, wala na akong utang sa'yo ha, goodie weekend all....! Yun lang po he-he....! Okay na, pwede na naman akong maglakwacha ng isang linggo wooohooo....! Ingatz all....! =D

Tuesday, August 26, 2008

Utak popcorn ka ba....?

Ikaw ba ay taong mahilig tumawag, sumagot at magpipipindot ng cellphone mo minuminuto araw-araw....? Palaging nalilipasan ng gutom, hindi makatulog, napapraning at naglalaba ng mga damit sa alas tres ng madaling araw dahil naubusan na ng oras para sa ibang bagay sa kapipindot at kati-text buong maghapon....? Kung na sa'yo ang lahat ng mga katangiang nabanggit dito ay sa palagay ko dapat ka ngang masindak ngayon to the bulate pagkatapos mong panoorin tong maikling short clip na to.... Tama ba yun, maikli na short clip pa....?


Isipin mo na lang na ang utak mo ngayon ay isang malaking supot na punong-puno ng popcorn kernels.... Okay, ngayon nai-imagine mo na ba kung paano magsisiputukan at magsitalunan ang mga popcorn sa loob ng kukote mo sa oras na sinagot mo ang tawag ng best frens mo doon sa maliit mong laruan na yan....? A close friend of mine sent this clip to me weeks ago, at hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako convinced sa katutuhanan ng stunts na to.... Kayo na lang po ang bahalang maghusga kung tutuo nga kaya to....?



Halimbawang tutuo nga talaga to, ay wala pa rin pala tayong ligtas dito dahil kahit tumigil o maging moderate man ang paggamit natin ng sarili nating cell phones ay sa dinamidami at bilyon-bilyon ba namang mga may cellulars sa buong mundo ay wala pa rin pala tayong ligtas sa harmful effects na kayang gawin nito sa katawan natin.... Dahil sa ayaw man o sa gusto natin ay considered as a passive-cell phone user pa rin pala tayo dahil sa napapaligiran pa rin tayo ng mga gumagamit ng kanikanilang mga cell phones na ibig sabihin ay nasasagap pa rin natin ang pinsalang dulot nito involuntarily ng wala tayong kaalam-alam....!


Sa weekend balak din naming subukan to sa work out of curiosity lang ha-ha....! Wag lang sana makalimutan nung magdadala ang supot ng popcorn kernels ha-ha....! Ang nagagawa nga naman ng technology ano po....?! Napaka-ironic lang isipin kasi technology is supposed to make our lives easier sana di ba, pero sa kabila pala nun ay ito rin ang dahandahang pumipinsala at pumapatay sa'tin ng walang kalabanlaban.... Pero teka lang break muna sandali, naisip ko lang kasi.... Ano kayang flavour ng popcorn tong utak ko ngayon....? Sana NACHO lang, takam....! Ikaw, anong flavour ba meron ang utak mo tsong....?! * toinks! * =D

Sunday, August 24, 2008

Nagkasakit rin si astig....

Gara nyang nasa piturs dyan sa gilid.... Ano kaya pwedeng itawag dyan....? Napulot ko lang yan sa web kanina nung naghahanap ako ng magandang litrato para sa entry na to.... Siguro tawag dyan, SINGA-BRERO kasi gamit pansinga ng sipon he-he....! Pinuputol kaya ang tissue paper pagkagamit o muling binabalik sa roll yakh....! May sakit po ako ngayon, flu, pero hindi bird-flu to kasi para sa mga ibon lang yata yun at hindi sa mga unggoy.... Tagal ko nang hindi nagkasakit ng ganito kalala, mga four years na yata until nung last thursday ang araw na ipinanganak ang virus na makakatapat ko.... At ang lakas nya pala, bagsak kaagad ako isang zap lang ng super powers nya....! =D


Pero medyo okay na ako ngayon kumpara kahapon na para akong nalulunod sa sarili kong likido sa katawan na sisinghap-singhap at habol pa ang paghinga.... Nakatuwaan ko pang bilangin ang pagbahing ko buong araw kahapon....! I did 71 sneezes the whole day yesterday.... Na-break ko kaya ang current world record....? Oi, alam nyo ba, The reason we say "God Bless You" to someone after they sneeze, is because a long time ago nung kapanahunan pa ng lolo't lola ko, people thought that a sneeze was demonic BWAHAHAHA....! So if "God blesses you", the demon will leave your body, until your next sneeze of course at hindi ka na kailangan pang litsonin na kagaya nung palagi mong pinapanood sa tv about witchcrafts, kung san sinusunog ang mga evil person dati kasi napakagastos sa panggatong yun ha, kaya lang huli na yata nila na-realise he-he....!


Anyways, alam ko dala lang to ng panahon at ng bagong mga routines ko ngayon.... Wala na kasi ako halos time na magpahinga dahil talagang napaka-busy ng mga schedules ko ngayon alam nyo na.... Gusto ko kasing makapag-ipon for christmas day, kunting panglakwacha.... And because flexible naman ang time namin sa trabaho, naisipan kong dagdagan pa ng kunti ang kayod ko by coming to work as early as i can, as early as 5:30 AM yan ha, tapos magu-over time pa rin ako ng dagdag sa hapon just to earn some extra cash na hindi ko naman gawaing maging ganito kagahaman nun kaya eto ako ngayon.... Buti nga sa'yo, sakim ka kasi....! SAKIMMMM....! Kamukha ko na tuloy si Ronald McDonald ngayon na mapula rin ang ilong ko he-he....!


Hopefully, magaling na ako bukas dahil monday, balik trabaho na naman.... Hindi pwedeng mag-absent ako ano, masisira ang mga plano ko dahil lang sa isang simpleng sipon at ubo, no way....! Alam ko masasanay rin ako dito.... Sabi nga nila, " What cannot kill you, makes you stronger " daw, tama ba yan....? Anyways, tingnan natin bukas kung may ibubuga pa si pareng Pepe.... Para naman sa lahat, mag-ingat po tayo sa trangkaso kasi napakamahal pa naman ng mga bilihin ngayon.... Okay lang sana kung nadadala pa sa patapal-tapal lang ang sakit nyo dyan.... Ano yun, vulcanizing shop na pwedeng tapal lang oks na....! Nowadays kasi, prevention is far more cheaper than the cure kaya ingatz lang po sa sakit.... Wag na wag nyo akong tularan, wag maging sakim para hindi magkasakit he-he....! Oki-doki....?! =D

Monday, August 11, 2008

The day i met Kneeko....

I can't hardly wait to post this entry here, excited akong i-share to sa inyo guys....! Last monday kasi, i've met a fellow blogger na nun ay palaging bumibisita lang dito sa blog ko but this time ay nagkita talaga kami in flesh wooohooo....! The person i'm talking about ay si Kneeko po.... Nun pa sana kami dapat nag-meet nung bagong dating sya dito nung last year, kaya lang hind ko talaga magawang takasan ang mga schedules ko sa trabaho, but this time ay ninakaw ko na talaga ang ilang oras just to meet him nung monday evening....!

That's Kneeko there at the far right, yung naka green shirt, hindi ko na kilala ang ibang mga nandyan.... I hope you wouldn't mind na ninakaw ko tong photo mo from your blog pre.... First offense ko pa lang to kaya sana pagbigyan he-he....! =D


He was working in Saudi Arabia before he came to Sydney, Australia.... Hindi ako sigurado pero natatandaan ko lang yan dun sa mga nabasa ko sa blog nya nun.... He got married to a sydney woman months ago kaya nandito na sya ngayon ha-ha....! Mahabang istorya po, aabutin tayo ng isang buwan dito kung isasalaysay ko pa sa inyo ang buong buod nito (lalim nun a he-he).... Tagal na kasi akong kinukulit nito na magkita kami kaya lang palaging subsob sa trabaho at masyado akong nagpapakayaman kaya hindi ko tuloy sya napagbigyan he-he....! Joks lang....! Wala nga akong naiipon ngayon, dami ko kasing bills na binabayaran.... Balak ko pa naman sanang umuwi ng pinas on christmas day hu-hu.... Sana taasan naman nila ang sweldo ko kahit dalawang piso lang po plis....


Our meeting place pala was in front of Hungry Jack's in Parramatta City, dito ako nakatira.... Around 6 pm ng gabi last monday the 4th of august, malamig ang simoy ng hangin, umuulan, kumukulog, at kumikidlat.... Aw-aw-awoooo....! Parang horror movie he-he....! I told him that he won't miss me because i will be wearing my Trademark Cap and Jacket (TCJ) na kagaya ng nakikita nyo dyan suot ko sa taas, sa self portrait ko.... He said, he's currently studying at Parramatta University which is just few minutes walk from where i live kaya madali kaming nagkita kaagad....


Kneeko by the way is from Sibuyan Island sa pinas, magkatabi lang probinsya namin kaya magkapareho kami ng dialect nito.... Mas ayos kasi madalang masyado ang mga ilonggo dito sa downunder kaya tagal ko nang hindi nakakarinig dito ng salita namin, pwera na lang kung nakikipagkwentuhan ako kay AB sa phone.... Lalong nasanay tuloy ng katatagalog tong dila ko kaya nung umuwi ako last time sa pinas ay nabubulol at hirap akong maghalungkat ng mga terms sa salita namin....


Anyways, yun na nga nagkita kami ni Kneeko nung monday bandang 6:30 in the evening, kagagaling ko lang sa work nun.... Ang ganda rin ng atmosphere nun dun sa may meeting place namin at malapit pa sa shops.... Dito kasi sa Parramatta City, sa gabi ay parang yung sa streets of New York ba na mga scene na may mga nagba-busking sa kalye.... May mga tumutogtog ng saxophones, guitars, harps, flutes, etc at kung ano-ano pa sa gilid ng mga sidewalks kaya ang sarap tumambay dito sa gabi at makinig ng magagandang musika ng mga street performers....


Nagkasundo kaming dun na lang ako maghintay dahil way nya rin daw yun papuntang school nya kaya habang wala pa sila nung kasama nya ay nakuntento muna akong manood ng meditations nung mga members ng Chinese Falun Gong Practitioners sa may playground malapit sa may Hungry Jack's.... After about twenty minutes ay tinawagan nya ulit ako sa mobile ko tapos nakita ko syang kinawayan ako sa may di kalayuan.... Lumapit ako, nakipag-shake hands, at nakipagkwentuhan ng kunti with him and his friend na pinoy din pala.... At last, na-met ko rin si Kneeko, kahit medyo short encounter lang.... Niyaya ko silang kumain muna, sabi ko ako ang taya, kaya lang medyo nagmamadali yata sila nun dahil late na yata sila sa class nila sa Uni kaya medyo maikli lang kwentuhan namin....


At least, nagkakilala na kami.... He seems to be doing well with his job and schooling rin naman.... I'm so glad to have finally met Kneeko after a lot of failed attempts.... Magkape tayo minsan pre, para naman makapagkwentuhan tayo ulit ng medyo matagal-tagal, this is actually my very first time to meet a fellow blogger in person kaya astig ang feeling....! Ganun pala ang pakiramdam nun, alam mong kilala mo yung taong kausap mo pero nun mo lang sya nakita for the very first time ha-ha....! Sabi nya, ang tangkad ko raw pala.... I'm looking forward to meet him again, this time sabi nya isasama nya misis nya para raw makilala ko rin....


It's been a while since i last exchange words in my native tongue here, buti na lang hindi ako nabulol ulit he-he....! Hopefully, someday, i can also meet some of you guys in person.... Madami akong mga bloggers to meet in my list kaya lang palagi akong kinukontra nitong very hectic kong mga schedules kaya hindi matuloytuloy ang mga planong bakasyon back to pinas.... But, who knows one of these days when i come back to pinas for a visit, i might bump into one of yous sa kalye and malls dyan ha-ha....! =D

Sunday, August 03, 2008

Muntik na matigokok....


For the very first time in my life, i've experienced being involved in a car crash similar to that picture inset, and i'm telling you that it was not a pleasant experience at all, sobrang nakakatakot talaga....! Now i know how those people who had car accidents, have died or survived must have felt seconds before the impact.... At baka akala nyo rin siguro ay multo ko na lang tong nagbu-blogging ngayon dito, okay lang po ako, si Pepe pa rin po to in flesh he-he....! Kapag masamang damo raw, matagal mamatay kaya eto buhay na buhay pa rin po ako, matibay, at matagal mamatay he-he....!


Anyway, sa pagpapatuloy ko dito sa aking munting dula.... Last tuesday, July 29 of 2008, 5:55 ng hapon, ang hindi ko makalimutang araw.... Hindi sya ordinaryong araw kasi bumaba nun ang company owner para magpagawa ng prototype sa amin ni Cam (my vietnamese friend) kaya nag-OT kaming pareho ng mga kalahating oras.... He gave me a lift that day so i have to stay back with him as well 'til it's all done.... Hindi natapos pinapagawa sa amin kaya sabi nung owner, next day na lang daw namin tapusin yun....


Normally pagsumasakay ako sa kotse ni Cam, nagpapatugtog sya palagi ng music tapos sinasabayan namin ng kantahan at biruan, pero iba tong araw na'to.... Hindi sya nagsalang ng cd sa player, at wala rin kaming imikan habang nagbibyahe.... From work to my place kasi, takes around 15 to 20 minutes drive.... 15 kilometers distance, at sa 60 km/hr na takbo ng kotse ay talagang lumilipat at napakabilis namin.... Hindi kasi sanay si Cam magpatakbo ng mabagal, tapos kailangan nya pa palang abutang bukas ang restaurant na kinakainan nya ng dinner araw-araw....


Yun na nga, paspas takbo namin.... Singit dito, over-take dun, ng biglang tumigil ang mga kotse sa harap kaya wala nang time para magpreno pa kaya heto ngayon ang kotseng sinasakyan namin na parang nakai-slow motion pa sa pakiramdam ko papalapit sa likuran nung Volkswagen Beetle na dilaw sa harapan, at tanging pulang ilaw lang galing sa breaklight nung kotse sa harap ang naaalala ko dun sa initial approach at biglang napakalakas na SKREETCHH CRASHHH....!!!! Buti na lang kamo at naka-seatbelt kaming pareho dahil kung hindi ay humampas talaga kami dun sa salamin sa harap.... At sa laki ko ba namang to ay isang dangkal yata talaga ang ini-angat ng wetpu ko mula dun sa pagkaupo ko sa seat nung kotse bago ako hinatak muli nung seatbelt pabalik sa upuan....! At nakapagtatakang hindi rin gumana ang mga airbags nya....! Kaya kung ako kayo, wag na wag kayong mag-trust masyado na ililigtas kayo nung airbags.... Ingat talaga sa pagmamaneho ang magliligtas sa'yo at hindi ang safety features nung cars.... Advice ko yan, next time may bayad na he-he....!


Ganun pala feeling nun.... Wala ka halos iniisip, talagang blanko ang utak ko seconds before the impact at frozen lang sa upuan ko....! In split seconds after nung banggaan, nakalabas kami kaagad dun sa wreckage pero may second danger pa pala ulet....! Kailangan pa pala naming umalis kaagad dun sa gitna ng highway to the side of the road kasi baka hindi mapansin nung mga fast on-coming traffic ang banggaan at banggain ulit ang mga ito....! Pwede pala kaming maipit at mamatay dun sa gitna nung mga kotse kaya agad kong pinarahan ang padating na malaking truck dahil nakita kong nakatitig sa amin yung mamang driver at binagalan nya rin ang takbo nung truck.... In short, nakaabot kami safely dun sa safety zone, saka pa lang ako nakahinga ng maluwag hayyyy....!


Everything happened like a scene in a movie talaga....! Sino ba naman ang mag-aakalang makaka-survive kami dun sa 60 km/hr na car crash without a single scratch in our body....?! Nayugyog yata at naging halu-halu mga brain cells ko dun a....! Kaya ngayon, off si Cam for 2 weeks dahil pinapaayos nya kotse nya, plus babayaran ng insurance nya yung dalawang kotse sa harap na parehong wasak ang likuran at ride-off na sigurado yung Volkswagen na binangga namin dahil nasa likuran ang engine nun kaya siguradong wasak na wasak at hindi na pwedeng i-repair kaya dapat palitan na lang ng bago nung insurance company ni Cam....


Tinikitan pa nung pulis na dumating si Cam for $350, at bawas ng 3 points ang license nya for negligence.... Plus, babayaran nya rin pala yung service nung nag-respond na mga police for $1000 nakuw sakit sa ulo....! All in all, milyon in terms of peso ang value ng split second na yun....! Para tuloy binagsakan ng katakot-takot na hollow blocks ang mukha nung best plens ko doon....! Hindi ko rin tuloy napansin na masakit pala tong batok at right side ko, kaya sabi ko dun sa pulis nung tinanong kung nasaktan raw ba kami, ang sabi ko, "we're okay" at pabirong dagdag ko pa nga na, "probably we're made of steel officer".... Natawa lang yung pulis....! Dapat pala nag-claim din ako ng third party insurance dun para sa batok ko a he-he....! Joks lang, kawawa naman plens ko....! ....! =D


Anyway, importante buhay na buhay kami di ba....? Ang pera madaling kitain, pero ang buhay ay talagang iisa lang, pagtinamaan ka at natigokok ay yun na yun sa ayaw mo man o sa gusto....! One thing for sure, i'm still not ready to die yet, because probably i still have a lot of things to do in my life kaya ako nakaligtas dun.... I know that i'll get to that point one day, but at the moment not yet, i'm very sure of that he-he....! Nagka-trauma pa yata ako dun sa accident na yun a, kasi mula nung nangyari yun, everytime na makakakita ako ng breaklight ngayon ay nagugulat ako at napapapreno tong kanang paa ko ha-ha....! =D


Monday, July 28, 2008

Pasilipsilip....!

Hallu po....! Nagparamdam ulit si astig.... Kahapon ko pa sana balak na i-post tong entry na'to kaya lang sa hindi maipaliwanag na dahilan ay medyo hindi ko mabuksan tong blog ko dito sa pc ko sa bahay mula pa nung friday.... Baka kako may nagawa na naman siguro akong kung ano sa computer na to sa sobrang kakakalikot ko dito araw-araw....


Anyways, medyo busy pa rin po ako ngayon sa work dahil sa mga bagong assignments na naman na ipinatong sa balikat ko, kaya gustuhin ko man na dumalaw dito palagi para magpatalontalon sa mga pambihira at mga astig na mga blog nyo ay hindi ko pa rin pwedeng gawin sa ngayon.... Pero sisikapin ko pa rin na sagutin lahat ng mga dalaw at comments nyo dito kahit na medyo late na minsan.... Promise, magbabalik-blogging ulit ako as soon as possible.... Ingatz po sa lahat at wag po sana kayong magsasawang pumasyal dito paminsanminsan.... =D

Sunday, July 13, 2008

Houston, the Pope have landed....!



Got this Sharing the love badge from Redlan last week, salamat dito Red.... And since i don't have much time to hop-around to give and inform friends about this, i would like to share this to everyone instead who are visiting and willing to share this badge to some of their blog-friends as well.... As usual, palaging busy pa rin po ako kaya pasensya na kung hindi ako masyadong nakakapag-update ng mga entries ngayon.... . . .


By the way, to those who doesn't know yet, here's the latest talk of the town ngayon dito, the Pope Benedict XVI have already arrived here in downunder today few hours ago sakay ng Boeing 777 na papal-plane for the Catholic World Youth Day Celebrations that i think will open on tuesday.... Madami nang mga pilgrims ang dumating last week pa from different corners of the globe.... Teka, may corners ba ang mundo, bilog to di ba....? Mukhang inagahan lang muna nung iba para makapaggala sila ng kunti around downunder.... I was watching his arrival on tv today at nakita ko nga sya at andalidali ko rin sya na-notice kaagad dahil sya lang ang may suot na white robe dun sa crowd with matching nililipadlipad pa ng hangin ang cape he-he....! Kasama ang mga goons nya na naglakad patungo sa mga nakaparadang puting kotseng maghahatid sa kanya sa official papal-home kung san sya temporariling titira for the next weeks na stay nya dito....
Nagtataka lang ako kung bakit ni wala man lang masyadong hukos-pukos at ano mang seremonya ang pagdating nya dito.... Expected ko kasi may mga Aboriginal Dancing at kung anong cultural displays muna, hagis ng Bomerang dyan ay tugtog ng Didgeridoo dito, pero basta na lang sya kinaladkad nung mga men in black at mga mamang kalbong may platitong kulay pink sa ulo dun sa kotse pagkatapos ng kumustahan from the australian officials and priests at vaaroooom! lakad kaagad ang kotse nya....! At ang nakakatawa pa dun ay ang mga mukha nung naghintay ng matagal dun sa airport sa pagdating nya kanina na parang naengkanto at nagtataka sa sobrang bilis ng pangyayari ha-ha....! Alam ko naman na for security reasons lahat yun.... Parang yung scene sa Charlie Chaplin movies na naghahabulan, kaya sabi ko nga kulang na lang lagyan ng background music na kagaya dun sa Charlie Chaplin at ganung-ganun talaga ang labas ng scene kanina ha-ha....!


So for the next few days ay siguradong expected na ang mabagal na daloy ng traffic dahil redirected lahat ng mga routes na papuntang sydney, hopefully wag lang masyadong maapektuhan ang daan ko papuntang trabaho.... Dapat kasi nag-declare na lang sila ng public holiday na katulad nung last Apec Summit dito para naman makapag-blogging ulit ako.... Medyo matagaltagal kasi tong World Youth Day kaya siguro hindi nila ginawang public holiday....


Medyo tinganghali pala ako ng gising kanina.... May pinuntahan kasi akong birthday party kagabi at may nakilala akong mga greek nationals dun na bisita rin at nagbukas sila ng dalawang boteng red wine na napakatamis, singtamis ng honey kaya eto, medyo napalakas ako ng inom ha-ha....! Hindi ko lang maalala ang pangalan nun kaya kanina ko pa pilit niri-recall, balak ko kasing hanapin sa liquor shop minsan para ipatikim sa tatay ko next na balik ko sa pinas.... Sabi nung isang grego, mahal daw ang wine na yun, almost 50 dollars daw isang bote tsk tsk....! Isang pares na sapatos na yun a....! Subukan ko ngang hanapin minsan baka nagyayabang lang kasi gawang bansa daw nila yung wine na yun....


Anyway, sana maging successful ang celebrations ng World Youth Day at wag sanang masyadong maggagala si Pope Benedict sa bush dahil madami kaming dangerous wild animals dito sa downunder tulad ng Koala at Kangaroo, mga man-eating beasts he-he....! Joke lang....! =D

Sunday, June 29, 2008

Sayang....


I'm badly in need of a new laptop right now, pero umiral na naman tong pagkakuripot ko he-he....! I don't wanna call it unfortunate dahil ako naman talaga ang may kasalanan dun.... I'm planning to get a laptop kasi, kaya lang hindi ko ugaling mag-impulse buying.... Gusto ko munang pag-isipan at siguraduhin ang sarili ko bago mag-decide kasi mahirap magsisi sa huli kung nabili mo na ang item di ba....?


Last time kasi, gaya ng sinabi ko dun sa entry ko about Batista na may connections ako dyan sa Acer Computers ha-ha....! Oi, hindi illegal to ha, malakas lang dumiskarte ha-ha....! Last week kasi meron silang stock take sale para sa mga staffers nila.... Half price ang lahat ng desktops and laptops computers plus 10% GST lang ang prices pero compared to the recomended retail prices (RRP) ay talagang mapapatalon ka sa laki ng mga discounts....! You can actually buy two laptops or pc for less the price of one, walastik....!


Yun na nga, nabigyan ako ng listahan nung mga available models ng laptops at magdamagan kong nilamay yun ng kaiisip na parang kukuha ako ng board examinations kinabukasan ha-ha....! Finally nagdesisyon si astig, gusto ko ng either Travelmate, Aspire, o di kaya Extensa na model sabay tulog ng mahimbing....


Kinabukasan sa trabaho, kaharap nung officemate kong manager nung Acer Computers ang husbandry nya, kaya lang sa hindi ko mai-describe na rason biglang kambyo ulit tong utak ko, tsk tsk tsk....! Simple lang sagot dyan, may IQ kang kasing laki nung IQ ng butiki....! Nagtanung ka pa kung bakit, hmp....! Biglaang nag-isip kasi ako nun na kesyo mangangailangan siguro ako ng pera sa future, at kung anu-ano lang na mga ideas na pumapasok sa isip at nagpapa-confused na naman sa desisyon ko kaya in short, na-miss ko ang pagkakataon dahil limited lang pala ang quantity ng mga yun at hirap pa nun ay yung iba palang mga bumibili ay may mga IQ na kasing laki nung sa balyena na bumibili para ibenta ulit (sabay suntok sa keyboard)....! Bat kaya hindi ko rin naisipan yun....? Alam mo na, hindi mo na kailangang itanong pa ulit Peng....! Napakalaki kong tanga talaga, buti na lang hindi ako nag-iisa dito sa mundo....!


Anyways, may next years sale pa naman ulit.... Meanwhile, sourgraping na lang muna ako for one year he-he....! Ito ang pinaka-effective weapon daw when everything else don't work, imbento ng mga ninuno nating unggoy....! Hay buhay talaga....! =D

Napaka-frank pala ni Frank....


Hallu guys wooohooo....! Nandito na ako ulit muling bumabalik-blogging na naman....! After all the trouble last week na ikukwento ko sa inyo mayamaya ay balik ulit ako dito para mangulit.... After a few events na patuloy na nagri-remind sa'tin na tao lang tayo at walang control sa anomang mga pangyayari sa buhay ay kapaligiran natin ay nagkarun ulit ako ng chance na magpipindot na muli dito....


Pasensya na po kung hindi ako masyadong na-blog nitong nakaraang mga araw.... Hindi lingid sa lahat na medyo masyadong naging frank ang bagyong si "Frank" na tumama sa southern part ng pilipinas nung nakaraang linggo at kasama dun sa mga cities na napinsala ay ang Panay Island , sa visayas region kung san ako sumulpot sa balat ng lupa nun.... Salamat na lang at meron tayong mga online radio stations dyan sa pinas, particularly sa Iloilo City kaya hindi ako masyadong nag-worry plus ang non-stop communication ko with AB through my mobile phone na nakatulong din ng malaki....


Sabi ni AB, sobrang lakas daw ng hangin at ulan kaya umapaw ang mga ilog dun sa amin sa Janiuay Iloilo na hindi inaasahan ng mga tao dahil bundok na bali yung city namin at kung ilang meters na ang taas nun sa level ng tubig dagat pero bumaha pa rin.... Galing daw sa bundok ang tubig na pumuno sa mga ilog.... Maraming palayan ang nasira, tulay na nagiba, mga bahay at pati ang district hospital namin ay pinasok din ng tubig baha....


Kaya kahit na hindi naman gaanong naapektuhan ang bahay namin dun ay medyo affected na rin ako dun sa mga nalaman kong naapektuhan ng husto, at dun sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay.... Madami kasi sa mga nakatira dun mismo sa tabing ilog ang inanod ang mga bahay at ilan sa kanila ang hindi na nakuha pang tumakas sa malakas na daloy ng tubig galing bundok....


There was another scare pa two days ago, sabi ni AB pinalikas na naman daw ang lahat ng mga mamamayan sa simbahan dahil ayun dun sa mayor namin na meron raw landslide nung bagyo at may naipong tubig sa loob at naglikha ng natural dam at anytime daw ay pwedeng masira at maglikha ng baha ulit na sa tingin nila judging dun sa volume nung tubig na naimbak sa loob nung dam ay sapat para takpan ang buong bayan kaya alsa balutan na naman sila ulit naku....! Ewan ko lang kung pano nila napaalpas ang tubig mula dun sa natural dam na yun at bandang mga midnight daw ay balik kanya-kanyang mga bahay na ulit ang lahat whew....!


Ako naman dito sa ostralya, parang hinahalukay ang sikmura sa sobrang worries.... Hirap kasi ng ganitong malayo sa mga mahal sa buhay, wala ka man lang magawa at maitulong lalo na sa panahon na kagaya nga nito nakaraang bagyo.... Minsan naiisip ko tuloy, sana naging superhero na lang ako para at least may super powers ako di ba....? Kaya lang ayun pala dun kay spiderman, "great powers daw comes with great responsibilities", ibig sabihin nun, kapag alam mong may powers ka ay dapat ka na talagang gumamit ng rexona.... Ah ibang klaseng powers pa ba yun....? Akala ko kasi putok ang pinag-uusapan ni Peter Parker at Uncle Ben dun sa movie, ay mali he-he....!


Anyways, sa awa naman ng diyos ay okay na sila dun ngayon, wala na si Frank at balik na ulit sa dati na ang everydaily life nila.... I just hope na wala nang darating na malakas na bagyo para naman maka-recover ang mga nasalanta.... =D


Wednesday, June 18, 2008

The Bomb fell on Sydney....!



Medyo may gana akong magpipipindot ngayon kaya sinamantala ko na ang pagkakataon he-he....! Oi, nakalimutan ko palang i-post dito last weekend to, si David Batista pala nandito sa downunder nung weekend woooohoooo....! Pero hindi ko pala sya kilala kaya fake lang ang excitement kong yun he-he....! Sa tagal ko ba namang nawala dyan sa pinas, at wala ako ni isang channel man lang na pinoy tv dito sa ostralya ngayon kaya hindi ko tuloy nasusubaybayan kung sino-sino na ba ang mga iniidolo ng mga tao dyan ngayon....!


May nagsabi sa'kin na may dugong pinoy daw yang si Batista, pero ayaw ko pa sana nun maniwala kasi ang laki nya pala para sa isang pinoy....! Waistline ko na yata yung biceps nya....! At ang sampung kilong kamao nya na halos kasing laki na rin yata halos nitong ulo ko ha-ha....! May height din naman ako pero sa palagay ko pagpinagtabi kaming dalawa nitong si Batista ay siguradong para kaming David Beckham and Goliath tingnan sa sobrang laki palang talaga ng taong to....! Ha, wala na bang Beckham yung David? Ops sowi, David and Goliath lang daw pala yun he-he....!


Yun na nga po, nakipagbakbakan sya dun sa iba pang naglalakihan rin na mga wrestlers galing tate at ginanap ang bakbakan dun sa Acer Arena sa dating Olympic Stadium, Homebush Bay nung linggo at nanalo naman daw sya ayun rin dun sa result nung scripted na labanan nila ha-ha....! Halata namang dramahan lang naman yung wrestling di ba....? I been watching wrestling since i was little, at alam kong drama lang ang lahat ng buntalan, tadyakan, at bugbogan dun pwera lang syempre kung magkainitan at biglang maging tutuhanan na at madugo ang labanan nung mga players....


Balak ko pa naman sanang manood nun dahil hindi nyo naitatanong, may reliable source ako dito ng half-price tickets sa Acer Arena ha-ha....! Yung isang ka-opisina ko kasi ay manager ng Acer Computer Factory na may-ari rin nung Acer Arena ang husbandry nya kaya magsabi lang daw ako kung gusto kong manood ng mga shows and concerts basta daw dun lang ang venue sa AA ay walang problema ang pagkupit nya nung mga tickets sa bulsa ng darling nya, o di ba....! Bad timing naman na nagkarun ako ng problema last weekend dahil nawalan ako ng hot water dito sa apartment ko ng buong weekend kaya hindi natuloy ang plano kong manood.... Isa pa, ang bahubaho ko rin nun kasi tatlong araw ba naman akong walang ligo at patabo-tabo lang ako at papunaspunas ng maligamgam na tubig sa lababu....! Wala na nga akong hot water ay saktong kalagitnaan pa ng winter dito ngayon at super-napakalamig pa ng panahon.... Tilamsik pa lang yata nung tubig sa shower ay naninigas na buong katawan ko sa sobrang lamig brrrr....!


Sinubukan ko rin tumawag ng plumbing service kaya lang off-duty daw sila kapag-weekend kaya walang nagawa at napilitan na lang maghintay si astig hanggang monday, buti na lang at may annual leave pa pala akong natitira kaya ginamit ko na.... Fast forward, matapos ang mabaho este nakakainip na paghihintay ay naayos din at last tong hot-water system ko at nakigamit pa ng palikuran yung mamang tubero....! Naunahan pa ako ng loko na maunang gumamit dun sa bagong water heater ko ha-ha....! =D


Anyways, bago mapahaba na naman ulit tong kwentuhan natin ay heto na si Batista para dun sa mga die hard fans nya dyan sa pinas and wherever you are right now.... Pakipindot na lang po ng hugis triagle na yan sa may bandang ilong ni Batista okey....! Enjoy your viewing....! Babayu....! =D

Sunday, June 08, 2008

Wala pa rin sa mood....

It's long weekend this weekend so i thought that i should as well take my time and slow down a little.... Hindi na kasi ako nakapagtamadtamaran dahil sa sobrang busy nga kaya big chance ko na to ngayon ha-ha....! Everyone's returning back to work on tuesday pa and tomorrow is still another day-off as a part of the long weekend thingy nga.... I think it's also a public holiday in pinas bukas, hindi ko lang maalala kung anong okasyon.... I was also shocked to know from AB yesterday about the passing of another philippine cinema's great, Rudy Fernandez.... Buhay nga talaga ng tao, the difference between a cancer patient and a healthy person daw is just a matter of time, everyone is heading to that same direction....


Hindi ko na kasi masyadong nasusubaybayan ang mga pilikulang pilipino dahil medyo mahirap itong mahagilap dito.... I would really love to sit in front of tv for the whole day one day and watch pinoy programs kung meron lang sana akong source ng mga to dito.... I also got terribly addicted to listening online filipino-fm stations lately, particularly the Kiss FM Lucena, maybe because of the sense of humor ng mga Dj's at ang tunog ng accent nila na talagang pinoy na pinoy, ala Dencio Padilla ang dating at parang nasa pinas lang ako ulit everytime na nakikinig ako, or maybe the 80's music that they often play, which i love to listen....


Since friday i was very busy putting on some colors in my apartment unit.... Sort of making things go against my dull mood this time, para naman maiba ng kunti.... Hindi naman kasi dahil medyo depressed ako ay dapat depressed din ang kulay ng paligid ko, kaya medyo nilagyan ko ng kunting buhay ang paligid at ni-rearrange ang ibang part ng bahay, nilinis ang mga fish tanks at dinagdagan ang mga tropical fish nito.... Kahapon, for the first time in many weeks ay lumabas ako ng balcony at inayos ang mga halaman dun.... There's a bird cage there in a corner that once belongs to my pet cockatiel, "Dexter"....


Sabi ko, siguro it's about time na para lagyan ko ng ibon ulit instead of it just sitting there and catching dust kaya pumunta ako sa pet shop kahapon to buy one but not necessarilly a cockatiel again kasi baka ma-frustrate lang ako kung hindi ito kasing obedient ni Dexter ko nun.... So i've finally made up my mind to get a pair of finches instead, because they are cheaper and easy to maintain birds.... Only eleven dollars each compared to a cockatiel's price that will instantly break my pocket.... And they can also breed in the cage when in pairs, all you need is just a nesting box or grass ball at presto, may baby ibon na sila....


Pero may kunting problema lang, dalawa na lang daw ang finches nila at parehong lalaki pa....! I thought, this is not right, hindi ako against sa gay couples but then they will deprive me the chance of being an uncle to my nephews and nieces (baby finch) in the future....! Nalito tuloy si astig.... Anyways, medyo nagustuhan ko naman ang kulay nila kaya binili ko na rin at nag-promise naman yung store keeper na next week ay may finches ulit sila na darating kaya bili na lang ako ulit ng mga t-birds naman next time, extra gastos nga lang he-he....!


Pagkauwi, nilinis ko ang hawla at nilagyan ng ibons (plural for ibon) at nilagyan ng left-over na bird seeds ni Dexter nun.... And i'm also proud to tell you about my latest genius idea.... Nag-iisip ako nun kung anong nest ang ilalagay ko dahil wala akong mahagilap na kahon.... When a bag of wood chippings na ginagamit kong pang mulch sa mga halaman ang nakatawag ng pansin ko.... Biglang umilaw na naman tuloy tong bumbilya sa utak ni astig....! Naalala nyo ba kung paano ginagawa ang fried chicken....? Nilalagay sa loob ng plastic bag ang pieces ng manok coated with beaten eggs with the flour and spices at kung ano pang sangkap, tapos pinapagpag, niyuyugyog, at inaalog-alog ito para dumikit sa pieces ng manok ang sangkap....?


Yun ang ginawa ko....! Kumuha ako sa cup-board nung take-away container na bilog na ginagamit sa fastfoods, nilagyan ng butas as pinto for the birds to get in it, tinakpan at pinahiran ang buong container ng napakakapal at masmakapal pa sa normal na pag-apply ng craft-glue (elmer's glue) at inilagay ito sa loob ng plastic bag na may wood chips sabay pagpag, apak, tadyak, yugyog, at alog-alog dito at hinayaang matuyo ng few minutes dun pa rin mismo sa loob nung bag and presto ulit, instant birds nest made of wood-chip ball....! Galing ko ano....?!


For a while i was really enjoying doing the cleaning at the balcony and even forgotten about my dull mood kahit sandali.... I sometimes thought of leaving blogging because i can't think of anything to write in here anymore, talagang blanko utak ko ngayon.... Unless i will talk about myself like this again.... Wala talagang pumapasok na ideas sa utak ko para isulat.... Hindi katulad nun na halos bumabad na ako dito kaharap ng pc for days and nights para lang isulat ang lahat ng mga umaapaw na ideas sa isip na gusto kong i-share.... Maybe it's because of my hopelessness, maybe it's because of my frustrations in life, hindi ko alam....


Para akong palubog na bangka minsan, lahat ng mga pabigat ay dapat na itapon over-board just to keep the boat floating as long as possible.... Sa ngayon, palagay ko ay hindi naman pabigat tong blogging sa'kin, kaya lang ay hindi ko lang talaga kayang i-maintain to sa lahat ng oras.... So kahit medyo hindi ako nakakapaglagay ng bagong entries ay nandito pa rin naman akong pabisitabisita sa mga blogs nyo each weekend.... When i'll get through this dullness ay balik gana na naman ako sigurado yan, promise.... Kaya wag lang sanang magtampo kung medyo hindi ako masyadong active dito ngayon.... =D

Sunday, June 01, 2008

Kunting laman ng utak....


I don't really have much to talk about today, but since i was not able to put any entries here last weekend i just want to write about things that had happened for the past few days.... I feel a bit down today, thinking about a lot of things.... So down that i've unconsciously devoured and finished two large chillis that was part of my "Sinigang" for lunch today, which i normally never does because i hate hot foods....! I think the pungency of it's taste was just mixing well with my mood today that's why....


Well, same as usual i was very busy with works part at home and at the office.... since last tuesday, i've started going to work as early as 5:45 AM just to cope up with the busy schedules of the weeks to come.... Nandun na yung hirap ng paggising sa umaga, winter pa naman ngayon at ang sarap talagang matulog.... By the time i've reached work it was still very dark and there's only two of us there, my fellow pinoy workmate na palagi kong kakuwentuhan at ka-kapehan when it comes to business plans back in pinas.... Since last year kasi, AB and i were already busy investing on something back in pinas.... Naisip ko kasi na ano naman ang gagawin namin dito in the future pagtumanda kami kaya it's better to have something back home na matatawag din naming amin as long as there's no war or anything ay okay dun di ba....?


Lately we've given a reservation money for a small spot in a proposed subdivision area close to a public high school in Iloilo that one day we're planning to turn into a two-floor boarding house for students.... The money that then will go to the mortgages of this new project will come from an empty space that we bought just last year which we are going to put for rental on the next few weeks from now, and at the same time we'are saving for the construction of this new project.... All these thoughts, and plans are just going through my brain like a very long noisy train, day in and day out....


I really wish to go back home as fast as i could.... Gustong makasama ang mga mahal sa buhay at nandyan na rin ang gusto kong makita at alagaan ang parents ko, specially my father sa pagtanda nila, but everything there involves money at hindi natin pwedeng ipagkaila yan.... Kailangan ko lang talaga ay one-third ng earnings ko dito per month na income dun at okay na akong umuwi.... That's why, kapag successful tong boarding house business na'to ay willing talaga akong umuwi to try it out for a year to see how things go....


It's like a race against time talaga.... Kung pwede lang sanang i-frozen ang age ng tao ay ginawa ko na sana.... Some people might think that in order to start something, you'll need the exact amount needed to start those things.... But my idea is different, i have to step down to a certain level where i'll be known as the king....!

Example:

**Di ba, pagnasa section one ka raw sa school, speed class yun, lahat dapat ay matatalino at kailangan kang mag-compete all the time para pantayan ang galing ng lahat ng kaklase mo....


**Pagnasa section two ka naman, lahat ay average lang naman ang talino, pero kailangan mo pa ring mag-exert ng extra'ng efforts para i-maintain ang average na yun....


**Pero sa oras na bumaba ka na ng section three, everything will change.... As a survivor of section one and two, dun kahit pumikit ka pa ng mga mata mo, makinig lang mabuti at tumaas ka lang ng kamay mo palagi ay siguradong nasa top one ka at the end of the school year di ba....? Yun ang ginawa namin, making use of the big difference in currency here and back home.... But we need to start from little beginnings of course, before we hit the much higher marks.... Ika nga, hindi raw nabubuo ang piso kung walang isang sentimo.... Kaya itago ang napulot mong isang sentimo at balang araw ito ay magiging piso.... =D


I remember Leonardo da Vinci had once said, that people of accomplishment rarely sat back and let things happen to them, they went out and happened to things....! So we did....! I believe that all these things that we've started will surely payback well in the long run....


Don't have much to talk about daw o he-he....! At yan po ang madugong pangyayari sa linggong ito.... Sana nagustuhan nyo at hindi kayo nahawa sa mga stress ko.... Gusto ko lang naman pong ibahagi ang kunting laman nitong utak ko sa inyo.... Ingatz sa lahat.... Have a great weekend and week ahead....! =D


Sunday, May 25, 2008

Tagged by Marie....

Describing Myself today....

Marie tagged me with this meme.... Thanks Marie....! I didn't have the time to post any entries here last weekend because i was really busy doing some important things that i need to finish before yesterday, monday.... Currently my schedules are as unpredictable as lightning strikes and my mood at the moment is like a duck swimming in the water.... Out on the surface, i'm calm and graceful, but down below, my feet are paddling like crazy....! Anyways, here's Marie's tag.... =D


Rules:
1. List 6 things that describe yourself today.
2. Add your blog to the list. Feel free to add all your other blogs.
3. Tag other online friends you know.

Today, I am:

~ QUIET – I don't know but i just felt like not saying anything at all today at work.... Kaya pangitingiti lang at panay pakinig lang sa mga k'wentuhan ng mga kaibigan....
~ THINKING – I've made a lot of thinking this weeks.... I've made a lot of plans which sometimes makes me realised na parang napakaimposibling palang abutin.... At the moment AB and i have another project that i'm not sure yet if it is going to turn out well or not....
~ STRESSED – As always naman, kaya nga nagkasakit last time because of that.... I guess this will always be my little trademark.... I could never be as complete as i am now without this stress in my system ha-ha....! I don't know, i just feel more alive when i'm out there figuring things out or trying to fix some problems....! It's always been the icing on the cake, always hanging with me all the time, ayaw humiwalay....!
~ PLANNING – I sometimes thought that, hey i'm not getting any younger here, so i better do something with my life fast.... Set about to chase time, and that's when stress starts to hit me again ha-ha....!
~ THANKFUL – There are times when i'm trying to look back to where i came from and then start asking myself, "how did i get this far?", and though i'm thousand miles away from people that i love, i always receive a lot of motivations from some unknown incredible sources to keep me going a bit more....! My greatest wish....? To go back home for good and start something promising....
~ SLEEPY – After all the thinking, after all the stress, and planning, i thought it would be best to end the day with a nice warm shower, and snuggle in my blanket.... Winter yata ngayon kaya ang sarap matulog woooohoooo....! =D

I would like to tag everyone who will leave their comments in this entry, so it's up to you if you like to post this meme in your blogs guys....! =D


Sunday, May 18, 2008

Naked punishment....


I don't really have anything in my mind to write about today so i'm just dropping by to check my emails and answer some comments left by friends and visitors here, but as i was browsing through the internet a while ago, i came across an article about a strange kind of punishment that was being practiced in a daycare center in korea.... I find it so out of this century and totally unfit into our present time.... Pag-usapan po natin to....


The articled says, "Koreabeat reported a daycare center in Itaewon used some highly questionable punishments — locking its kids (a little girl) outside in the cold, naked. a foreign teacher passing by saw the abuse and took photos. This is currently one of the most-viewed stories on Naver.There is shock over the punishment a daycare center in Seoul doled out to one child — she was forced to take off her clothes and be locked outside....


As a result of photos sent, it has been confirmed that the “Yongsan-gu daycare center" in Itaewon made the child, who appears to be about five years old, remove her clothes before putting her outside and shutting the door, leaving her there. It is particularly shocking that the daycare center in question, run for low-income families by the local Yongsan-gu government, left the child alone outside on the second floor fire escape where there was a danger of him falling. There were two photos, which show a small girl standing on the second floor fire escape almost naked, huddling in the extreme cold."


This is a terrible experience specially for a child as young as five years old to be out in the cold....! They're not made of steel....! Hindi man lang nila naisip na pwedeng magkapulmonya ang mga bata dun....! Sadly the responses from the childrens parents to this issue was also quite unbelievable.... One mother even said, "We don’t want the teacher to be punished.... We just want to love one another, forget about this incident and move on." How can you love one another when they are out there killing your child....! WHAT THE....?! If this is some sort of a "reverse psychology" kind of a dialogue by that mother to persuades those teachers to do the opposite, i'm sorry to say that it is totally ridiculous and an unexpected reaction from any responsible parents....


If i were the father of that little girls or anyone of those punished children, ewan ko lang kung anong gawin ko sa teacher na yan....! I would've probably cut that teacher in pieces and put her in my stir-fry already, together with the broccoli, carrots, and snow peas....! O di kaya paghubarin ko rin sya at ilagay sa labas in the middle of winter, para malaman nya rin kung ano ang feeling nun....! =D


In the end they've added that the city officials have requested the Ministry of Gender Equality and Family to revoke the teaching license of Mrs. Park, the owner of the daycare center, as well as the contract for the center’s management.... Anyways, the damage has been done and that i guess will be very difficult to erase from a young child's mind....! If you'are a parent, i wonder how will you react to something like this happening to anyone of your children....?

Sunday, May 11, 2008

Ginabing update....

Hallo bloggerz....! As usual, bisita pa rin ako pansamantala ng sarili kong blog ha-ha....! Malapit na kasing matapos ang book na ginagawa ko kaya medyo wala akong karapatang gumawa ng kahit ano ngayon maliban sa umupo at mag-drawing in front of my pc....! Wala akong karapatang magkasakit, matulog, magutom, maglakwacha, mag-toilet, manood ng tv etc....etc.... =D



At bago kayo magtaka at magtanong kung ano na naman kaya yang inilagay ko na drawing dyan sa gilid na mukhang napaka-violent naman nyan, yan po ang isa sa mga last illustrations dun sa librong ini-illustrate ko ngayon.... Hindi nyo lang pwedeng i-enlarge yan kasi tinanggalan ko ng enlargement function pero clear pa rin po naman sya di ba....? I just hope that the writer of the book will not get angry with me showing another one of the drawings here he-he....! As usual ay naka-watermark naman yan for its protection....


Anyways, yesterday i went to a job-expo at Darling Harbour.... Nagbakasakaling makahanap ng panibagong magandang trabaho dun.... Nandun kasi lahat ng mga work opportunities, agencies, and job opening lahat naka-display sa expo.... I'm just not sure if i'm really ready to leave my present job now, kaya lang masyado na akong na-stress dito.... Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa ilang mga workmates ko na ubod ng bait....


But unluckily, mostly dun sa mga magagandang job offers ay nasa malayong lugar.... Few are in other states pa kaya medyo nag-isip tuloy akong lalo mula kagabi.... Actually it's not the distance that bothers me most kundi yung feeling of belonging ba....? Nasanay na kasi ako dito sa sydney at nandito lahat ng mga relatives and friends ko kaya parang ang hirap mag-let go.... May mga kaibigan akong nag-fill up ng application forms pero sabi ko pass muna ako dyan....


Madami kasing dapat i-consider kung lilipat ako ng state halimbawa.... Una na dyan, kailangan kong maghanap ng bagong matitirahan.... Ang hirap pa namang maghanap ng murang rent ngayon.... Ewan ko ba kung bakit napakamahal ng cost of living dito sa australia kaya ang hirap din tuloy mag-ipon ng pang holiday back to pinas....! Pangalawa, kailangan ko rin palang bumili ng panibagong mga gamit sa bahay if ever na hindi ko pwedeng i-travel ng libo-libong kilometro tong mga lumang gamit ko at baka mas lalong gagastos lang ako, maliban na lang dun sa ilang maliliit at magagaan gaya ng mga damit ko.... Hmmmm.... Mahirap pala....! Pangatlo, wala rin pala akong mga relative and friends dun.... Kanino pa ako mangungutang ngayon....! =D


So i've decided na dito muna ako sa sydney, pakikiramdaman ko muna ang present job ko if ever na maging worse sya, saka ako magdi-decide later on kung ano nga ba ang dapat kong gawin.... The workplace only have to get rid of few kontrabida lang naman and things will get back to normal again.... Sana nakikinig si lord sa'kin ngayon he-he....! Ang sama ko ano....?! Anyways, have a great week ahead everyone....! I'll visit your blogs na lang within this week, promise yan.... Meanwhile, tulog muna ako okay....? =D


Sunday, May 04, 2008

Tagged by Redlan....


This tag is from Redlan, i was so busy lately that i didn't noticed this from his previous post kaya ngayon ko lang nailagay dito.... Salamat sa pag-tag Red, this is in a good timing, wala pa kasi akong maisipang mga topics to put in here dahil busy masyado ang utak ko lately.... Anyways, here it goes....

The RULE: Post 10 things that recently made you happy, then tag ten other people and spread the LOVE!

10. I'm happy to have received this tag from Redlan, because i think i've already run out of ideas to post in here lately ha-ha....! =D

9. I'm happy that i have another weekend off today....

8. I'm happy that my health scare last week wasn't really that serious....

7. I'm happy to receive my first pay for that book that i'm doing now....

6. I'm happy that i was offered a book-illustrator job online....

5. I'm happy that finally i am starting to find a little time to post some entries here in my blog....

4. I'm happy for a long weekend, just stay at home and forget about all the stressing nature of my job....

3. I'm happy and thankful for all the blessings in my life both great and small....

2. I'm happy that eventhough i have a lot of problems and trials in my life, family are always there to give me support and patience....

1. I'm happy that at last we're slowly going back to normal now financially, and my over-time is back....

I'd like to share this post to everyone.... Still don't have time to go around much but just have a go with it, share to us your happiness, and have a happy week ahead all.... =D

Saturday, May 03, 2008

The great firewall of china....


I didn't go to work today because we were adviced yesterday by our supervisor to take a weekend off dahil wala daw masyadong orders kaya pahinga muna kami this saturday, next weekend na lang ang OT.... Okay lang kasi pagod naman talaga ako at kahapon lang ay wish kong sana wala ngang over-time ngayon para makapagpahinga naman ng kunti.... Anyways, i was watching Foreign Correspondent on tv today and there was this topic that had caught my attention.... It was about the danger of being a blogger in china....


What they've said on tv was funny because i think it's very rare for somebody to get a knock on their door as a result of something that they've wrote in their websites or their blogs.... Talagang bihira lang, you can count those cases on a couple of hands practically....


We know that there certainly is survailances, and there certainly are internet police.... There are people who's job is to works on a public security apparatus to track-down speech on the internet.... When the internet first started, everyone said that it's beauty was that nobody controls it and that's what most people still believe now.... But in china, the government has proven that it can control the internet....! It blocks sites that it doesn't like, it prevents discussions on certain subjects, it can fine and even chase, arrest, and jail people for stepping out of the line....


The companies which host chinese blogs are held responsible for their contents, so if a "taboo" subject is mentioned and we don't know what level of written ideas are already considered as "taboo" over there, but the hosting company will often send a polite massage suggesting that by changing their words, the blogger can have their article posted in the internet.... What the....! Ganyan na ba ka takot ang gobyerno nila sa mga write-ups ngayon....?! Quite opposite to how the whole world saw them as one of the biggest producers of electronic communication devices na simbolo pa naman sana ng freedom of speech di ba....? Very ironic ano po....?


At least most of us bloggers are still lucky to belong to a country where freedom of speech and print medias are still safe and widely practiced.... Buti na lang wala tayo sa china at ang pinaka-suspense na sigurong katok sa pintuan na matatanggap natin ay packages ng mga goodies na pinamili natin online o di kaya bills ng internet connections....!


Nakakalungkot lang kasing isipin na para silang namumuhay na bilanggo ng sarili nilang bansa kung saan ang kanilang sariling mga opinyon ay wala na rin halos bisa.... And as bloggers with all the freedom in this world to write just about anything ay alam natin kung gaano kahirap ang ganung sitwasyon.... Ano pa kayang sentensya ang maaari nilang ipataw kung mapuntahan lang nila at mabasa ang iba sa mga napuntahan kong blogsites na masyado na talagang rude at below the belt ang mga banat at mga ibinabatong topics....! Bitay sigurado o di kaya minced meat he-he....!


So if i were blogging in china today, ay hindi pala ako dapat nagsulat ng topic na to ngayon dahil any moment from now ay may mga katok akong maririnig mula sa aking pintuan para arestuhin at ikulong ako for crossing the line hmmmm....! TOk- tok-TOK....! Huh, ano yun....?! Tatot ato he-he....! =D


Sunday, April 27, 2008

Health scare....

Last week i was complaining to AB about a pain that i felt at my lower-right abdominal section na parang gumuguhit ang sakit.... I was thinking na baka appendix, matitigokok na yata ako....! For two days i was carrying that slicing pain down there, then finally i've decided to see a doctor para malaman ko kung ilang araw na lang ang nalalabi ko dito sa mundong makasalanan hu-hu....! =(


Nag-clockout ako ng maaga, pumunta ng medical clinic, pumila at nag-antay for few hours, then mga bandang five tinawag na ako sa room ng doktor.... Kinunan ng urine analysis at binigyan ng anti-inflammatory na gamot.... Muling naghintay ng result naman this time.... Nakakainip.... Ang hindi ko lang kasi gusto dun sa paghihintay ay yung suspense feeling na parang may naglalambitin na daga sa yung dibdib....! Mauuna pa yata akong aatakehin sa puso nito kesa dun sa pagdating nung results....!


Finally, tinawag ako ulit.... Naabutan ko yung doktor na naglilista ng mga shoppings este ng mga bawal at pwedeng kainin ko.... Inabot sa'kin sabi nya, yan lang ang pwede mong kaini iho.... Silip naman ako dun sa listahan at pilit pinipintahan na parang yung sa larong pusoy sa baraha.... Ang number one dun sa listahan...., ANO? BAWAL ANG KAPE....! Oh my gulay....! Kofey is my onli layp....! Hihimatayin yata ako....! Ops teka, walang kama at matigas ang bagsak ko sa sahig nito....! Sa bahay na lang mamaya....!


Ayun dun sa result nung urine analysis ay mataas daw ang acid ko sa katawan kaya na-irritate daw ang kidney ko dahil dun.... Parang tutuo naman kasi everytime na mag-toilet ako last weeks ay parang ang init ng liquid na lumalabas at parang napapaso ako sa loob na akala ko ay normal alang kasi panay ang exercise ko sa abs ko ngayon.... Bawas bilbil he-he....! Kaya tigil muna lahat ng acids sa pagkain.... Citrus fruits, pati na rin adobo sigurado, may suka yun di ba....? Plus gawan ng paraan ang mga nagbibigay stress sa buhay like my job halimbawa.... Dapat hinayhinay lang sa pagpapa-impress sa boss....


Masyado lang kasing naging stressing ang mga nakaraang buwan para sa akin kaya siguro lumakas din ang pumping ng acid ko sa katawan.... Anyways, okey na'ko ngayon, sunod nga lang dun sa bawal list ni dok.... Water therapy at saging diet.... Alam nyo ba na naka-ubos ako ng more than two dozen bananas sa loob lang ng linggo na'to....?! Baka tubuan na ako ng balahibo at buntot at tuluyan nang manirahan sa itaas ng puno nito pagkatapos ha-ha....! Talagang healthy diet ha Peng....? Bah, dapat lang para naman maabot ko ang target lifespan ko na 99 years old before tigokok....! =D

Sunday, April 13, 2008

Nandito na naman ako....!

Medyo late to'ng update ko ngayon for my weekend blogging dahil as usual busy nga ako.... Actually i was at work yesterday doing over-time that's why.... Hirap kasi ng nag-iisa sa bahay dahil walang pwedeng gumawa ng housework ko habang ako naman ay busy sa pagbu-blogging ha-ha....! So today medyo tinanghali ng gising tapos naglaba, nagsampay, nagluto, naglinis ng bahay, kumain, naligo, tapos nag-blogging....


Winter is already here at mahirap nang magtipid sa damit.... Kelan ba naman kasi naging mainit sa winter ha-ha....! Kaya eto, mukha na naman akong stuffed toy....! Nagulat pa ako kahapon ng maisipan kong timbangin ang sarili ko, lately kasi i was trying to lose weight, takot sa sakit sa puso....! It took me almost three months to lose a massive 9 kgs. na sa bilbil ko yata lahat nanggaling....! Madali raw magpataba pero mahirap magpapayat....


Anyways, kahapon nung sinubukan kong tingnan kung gaano na ako kabigat, kung nadagdagan ba o nabawasan ulit.... Nagulat ako dun sa rehestro ng timbang....! 99 kg....! Natawa na lang ako nung ma-realised ko ang problema.... Magsuot ka ba naman ng kuntudos sampong kilong damit dyan na parang bagong hain na suman, plus isang tasang kape sa kaliwang kamay na nakalimutan mong ilapag ay talaga nga namang aabot ka ng sandaang kilo Peng ha-ha....! Ay tangek....! =D


Eto nga pala ang isang sneak-peek dun sa pinagkaka-abalahan ko ngayon.... Halos mahiluhilo ako dito sa story na'to....! One minute ay normal sya tapos ang sumunod na mga istorya ay may kahalong SCI-FI na, ang bilis ng twist....! I hope the author of the book will not be angry with me for showing this.... I've double-marked it and removed the enlargement function for the protection of the illustration which already belongs to the author i'm working with in Thailand....


By the way, they have this organization there called the BANGKOK WRITERS GUILD, and they are inviting writers to join their group.... If you love writing, and currently living in Thailand, please visit their Bangkok Writers Guild website for more infos.... =D


Anyways, if the movie industries themselves have some sort of trailers running before the release of their works, why not post one illustration here of the book so people knows what to expect about the book whether they will like to buy it or not.... Pero ang main reason talaga nito, atin-atin lang to ha kaya tinagalog ko na ulit para hindi na maintindihan nung sumulat he-he....! Gusto ko lang talagang ipagyabang este, i-share pala sa inyo kasi proud ako dun sa mga ginuhit ko.... Hindi ko alam na meron pala akong ganitong talent ha-ha....! =D


Oi, meron pala akong natanggap na email lately.... This one came from a staff of a recording company in the US called Manila Jeepney.... Does anyone here know's about them....? Have you heard of the name....? They are obviously a pinoy group, sa pangalan pa lang nung company pinoy na pinoy na di ba....? Here's what they've written in the email.... Dapat sana dito may narrator na kunyari nagbabasa gaya dun sa "Maalaala mo kaya" ha-ha....! Ang sabi dito :

hello,

my name is jason. we are a filipino reggae label. your artwork is very beautiful !! i was wondering if you would be interested in designing a cover for our cd ?

onelove,
jason

:MANILA JEEPNEY:LIVE & LOVE SOUND DIMENSION

O tapos ka na bang magbasa....? Yan ang sabi nila.... Syempre proud din ako dahil pang international na pala ang mga guhit ko, galing-galing mo talaga Peng....! Kaya lang, after nung response ko ay hindi na sila muling nakasagot.... Maaring natakot sila dun sa mga pinagdadakdak ko sa email o baka may kasamang virus yung message ko at biglang nag-crash ang server nila he-he....! Anyways, kung sumulat man sila ulit at matuloy yung project mas okay, i'll be happy to work with fellow pinoys syempre.... Also, i'm proud to know na may mga pinoy sa ibang bansa na nagsisikap na itayo ang ating watawat (lalim nun a) dun kahit yung pandak lang na flag okay na, siguraduhin lang na wag baliktad....! Yun lang po.... Bitin kayo ano....?! =D